TINATAYANG umabot sa P58.31 milyong halaga ng imported shabu shipment mula Nigeria ang nasabat sa inter-agency operation sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa Manila. Ayon kina BOC Commissioner Jogi Ruiz at PDEA Director General Wilkins Villanueva, sinabat ng kanilang mga tauhan ang mga kontrabando na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, sa San Andres, Manila. Nasa 8.575 kilos ng shabu na itinago sa mga pakete ng imported spices, ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug…
Read MoreCategory: METRO
ANNABEL’S RESTO SA QC NASUNOG
TINATAYANG aabot sa P4M ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy sa popular na Annabel’s Restaurant sa Quezon City matapos dalawang ulit na sumiklab ang apoy sa kanilang gusali kahapon ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang sumiklab ang apoy sa kusina ng restaurant bandang 4:32 ng umaga (Agosto 31) pero agad ding naapula matapos ang isang oras. Batay sa arson investigator, ang sunog ay sanhi ng gas leak sa kusina. Bandang 8:15 ng umaga naman nang muling sumiklab ang apoy sa function room sa…
Read MoreKONTROBERSYA SA PMVIC PINAIIMBESTIGAHAN
PINAIIMBESTIGAHAN sa bagong pamunuan ng Department of Transportation ang lahat ng transaksyon sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) noong administrasyon nina dating DOTr Secretary Art Tugade at Undersecretary Artemio Tuazon. Sa press conference, Martes ng umaga ng grupo ni Jun Evangelista, presidente ng Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI KALIKASAN) na isang Clean Air Advocate, nais ng mga itong maipaabot ang kanilang sentimyento kay DOTr Secretary Jaime Bautista. Dapat aniyang silipin ni Bautista ang ginawa ng dating administrasyon na revocation at cancellation dahil sa imaginary requirements na hindi makikita sa…
Read MoreAsignatura sa kolehiyo pinababawasan din AUTOMATION SA MGA PAARALAN ISINULONG NI GATCHALIAN
SUPORTADO ni Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture ang pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo at tuluyan na lamang ilagay lahat sa K-12 upang mabawasan ang taong gugugulin sa kolehiyo. Sa pagdalo ni Gatchalian sa Kapihan sa Manila Hotel sa kooperasyon ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, tinukoy nitong halos paulit-ulit na lamang ang ibang asignatura na nasa kolehiyo at nasa K-12. Tumanggi naman si Gatchalian na idetalye kung anu-ano ang nais niyang tanggaling asignatura sa kolehiyo at ilagay na lamang sa…
Read MoreBUDGET CUT SA 2023 PINALAGAN NG PGH UNION
HINDI kuntento ang unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) sa pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na itinuring nilang hindi katanggap-tanggap at nakababahala. “Una sa lahat ang unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ibinibigay namin sa mga pasyente,” pahayag ni ALL UP Workers Union-Manila/PGH president Karen Faurillo. Batay sa ‘spending plan’ ng gobyerno, kakaltasan ng P890 milyon ang pondo ng PGH. Mula sa kasalukuyang P6.3 bilyong pondo nito ay magiging P5.4 bilyon na lamang sa 2023. Iginiit ni Faurillo, mas higit…
Read MoreDENGUE UMARANGKADA SA BANSA – DOH *Outbreak naitala sa Tanza, Cavite
UMABOT sa 118,785 kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, na mas mataas ng 143% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nairekord ang report nitong Martes. Base sa National Dengue Data ng DOH noong Agosto 13, mayroong 48,867 kaso na naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2021. Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng dengue ngayong taon o 18% ay naiulat sa Central Luzon sa bilang na 21,247. Sinundan ito ng Central Visayas na may 11,390 kaso (10%),…
Read MoreVAT IPATATANGGAL SA FOOD PRODUCTS
PLANO ng isang mambabatas na maghain ng panukalang batas para tanggalin ang VAT sa mga pagkain at iba pang bilihin. Partikular na target ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na matanggalan ng VAT ang tinapay, delata, noodles, asukal, mantika at sabong panlaba na pangunahing konsumo ng mahihirap na mamamayan. Kasunod ito ng panibagong oil price increase na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong Martes na umabot sa P6.10 bawat litro ng diesel. Bukod sa diesel na bumalik na sa P80 ang presyo ng bawat litro ay nadagdagan din ng P1.40…
Read MoreSTREET SWEEPERS, IBA PANG GOVERNMENT WORKERS BIGYAN NG MAAYOS NA SWELDO
KINALAMPAG ni Senador Raffy Tulfo ang gobyerno upang bigyan ng disenteng pasahod para ang mga street sweepers at iba pang government workers na tumatanggap ng mas mababa pa sa industry standard. Iginiit ni Tulfo na ang gobyerno ang dapat nangunguna sa pagsunod sa labor standards na nagbibigay ng karapatan sa mga empleyado na makatanggap ng minimum wage. “Hanggang ngayon, marami pa ring empleyado sa gobyerno ang walang seguridad sa trabaho at sapat na sahod, kabilang na dito ang street sweepers at traffic aides sa iba’t-ibang munisipalidad,” saad ni Tulfo. “Sila…
Read MorePULIS NA SUKI SA CASINO ARESTADO
ARESTADO ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang isang police officer habang nagsusugal sa isang casino sa Pasay City noong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), isinagawa ang pagdakip sa police officer bunsod ng report na madalas umano itong nakikitang tumataya sa mga slot machine. Isang law enforcement operation ang inilunsad ng PNP-IMEG-NCR Field Unit, katuwang ang Regional Intelligence Division (RID), at Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Regional Office, PNP-PSPG, at Security Management Office ng Resorts World Casino. Nabatid na ang dinakip na pulis…
Read More