114 ELECTION HOTSPOTS TINUKOY NG PNP

pnp

MULING nagpulong kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022 at may 114 lugar ang kinategoryang ‘areas of immediate concerns’. Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, nagpatawag siya ng command conference upang magkaroon ng “assessment” sa security situation ng mga rehiyon. Base ito sa kanilang pinairal na color coding identifications, ang red category ang itinuturing na pinakamataas na alerto pagdating sa seguridad habang green naman ang pinakamababang alerto o inaasahan ang payapang eleksyon. Nabatid na may 100 munisipalidad at…

Read More

SEN. IMEE AT ATTY. LOPEZ PABOR SA GOLDEN MOSQUE REHAB

NAGKAISA sina Senator Imee Marcos at Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez para sa rehabilitasyon at renobasyon ng Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Manila. Kasabay nito, sumuporta ang nakatatandang kapatid ni presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr. kay Atty. Lopez sa kandidatura nito bilang Ama ng Maynila. Naganap ang unang pagtaas ni Sen. Imee sa kamay ng panganay na anak ni Ex-mayor Mel Lopez sa pagsisimula ng Ramadan, banal na buwan ng mga kapatid na Muslim, noong Linggo sa Golden Mosque. Layunin ni Lopez na…

Read More

1 PATAY SA SUNOG SA STA. CRUZ, MANILA

NASAWI ang 55-anyos na Filipino-Taiwanese habang apat ang sugatan sa sunog sa New Antipolo St., Sta. Cruz, Manila, Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, inabisuhan ng mga nakasalubong ang nasawing si Rogelio Esteron, company driver sa Makati City, na nasusunog ang kanilang tirahan pero hindi ito nagpapigil. Kabilang naman sa apat na nasugatan sina Rosalina Perez at Leonardo Pavilar, at dalawa pang hindi binanggit ang mga pangalan. Isang may sakit umano sa pag-iisip na tinukoy sa pangalang Leonardo Reboses ang inaresto ng pulisya matapos iturong responsable sa sunog. Sa pagsisiyasat…

Read More

MAG-ASAWANG KAWANI NG MTPB INARESTO SA PANGUNGUPIT NG MULTA

NABILAD sa kahihiyan ang mag-asawang kawani ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang arestuhin sila dahil umano sa pangungupit ng insentibo ng mga traffic enforcer mula sa inisyung Ordinance Violation Receipt (OVR) sa mga motoristang may traffic violation. Binitbit ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District ang mag-asawang Ronald Costales, 38, MTPB traffic enforcer at Jennilyn, 31, MTPB OVR encoder. Nadiskubre umano na nagsabwatan ang mag-asawa para makakupit sa insentibo ng mga traffic enforcer mula sa OVR. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa…

Read More

Multa sa traffic violations kinupit? MAG-ASAWANG TAUHAN NG MTPB KINASUHAN

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Section 3e ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at qualified theft ang isang mag-asawang kapwa empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang madiskubreng nawawala ang perang naipon ng traffic enforcers mula sa multa sa traffic violations, na nakalagak sa opisina ng nasabing ahensya sa Manila City Hall, Arroceros St., Ermita, Manila. Kinilala ang mag-asawang sina Ronald Costales, 38, traffic enforcer, at Jennilyn Costales, 31, MTPB OVR encoder, kapwa residente ng Brgy. 111, Tondo, Manila. Nabatid na nakipag-ugnayan si Rodel Delos Santos,…

Read More

ITOGON LGU SINITA NG COA SA PAGLABAG SA PROCUREMENT LAW

PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang munisipalidad ng Itogon dahil sa umano’y ‘paglabag’ sa procurement law at ‘unaccounted’ relief goods o hindi nabilang na welfare goods na ipinamahagi umano sa mga residente noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa kanilang CY 2020 Audit Report, sinabi ng COA na pangunahin umanong ‘nalabag’ ng munisipalidad ng Itogon ang Section 10 ng Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Government Procurement Act (RA 9184) at ang mga probisyon ng Bayanihan Grant to Heal as One Act (RA 11469), at GPPB Circular…

Read More

AYUDA SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS HILING NG TURISMO

HUMIRIT ang Turismo Isulong Mo Partylist sa nasyunal at mga lokal na pamahalaan na tulungan ang mga pamilya at mga manggagawa na maaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa. Ayon kay Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng Turismo, marapat lamang na tulungan ang ating mga kababayan. Sinabi ni Teo na sukdulan na ang paghihirap ng maraming kasamahan sa sektor ng turismo dahil halos hindi na abot-kaya ang mga presyo ng bilihin. Sinusuportahan ng TURISMO ang panawagan ng publiko na suspendihin ang pagpapataw ng excise tax sa fuel…

Read More

MGA REBELDE PINAGBABALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

BINIGYANG DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mas malakas na whole-of-nation approach sa pagtugon sa local insurgency sa bansa, kasunod na rin ng panawagan ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga miyembro ng armed wing nito na New People’s Army (NPA) na paigtingin pa ang kanilang recruitment, sa kanilang pagdiriwang ng ika-53 founding anniversary noong Marso 29. Nagpahayag ng pagkadismaya si Go sa naturang panawagan ng CPP at muling umapela sa mga rebelde na magbalik-loob at sumuko na sa pamahalaan. “Mayroon lang akong pakiusap, imbes…

Read More

ACT-CIS NAGPASALAMAT SA SUPORTA

NAGPASALAMAT ang ACT-CIS Partylist sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila matapos manguna sa latest survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa mga ibobotong partylist sa darating na halalan ngayong May 9, 2022. Nakakuha ng 8.23 % rating ang ACT-CIS na sapat para maging “top choice” na partylist ng mga botante. Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap,  nakatataba  ng puso dahil pinili sila ng mga botante para muling maging kinatawan nila sa Kongreso. Taos-pusong nagpapasalamat si Yap sa tiwala sa kanila ng publiko at nangakong ipagpapatuloy ang magagandang…

Read More