SUMIPA sa 1,721 ang COVID death ng Caloocan City nitong Pebrero 26 mula sa 1,717 noong Pebrero 24, o karagdagang apat na casualties sa loob ng dalawang araw. Hanggang 5 pm ng nasabing petsa ay 111 ang active cases sa lungsod, habang umakyat na sa 74,010 ang confirmed cases, at sa nasabing bilang ay 72,178 na ang gumaling. Dalawang COVID patients naman ang binawian ng buhay sa Malabon City noon ding Pebrero 26, tig-isa sa mga barangay ng Catmon at Niugan. Walang naitalang bagong kaso ng COVID sa siyudad sa…
Read MoreCategory: METRO
SINDIKATO SINISILIP SA PAGKAWALA NG 31 SABUNGERO
ISA sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga nawawalang sabungero ay ang grupo ng sindikato umano ng mga financier. Ayon sa isang imbestigador ng PNP CIDG, isa sa tinitignan nilang anggulo sa pagkawala ng 31 sabungero ay isang malaking sindikato na sangkot sa “panto-tyope sa online sabong na posibleng inonse naman ng mga nawawalang tao”. Gayunman, ayaw pang magbigay ng komento ng PNP hinggil sa nasabing anggulo maging sa pahayag ng isa sa mga ginang na dumulog sa Senado noong isang Linggo. Sa Senate…
Read MoreBAYANIHAN SA PANDEMIC-HIT SECTORS SA PAGSANJAN, LAGUNA
BUNSOD ng kanyang commitment na matulungan ang mas marami pang komunidad na matinding naapektuhan ng pandemya, nagpadala si Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa iba’t ibang sectoral groups sa Pagsanjan, Laguna kamakailan. Ang mga staff ng senador ang nag-organisa ng relief activity sa Laguna Sports Complex Gymnasium sa kalapit na bayan ng Sta. Cruz, kung saan nila tinipon sa maliliit na grupo ang may 947 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga bangkero, magsasaka at mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Jeepney Operators and Drivers Association (JODA),…
Read MoreUP CUM LAUDE, 4 PA PATAY SA ENCOUNTER
NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang UP cum laude graduate na minsan nang nahuli at ipinagharap ng kasong human trafficking ng indigenous people sa Cebu. Kabilang si Chad Booc sa limang napaslang ng military sa engkwentro sa Purok-8, Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro kamakalawa ng umaga. Ayon sa ulat ng military, nakasagupa ng 1001st Infantry Brigade ang pangkat ng Communist Terrorist Group’s (CTGs) Regional Headquarters, Southern Mindanao Regional Committee (RHQ, SMRC) na pinamumunuan ni Eric Jun Casilao alyas “Wally/Ellan” at Regional Operations Command, SMRC (ROC, SMRC),…
Read MoreSOCMED POST NG NILIKIDANG SABUNGERO, FAKE NEWS – PNP
HINDI ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang mabilis na pagkalat sa social media ng mga larawan ng mga kalalakihang ‘di umano’y bahagi ng 31 nawawalang sabungerong kanilang iniimbestigahan. Paglilinaw ng Rizal Provincial Police Office, fake news ang viral na Facebook post kung saan sinasabing siyam sa 31 dinukot na sabungero mula Disyembre 2021 hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon ang diumano’y natagpuan sa liblib na bahagi ng Tanay, sa lalawigan ng Rizal. Sa isang pahayag, nagbabala ang PNP sa anila’y mga nananabotahe sa kanilang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng magkakahiwalay na…
Read MoreSa kabila ng pagbaba ng kaso sa NCR CALOOCAN NAGTALA NG 7 COVID DEATHS
PITO ang patay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 batay sa pinakahuling ulat ng health office ng lungsod, at pinakamarami rin ang active COVID cases ng siyudad sa kasalukuyan sa hilagang bahagi ng Metro Manila. Sumipa sa 1,717 ang total COVID deaths sa lungsod noong Pebrero 24 mula 1,710 noong Pebrero 21, habang bumaba sa 117 ang active cases mula sa dating 149. Pumalo na sa 73,792 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 71, 958 na ang gumaling. Pangalawa naman sa dami ng active cases ang…
Read MoreESTUDYANTE SA QCU DODOBLEHIN – DEFENSOR
DODOBLEHIN ni Congressman at mayoralty candidate Mike Defensor ang bilang ng mga mag-aaral sa Quezon City University (QCU) kapag siya ang nanalong mayor ng lungsod sa Mayo. Ito ang nabatid mula sa mambabatas na nagsabing plano niyang itaas sa 17,000 ang enrollment sa nasabing unibersidad na pinatatakbo ng local government unit (LGU). “We want QCU to offer a wider range of bachelor’s degree programs to draw in more students. Our target is to increase the university’s enrollment by 15 percent every year until we double it,” ani Defensor. Sinabi ng…
Read MoreCoco Martin suportado ang bagong partylist na para sa kabuhayan at transport sector
Si Coco Martin, na kilala bilang Cardo Dalisay sa telebisyon ay nag-iikot sa kanyang pag-endorso hindi ng partylist na ka-pangalan ng kanyang drama serye ngunit sa isang bagong Party-list ang AP Partylist #AkoyPilipino ngayong biyernes, Pebrero 25. “Anuman ang hirap na ating pinagdadaanan, may kakampi na tayo…” sabi ni Martin sa kanyang pagpapakilala ng bagong grupo ng party-list kasama ang first nominee nito na si Rep. Ronnie na makikita ang mga pagtulong na ginagawa sa likuran ng video ng partylist na ngayon ay kumakalat online. Dagdag pa ni Martin, “Ang…
Read MoreSPECIAL SESSION SA TAX SUSPENSION GIIT NI DEFENSOR
IGINIIT ng isang kongresistang kaalyado ng administrasyon ang special session sa hangaring matalakay ng Kamara at Senado ang nakabinbing panukalang suspensyon sa pagongolekta ng buwis na kalakip ng mga produktong petrolyo. Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, higit na angkop na magpatawag ng special session sina House Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Vicente Sotto III bilang tugon sa panaghoy ng publiko sa lingguhang dagdag-presyo sa gasolina, krudo at kerosene sa merkado. Partikular niyang tinukoy ang panawagan nina Rep. Mikee Romero at Rep. Carlos Zarate para sa agarang…
Read More