UNANG ARAW NG KAMPANYA GENERALLY PEACEFUL – PNP

GENERALLY peaceful ang unang araw ng pangangampanya ng national candidates para sa nalalapit na May 9 presidential and local elections, ayon sa Philippine National Police (PNP). Kasabay nito, pinaalalahanan ng pamunuan ng PNP ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na sumusunod sa inilabas na alintuntunin ng DILG at Comelec hinggil sa maingat na pangangampanya sa gitna ng pandemya. “I’m sure that all candidates are well aware of the Comelec resolution on campaigning. We will not look at any political color here, but our role is to enforce the health…

Read More

KASALANG BAYAN IDARAOS SA V-DAY SA NAVOTAS

navotas

HINIMOK ng pamahalaang lokal ng Navotas sa pangunguna ni Mayor Toby Tiangco, ang mga Navoteño na 25 taong gulang pataas na nakahanap na ng kanilang “forever,” mga nagsasama na ng limang taon pataas, may mga anak, at handa nang mag-“I Do,” na makilahok sa Kasalang Bayan sa Araw ng mga Puso. Apatnapung magkasintahan ang ikakasal ng pamahalaang lungsod sa Pebrero 14.  Dalawampu ang ikakasal ng alas-9:00 ng umaga sa Kapitbahayan Elementary School at 20 ng alas-3:00 ng hapon sa North Bay Boulevard North Elementary School. Kailangang magtungo ng mga nais na…

Read More

ISKO’S NAIS KO MV: HIGIT 20M VIEWS NA SA YOUTUBE

HIGIT 20 million views na as of February 8, ang blockbuster music video ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pinamagatang ‘Nais Ko’. Ito ang pinaka pinapanood na video sa YouTube kumpara sa ibang presidential hopefuls. Sa pakikipagtulungan ng mga sikat na rapper na sina Smugglaz at Bassilyo, ang 4:26-minute music video ay nagpapakita ng humble roots ni Isko sa Tondo bago siya naging isa sa mga pinaka-maimpluwensyang local leader ng bansa. Ang video ay umabot sa 26,000 views sa YouTube sa loob lamang ng isang oras pagkalabas noong tanghali…

Read More

2 TIKLO SA PNP-PRO5 SA COMELEC GUN BAN

DALAWANG indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad sa mga probinsya ng Camarines Norte at Masbate kaugnay ng implementasyon ng COMELEC gun ban. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, nadakip sa Purok-6, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte, ang isang lalaki ng pinagsamang mga operatiba ng Mercedes MPS, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company, at CNMARPSTA sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms & Ammunition Regulations Act, na ipinalabas ng RTC Branch 40, Daet,…

Read More

TIKTOKER VS BBM TUKOY NA NG PNP

tiktok

NAGKASA ng tracker team ang pamunuan ng Philippine National Police matapos na tuluyang matukoy ang may-ari ng Tiktok account na nasa likod ng assassination plot laban kay dating Senador at ngayon ay presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos o BBM. Ito ang kinumpirma ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos sa isang pulong balitaan sa Camp Crame. Pansamantalang hindi muna pinangalanan ni Gen. Carlos ang taong nasa likod nito habang patuloy ang ginagawang case build-up kaugnay sa gagawing pagsasampa ng pormal na reklamo. Sinasabing kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng digital trail ang…

Read More

ALERT LEVEL 1 IHIHIRIT NG METRO MAYORS

ITUTULAK ng Metro Manila Council (MMC) na ibaba sa Alert Level 1 ang kalakhang Maynila kapag nanatiling mababa ang kaso ng COVID-19. Imumungkahi ito ng MMC sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang lumuwag ang paggalaw ng tao at madagdagan pa ang pagbubukas ng mga negosyo. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA Officer in Charge General Manager Atty. Romando Artes na nakatutok sila ngayon sa datos. Kapag nakita aniya nilang naabot na ang threshold para sa pagbaba ng alert level ay kanilang…

Read More

PAGDUKOT SA MGA SABUNGERO, MAY LINAW NA – PNP

sabong

NABUHAY ang pag-asa ng mga naulilang kaanak na muli nilang makikita ang mga nawawalang padre pamilya na dinukot sa magkakahiwalay na insidente sa Maynila at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal. Ayon kay Colonel Wendell Arinas na tumatayong hepe ng Calumpit (Bulacan) Police Station, mayroon na silang natukoy na “person of interest” na posible aniyang makapagbigay ng linaw at impormasyon kaugnay ng pagkawala ng 10 katao, ilang oras matapos dumalo sa palarong e-sabong sa karatig lalawigan ng Batangas nito lamang nakaraang buwan. Sa kabuuan, 34 katao ang naiulat na…

Read More

5 DINAMPOT SA TUPADA

REHAS sa halip na panabong ang hinihimas ng limang sabungero nang masakote sa tupada sa Malabon City. Swak sa hoyo ang mga suspek na sina Renato Cruz, 34, ng Malabon City; Ruel Aquino, 36; Cirilo Calvo, 39; Ramze Jorca, 31, at Jonathan Danggod, 43, pawang mga residente ng Quezon City. Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak na may nagtutupada sa Damata St., Brgy. Tonsuya. Bunsod nito, agad na sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing lugar dakong 11:25 ng umaga noong Lunes na nagresulta sa pagkakadakip sa mga sabungero.…

Read More

Emotional touchstone para kay Moreno TONDOMINIUM 1 SA MAYNILA BINUKSAN

SINIMULAN nang ipamahagi nitong Lunes, Pebrero 7 ang housing units sa mga benepisyaryo ng Manila Tondominium Project sa Vitas, Tondo Manila. Ang Tondominium ay may dalawang 15-palapag na tower, bawat isa ay mayroong 168 two-bedroom units. Bawat unit ay may lawak na 44 metro kuwadrado, dalawang bedroom, isang silid-kainan, kusina, banyo, at sala. Kasalukuyang ginagawa naman ang Tondominium II. Sa pamamahagi ng units ay nakunan sa camera ang naluluhang si Mayor Isko Moreno. Ang Manila Tondominium Project ay itinayo sa Vitas, Tondo, isang mahirap na komunidad sa Maynila kung saan…

Read More