POLICE VISIBILITY PALALAKASIN SA ALERT LEVEL 1

pulis

MAS paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga lansangan at mga pook pasyalan ngayong maluwag na ang restriksyon sa Metro manila at 38 iba pang mga lugar sa bansa. Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar bunsod ng inaasahang pagdami ng mga taong lalabas dahil sa pinaluwag na restrikyon sa COVID-19. Inihayag din ni PNP-National Capital Regional Police office director, P/Maj. General Vicente Danao na nakahanda ang kanilang puwersa sa kalakhang Maynila sa…

Read More

Sangkot sa sugal, fraud, iba pang krimen PNP NAALARMA SA PAGDAMI NG ARMED CHINESE

pulis

NABABAHALA ang Philippine National Police (PNP) sa ulat na nagiging talamak ang mga kasong kinasasangkutan ng mga armadong Chinese partikular sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng pagkakapatay sa tatlong umano’y Chinese kidnappers na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa Parañaque City nitong Linggo. Sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang Pasay at Parañaque PNP, nasagip din ang dalawang Tsinong inabutan pang nasa loob ng kulungan ng mga aso. Ayon kay Southern Police District director Jimili Macaraeg, matagal na nilang binabantayan ang kilos ng sindikato sa likod ng serye…

Read More

GORDON SINOPLA NG PASAY RTC

gordon

MISTULANG sinopla ng Pasay City Regional Trial Court ang mandamyento de arestong inilabas ng Senate Blue Ribbon Committee kalakip ng contempt na ipinataw ni Senador Richard Gordon sa negosyanteng si Rose Nono Lin kaugnay ng hindi pagdalo sa pagdinig sa kontrobersyal na Pharmally procurement deal sa gobyerno. Sa anim na pahinang kalatas ni Judge Elenita Dimaguila ng Pasay City RTC 122, kinatigan ng husgado ang petisyong inihain ni Lin sa di umano’y hindi makatwirang warrant of arrest na ipinalabas ng komiteng pinamumunuan ni Gordon sa kabila pa ng mga katibayang…

Read More

PAGTATAYO NG INFECTIOUS DISEASE HOSPITAL ISUSULONG

covid

MAS marami sanang naisalbang buhay kung mayroong infectious disease hospital sa Pilipinas noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ito ang iginiit ni Aksyon Demokratiko vice-presidential candidate Doc Willie Ong. Sa debate na isinagawa sa University of Santo Tomas nitong Sabado, itinanong sa pitong vice-presidential candidates na dumalo, kung ano ang kanilang mga gagawing hakbang sa pagsugpo ng pandemya sakaling mahalal sa Mayo 9. Ayon kay Ong, kinakailangang magtayo ng infectious disease hospital na laan para sa mga pasyente ng COVID-19. Bukod pa rito, mahalaga rin anya ang pagkakaroon ng Cancer Center…

Read More

TAPANG NG GAME FOWL INDUSTRY NGAYONG MAY PANDEMYA, KINILALA

PINURI ni Senator Cynthia A. Villar ang tapang ng mga organizer ng 8th International Gamefowl Festival upang mapanatiling nagliliyab ang gamefowl industry sa kabila ng coronavirus pandemic. “This opening of the game fowl industry doors this year hopes to bring together leading game fowl breeders, pigeon raisers, exotic animal hobbyists, veterinary and nutrition suppliers, gamefowl suppliers, pigeon suppliers, pigeon fanciers, incubators, feed manufacturers, and related products and services catering to game fowl, pigeon raising and exotic animals,” ayon kay Villar base sa mensaheng binasa ng kanyang anak na si Deputy…

Read More

“FAITH TOURISM” PINAGHAHANDAAN SA QUEZON

cross

LUCENA CITY – Sa pagsisimula ng Kuwaresma at kasabay sa bumababang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ang marami sa mga debotong Katoliko ay naghahanda na ng kanilang taunang pagdalaw sa mga simbahan at iba pang relihiyosong lugar na magpapalakas sa kanilang pananampalataya. Sa lalawigan ng Quezon, pinaghahandaan na ng provincial tourism office ang pagdagsa ng mga deboto sa inilunsad na “faith tourism program” upang muling palakasin ang lokal na industriya ng turismo pagkalipas ng dalawang taon na mahigpit ang restriksyon sa ilalim ng pandemya. “Faith tourism has…

Read More

P4.7-B LA UNION BYPASS ROAD 80.12% NANG TAPOS

INIULAT ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes na ang P4.7-billion bypass road project na magsisilbing alternatibong ruta sa Manila North Road para sa mga biyahero mula Bauang, San Fernando City, at San Juan, La Union ay 80.12% nang tapos. “A total of P4.697 billion is required to fully complete the whole stretch of the bypass road, of which, P2.026 billion (was) released from 2018 to 2022,” pahayag ng DPWH. “The bypass road project based on total released funds managed to reach an accomplishment rate of 80.12%,”…

Read More

NCR ALERT LEVEL 1 MULA MARSO 1

ncr

SIMULA sa Martes, Marso 1 ay nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region. Inaprubahan kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang NCR simula Marso 1, 2022 hanggang Marso 15, 2022. Ang iba pang lugar sa Luzon na inilagay sa ilalim ng Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022 ay: • Abra, Apayao, Baguio City and Kalinga sa Cordillera Administrative Region; • Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I; • Batanes,…

Read More

PAGGAMIT NG “DRONE” PINABUBUSISI NI ROBES SA KONGRESO

drone

NAGHAIN ng resolusyon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na humihiling na busisiin ang paggamit ng drone sa bansa upang matigil ang pag-abuso at hindi wastong paggamit nito ng mga walang konsensiyang indibidwal na lumalabag na sa pribadong buhay, tulad ng nangyari sa miyembro ng kanyang pamilya. Sa kanyang inihaing Resolution No. 2473, nanawagan si Robes sa House Committee on Transportation na magsagawa ng imbestigasyon bilang gabay sa paglikha ng batas upang matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng paggamit ng drone sa bansa sa gitna ng…

Read More