SA pinakahuling nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., lumitaw na si Mayor Sara Duterte-Carpio pa rin ang nananatiling nangunguna sa pagka-bise presidente, samantalang ang pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto ay umangat naman ng anim na porsyento kung ang halalan ay gaganapin sa pagitan ng Marso 15 at 22. Sa nakaraang survey na isinagawa ng parehong kumpanya mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 28, lumitaw na bumaba ang “voters preference” ni Duterte-Carpio ng apat na puntos, mula 58 porsyento hanggang 54 porsiyento, ayon sa isang survey na inilabas…
Read MoreCategory: METRO
ONLINE SELLER TIKLO SA P86K PEKENG YOSI
ARESTADO sa entrapment operation ang isang babaeng online seller makaraang makumpiskahan ng P86,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa Navotas City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Rights of the Philippines ang suspek na si Olivia Olarte, 44, online seller, ng Brgy. Daanghari, ng lungsod. Isinagawa ng mga pulis ang operasyon kasama si Phillip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) Illicit Trade Prevention executive Solomon P. Dador Jr., sa panulukan ng M. Naval at Daanghari Streets, Brgy. Daanghari dakong las-9:30 ng gabi noong Abril 4 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.…
Read More2 TIMBOG SA NBI SA INVESTMENT SCAM
ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa online investment scam, sa entrapment operation sa Lipa City, Batangas. Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga suspek na sina Yron Recodo at Katrina Oloteo, kapwa taga-Hacienda Nirvana na ino-operate ng Arcadia Prime Development Corporation, na ang opisina ay nasa RDC Plaza, Ayala Highway, Barangay Balintawak, Lipa, Batangas. Ayon kay Distor, isa sa mga mino-monitor at under cyber surveillance ang Nirvana. Noong Marso 31, pinuntahan ng NBI-STF agents at poseur…
Read More“SAFE TRIP MO SAGOT KO” MULING INILUNSAD
NGAYONG bumaba na ang COVID-19 alert level ay muling inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang kanilang “Safe Trip Mo Sagot Ko” (SMSK) para sa mas madali at ligtas na pagmamaneho sa mga motorista na dadagsa sa Luzon expressways ngayon Semana Santa. Ipatutupad sa darating na Abril 8 hanggang Abril 18, 2022 ang SMSK motorist assistance program sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link Expressway (C5 LINK), and Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Base sa statistic record ng MPTC’s traffic data, ngayong Holy Week ay…
Read MoreSUSPEK SA SARI-SARING KASO, PAGPATAY NALAMBAT
ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni P/BGen. Remus B. Medina, ang isang suspek sa panggagahasa, pagdukot ng mga dalagita, at ilegal na pagdadala ng baril at bomba kahapon sa Quezon City. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Jeffrey B. Bilaro ng Holy Spirit Police Station (PS-14), kinilala ang suspek na si Mhelo Monsada, 35, nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Lumalabas sa imbestigasyon, apat na kababaihan, tatlo sa kanila ay menor de edad, ang dumulog sa himpilan ng PS-14 at nagsampa ng reklamo laban sa suspek…
Read More16 NAOSPITAL SA AMMONIA LEAK SA ICE PLANT
IPINASARA na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang ice plant na sa ikatlong pagkakataon sa loob ng dalawang taon ay muli na namang nagkaroon ng ammonia leak nitong Martes ng madaling araw na naging dahilan ng pagkaospital ng 16 katao. Nakatanggap din ng ulat ang Navotas City Police Tactical Operation Center (TOC) hinggil sa pagkamatay ni Edwin Dela Vina, 49, ng Ilang-Ilang Street, Brgy. NBBS-Kaunlaran, na nahirapang huminga dahil sa mabahong amoy bunsod ng pagtagas ng ammonia dakong alas-2:50 ng madaling araw sa Magsimpan Ice Plant sa M. Naval…
Read MoreFUTURE PANDEMIC PINAGHAHANDAAN NA – DEFENSOR
IKINATUWA ni Quezon City mayoral candidate Mike Defensor ang paglulunsas sa bagong national training and research hub para sa respiratory infectious disease, dahil paghahanda na aniya ito sa “future pandemic” tulad ng COVID-19. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos ang groundbreaking ceremony para sa kunstruksyon ng gusali para sa National Center for Respiratory Infectious Diseases sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City kahapon. “There’s no question that the new center will further build up the LCP’s capacity to respond more aggressively to future pandemics,” ayon sa kinatawan ng Anakalusugan…
Read MoreMay kaanak na kandidato sa May polls HALOS 2K PULIS SINIBAK
NASA 1,971 kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang inalis sa puwesto bago ang May 9, 2022 presidential and local election. Inihayag kahapon ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inilipat ng assignment ang kulang sa dalawang libong pulis dahil may mga kamag-anak silang tumatakbo sa eleksyon na saklaw ng kanilang mga AOR o area of responsibility. Ito aniya ay para matiyak na magiging ‘nonpartisan” o walang kinikilingan ang mga pulis sa pagganap sa kanilang trabaho. Bukod sa 1,971 na inalis sa puwesto ay mayroon ding 147 field commanders ang…
Read MoreDefensor bitin sa report kontra Mayor Joy OVERPRICING SA QC PINASISILIP SA COA
BITIN. Ganito inilarawan ng isang kongresista ang ginawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA) sa inilabas na audit report kaugnay ng mga biniling food packs ng Quezon City government para noong taong 2020. Giit ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, busisiin lahat ng procurement deals na pinasok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasabay ng patutsada sa aniya’y limitadong saklaw ng COA report. Aniya, tanging ang P479-milyong halaga ng financial assistance sa ilalim ng Bayanihan 2 law para sa taong 2020 ang laman ng annual audit report ng COA na…
Read More