PINURI ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes ang nalagdaang batas para sa pag-amyenda sa Public Service Act na aniya ay kailangan ng bansa para makabangon mula sa pandemyang dulot ng COVID-19. Bilang isa sa may-akda ng House Bill No. 78 na bersiyon ng Mababang Kapulungan sa pag-amyenda sa Public Service Act, sinabi ni Robes na ang pagbubukas ng ilang industriya para maging pag-aari na ng mga dayuhan ay higit pang makakaakit para sila mamuhunan sa ating bansa. “Opening up some of our industries like telecommunications, railways…
Read MoreCategory: METRO
PANALO NI VICO NOONG 2019 PATUNAY NG SABLAY SA POLL SURVEYS
ANG panalo ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong 2019 ay magandang halimbawa na hindi palaging tama at maaasahan ang mga election survey. Mukhang patungo si noo’y incumbent mayor Robert Eusebio sa madaling panalo kay Sotto noon dahil palagi siyang una sa mga survey. Isang linggo bago ang halalan, iniulat ng ilang survey firm na posibleng landslide ang panalo ni Eusebio dahil mayroon siyang 66 porsiyentong approval rating kumpara sa 38 lang ni Sotto. Landslide win nga ang nangyari ngunit si Sotto ang lumitaw na nanalo matapos makuha ang 63…
Read MoreRIOT SUMIKLAB SA TONDO, 2 ARESTADO
UMULAN ng mga bote at bato nang sumiklab ang riot sa dalawang grupo ng mga kabataan ngunit nasawata ang mga ito ng mga tauhan ng Manila Police District na ikinaaresto sa isang 25-anyos na lalaking nahulihan ng baril, at isang binatilyo, nitong Linggo ng madaling araw sa Tondo, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa 10591(illegal possession of firearms and ammunition) at alarm and scandal ang suspek na si Ryan Soriano ng P. Herrera 1, Brgy. 26, Zone 1, Tondo. Arestado rin ang isang 16-anyos na binatilyo na itinurn-over na sa…
Read MoreHANAPBUHAY SA LAHAT DINIINAN NG ACT-CIS
“KAILANGANG unahin talaga ng susunod na administrasyon ang paglikha ng trabaho para sa lahat.” Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, marapat na iprayoridad ng susunod na uupong Pangulo ng bansa ang pagbibigay ng hanapbuhay sa bawat Pilipino. Sang-ayon si Yap sa sinabi ng nangungunang presidential aspirant na si dating Sen. Bongbong Marcos na trabaho ang dapat i-priority ng susunod na gobyerno dahil marami ang nawalan nito dulot ng pandemya. Ayon kay Yap, kapag ibinalik ng mga botante ang ACT-CIS sa Kongreso ay susuportahan nila ang job creation programs ng susunod…
Read MoreRELIEF ACTIVITY NILARGA SA QC
NAGSAGAWA ng relief activity sa mahihirap na pamilya sa Novaliches, Quezon City ang mga staff si Sen. Christopher ‘Bong’ Go. Sa isang video message, sinabi ni Go na maraming Pinoy ang walang hanapbuhay sa ngayon o di kaya ay nag-aalala para sa kanilang kabuhayan, kaya’t tiniyak niyang patuloy na nagsusumikap ang pamahalaan para matulungan sila at kanilang mga pamilya, kasabay ng pagtugon sa mga hamong dulot ng kasalukuyang health crisis. “Mga kababayan, alam naming mahirap ang panahon ngayon. Marami ang nagsara ng negosyo o nawalan ng trabaho at ang bawat…
Read MoreGRUPO NG MGA DOKTOR NAGKAISA PARA SA UNITEAM
MAHIGIT 300 doktor mula sa General Santos at mga kalapit na bayan ang nagpahayag ng suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running-mate niya na si Inday Sara Duterte. Nakadaupang palad ni Marcos ang 20 doktor sa General Santos City, at tinawag nila na “UniteaMD” ang kanilang samahan para ipakita na buo ang kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam. Sa pangunguna ng kanilang tagapagsalita at presidente ng medical society na si Dr. Jun Demontaño sinabi nito na marami sa kanilang hanay ang suportado ang UniTeam at naniniwalang…
Read MoreSa unang araw ng local campaign KAGAWAD NILIKIDA SA MINDORO
INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung dahil sa love triangle o may kinalaman sa pulitika ang paglikida sa isang barangay kagawad sa Socorro, Oriental Mindoro, sa unang araw ng local campaign period. Kinilala ang pinaslang na barangay official na si Aldrin Magtibay ng Barangay Calucmoy sa bayan ng Socorro. Ayon sa imbestigasyon, habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang kubo ay pinasok ito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril. Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Grace Mission Hospital, subalit idineklarang dead on…
Read More300 bisita lang kada araw VISITING HOURS SA PMA MAIKSI PA RIN
BUNSOD nang bahagyang pagluluwag sa ipinatutupad na health protocols dahil sa bumababang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, pinapayagan nang makabisita ang mga turista maging ang pamilya ng mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar sa Baguio City. Ito ang pahayag ng pamunuan ng PMA matapos ang deklarasyon ng Local Government Unit (LGU) ng Baguio City na ibinababa na sa Alert Level 1 ang COVID-19 restrictions. Batay sa advisory ng PMA na ibinahagi ni 1Lt. Chin Calima, tagapagsalita ng PMA, papayagang makapasok ang mga turista at pamilya…
Read MoreBARIL, P 27-M SMUGGLED CIGARETTES HULI NG PNP
BUKOD sa baril, nahulihan din ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang lalaki ng bulto-bultong smuggled cigarettes sa Davao City. Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, nasakote sa ikinasang police operation ang suspek na kinilalang si Tapsaren Alibasa, 47-anyos, residente ng Hagonoy, Davao del Sur. Una rito, nagsagawa muna ng intelligence operation ang mga tauhan ng Davao City Police matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa modus operandi ni Alibasa na sinasabing armado. Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang mga pakete ng Hoodlum Brand ng sigarilyo na…
Read More