KELOT KINATAY NG KATAGAY

patay

TINANGHAL na bangkay ang isang lalaki matapos na araruhin ng saksak ng kainuman noong Biyernes ng gabi Navotas City. Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Navotas City Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Melvin Gariando, 57, ng Oliveros Dike, Brgy. Tangos North, ng lungsod, habang ibinalibag naman sa selda ang suspek na si Rogelio Jimenez, 60, ng F. Cruz, Brgy. Tangos North. Ayon sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi, tumotoma ang dalawa sa Badeo 5, Oliveros Dike, Tangos North, nang magtalo dahil sa kalasingan, hanggang sa nagbunot…

Read More

BELMONTE, TIANGCO, MALAPITAN HINIRANG NA TOP NCR MAYORS OF THE YEAR

INILABAS ng RP – Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng kanilang latest nationwide survey mula Hulyo 1-15, 2022, para sa lahat ng Mayor, Governor, at miyembro ng House of Representatives para sa kanilang “overall job performance” sa taong 2021. Sa National Capital Region (NCR), ang resulta ng ranking para sa “Top City Mayors” ay ang mga sumusunod: Si Mayor Josefina “Joy” Belmonte ng Quezon City, na may 88 percent job performance rating ay ang Top City Mayor sa National Capital Region (NCR) para sa taong 2021; sinundan…

Read More

7 TULAK NABITAG SA P.4-M DROGA

ARESTADO ang pito katao matapos makumpiskahan ng mahigit P.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 1 nang dambahin sa Pampano St., Barangay Longos, Malabon City ang mga suspek na sina Khurt Esteven A. Ramos, 22, at Raquel L. Almasan, 56-anyos. Umabot sa 43 gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P 292,400 ang nakumpiska sa dalawa. Bandang alas-4:30 ng madaling araw sa nasabing petsa nang masakote sa Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City…

Read More

5 MINORS, 1 PA NASAGIP SA ‘BUGAW’ SA PASIG

ANIM na kababaihan, kabilang ang limang menor de edad, ang nasagip mula sa isang ‘bugaw” sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang restaurant sa Shaw Boulevard, Pasig City. Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9282 na inamiyendahan sa RA 10364 at RA 11862 o Expanded Anti – Trafficking in Person Act of 2002, at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation at Discrimination Act ang suspek na kinilalang si Jenalyn Joy Hierco. Batay sa ulat na isinumite…

Read More

SATELLITE-BASED TECHNOLOGIES DAPAT NANG PALAWAKIN

MULING isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang panukala para sa pagpapalawig ng mga digital infrastructure sa bansa sa pamamagitan ng satellite-based technologies upang matiyak na magiging konektado ang lahat sa internet. Alinsunod sa Senate Bill No. 814 o ang Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2022, isusulong ng pamahalaan ang paggamit at pag-develop sa mga satellite services upang matiyak ang universal access sa internet. Itinuturing na malaking tulong ito sa e-government at sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo, kabilang ang edukasyon, kalusugan, kalakalan, pananalapi o pinansyal, kahandaan sa kalamidad,…

Read More

P2.67M SMUGGLED ILLEGAL DRUGS NASABAT NG PDEA AT BOC

TINATAYANG nasa P2.67 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Pampanga, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency. Ayon sa ulat, umabot sa 535.6 gramo ng Ketamine ang nasamsam ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement & Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, X-ray Inspection Project, sa tulong ng PDEA,  na isiningit sa ilalim ng polycarbonate sheets. Nabatid na nagmula ang kargamento sa Hoofddorp, The Netherlands, na idineklarang mga damit subalit nang isalang sa x-ray…

Read More

CARNAPPER TIKLO SA TIP NI MARITES

ARESTADO ang umano’y isang kilabot na carnapper matapos inguso ng isang Marites sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda ang suspek na si Adrian M. Pangilinan, 33, ng Bagong Barrio, ng lungsod. Nabatid, nagsagawa manhunt operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang most wanted person na nasa Reparo Extension, Baesa, Caloocan City kung saan nadakip si Pangilinan dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto 30. Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Regional Trial Court Branch…

Read More

PULIS-EPD, 3 PANG TIRADOR NG KABLE TIMBOG

ARESTADO ang isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD), kasama ang tatlo pa nang maaktuhan na ninanakaw ang mga kable ng PLDT sa manhole ng Barangay Krus na Ligas, Quezon City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Ivan Fritz Sacdalan Valtiedaz, 26, BS Criminology student; Richard Carbajal Repal, 32, construction worker; Nedrick Santos Suing, 25, sales assistant ng Uratex, at ang pulis na si Pat. Francis Arcenas Baquiran, 27, nakatalaga sa EPD. Ayon sa report ng Quezon City Police District (QPD) Anonas Police…

Read More

GOV’T CONSULTANT TIKLO SA CARNAPPING

ARESTADO ang isang 45-anyos na umano’y government consultant na wanted sa kasong carnapping sa lungsod ng Pasig kahapon. Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro Jr., hepe ng Pasig PNP, ang nadakip na si Joey Marco y Jacinto, binata, ng  Brgy. Dela Paz, Pasig City. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nicanor Aureus Manalo Jr., ng RTC Branch 161, sa kasong carnapping noong Hulyo 14, 2022 sa lungsod. Dakong alas-3:30 ng hapon noong Agosto 31 nang madakip ang suspek sa manhunt operation na ikinasa…

Read More