INARESTO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSUO-NPD) ang isang sundalo sa bisa ng warrant of arrest noong Miyerkoles ng gabi sa Caloocan City. Kinilala ni DSOU chief, P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Michael Fulgar, 42, nakatalaga sa 2nd Infantry Division CAA Unit “DCAU” sa Barangay 19, Caloocan City. Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt. Paul Colasito, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon mula sa NDIT RIU NCR na nakita ang suspek sa kanilang lugar na naging dahilan upang bumuo ng team ang…
Read MoreCategory: METRO
BATANG ‘SPUTNIK’ HULI SA CARNAPPING
MAKARAANG mahuli sa simpleng sugal-lupa, nadiskubreng may nakabinbing kasong carnapping ang isang 42-anyos na kaanib ng Sputnik Gang nang isilbi ang warrant of arrest sa loob ng kulungan sa Manila Police District – Moriones Police Station 2 sa Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si Angelito Ramos y Talplacido. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD- Moriones Police Station 2, bandang alas-11:30 ng tanghali nang isilbi ang arrest warrant kay Ramos sa loob mismo ng kulungan. Ang isinilbing warrant of arrest ay inisyu ni…
Read MoreMPD ZERO NA SA COVID-19
MAGANDANG balita, wala nang kaso ng COVID-19 sa mga tauhan ng Manila Police District hanggang noong Pebrero 23, 2022. Ito ang magandang balita na ibinida kahapon ni P/Major Philipp Ines, hepe ng MPD – Public Information Office. Ayon sa inilabas na datos ng PIO, wala na ring pulis na nakaratay sa ospital o quarantine facility. Lahat umano ng 1,154 pulis na dinapuan ng COVID 19 ay nakarekober na maliban sa 5 pulis na namatay noong kasagsagan ng pandemya. Gayundin, sinabi ni Ines na kumpleto nang bakunado ng COVID-19 vaccines halos…
Read More16 ORGANISASYON INIUGNAY SA ‘TERROR GROUPS’
PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista. Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC para pangalanan ang mga sumusunod na organisasyon bilang “terrorist groups of persons, organizations or associations” base sa “verified and validation information, ” at maging sa testimonial and documentary evidence: — Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU); —…
Read MoreALERT LEVEL 1 SA MARSO ‘DI PARA SA ELEKSYON
WALANG kinalaman sa halalan sa Mayo at nagpapatuloy na political campaigns ang hakbang ng Metro Manila mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibinase ng mga alkalde ang kanilang rekomendasyon sa COVID-19 data sa rehiyon. “Ang basehan lang po ng Metro Manila mayors dito ay ‘yung datos po na nakukuha namin sa Department of Health-NCR na nagpapakita naman na bumababa ang kaso natin…Wala pong kinalaman ang eleksyon dito,” dagdag na pahayag…
Read More17 PULIS KINASUHAN SA NAPATAY NA MAG-ASAWA
INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-imbestiga sa pagpaslang sa isang mag-asawa na umano’y binaril ng mga pulis na naghain ng search warrant sa Nasugbu, Batangas. Dinaluhan nina Rosenda Lemita, ina ng biktimang si Ana Mariz Lemita-Evangelista, at Atty. Julian Oliva Jr. ng National Union of People’s Lawyer (NUPL), ang preliminary investigation sa nasabing kaso nitong Miyerkoles ng umaga. Bukod kay Ana Mariz, napatay rin sa insidente ang kanyang mister na si Ariel Evangelista, na kapwa natadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi…
Read MoreDRUG DEN CARETAKER, 2 PA TIKLO SA P100K SHABU
ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang umano’y drug den sa Caloocan City noong Martes. Swak sa hoyo ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Reggie”, itinuturong caretaker ng nasabing drug den sa Barangay 43 ng naturang lungsod, gayundin ang dalawang umano’y alalay nito. Nabatid, isang undercover cop ang umiskor ng shabu kay Reggie at makaraan ang kaliwaan ng marked money at epektus ay dinamba ng mga awtoridad ang mga suspek. Umabot sa 15…
Read MoreTIKTOK USER NA NAGBANTA KAY BBM, SUMUKO SA NBI
SUMUKO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Tiktok user na nagbanta umano sa buhay ni dating senador at presidential aspirant Bongbong Marcos, gamit ang naturang social media platform. Ito ang pagkumpirma ni NBI Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin makaraang unang ipinarating sa tagapagsalita ni Bongbong Marcos na si Atty. Victor Rodriguez. “I was just on the phone this morning with [NBI] Deputy Director [Vicente] De Guzman. Sumuko na sa kanila ‘yung taong nag-post ng death threat na ‘yan kahapon,” ayon kay Rodriguez. Aniya, nais malaman ng kanilang kampo kung gaano kalalim o kaseryoso…
Read MoreMAG-INA PATAY SA SUNOG SA QC
WALA ng buhay nang makita ang dalawa kataong kapwa naipit sa naglalagablab na tahanang kabilang sa mga tinupok ng apoy sa isang residential sa Barangay Mariana, Quezon City. Sa paunang ulat ng pulisya, halos hindi na makilala ang 67-anyos na babae at anak nito sa isinagawang mopping operation ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa kahabaan ng 11th Street ng nasabing barangay. Ayon sa mga arson investigators, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumiklab ang unang palapag ng bahay. Swerteng nakalabas naman sa nasusunog na…
Read More