SORPRESANG ininspeksyon ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang Bureau of Immigration Warden Facility (BIWF) sa Taguig City noong nakaraang Biyernes ng umaga na nagresulta sa pagkakasamsam sa iba’t ibang mga kontrabando. Sa ikinasang “Greyhound Operation” ng BIWF management, mga opisyal mula sa BI Intelligence Division, at BI Anti-Terrorist Group sa tulong ng Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) Intelligence Division, PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) at PNP NCRPO – Regional Mobile Force Battalion (RMFB), ay nakumpiska ang iba’t ibang mga kontrabando katulad ng…
Read MoreCategory: METRO
KASO VS 11 SUSPEK SA DACERA CASE, IBINASURA NG PISKALYA
TULUYAN nang ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang lahat ng asuntong isinampa laban sa mga kasama at iba pang kasapakat sa likod ng pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa Makati noong Enero ng nakaraang taon. Kabilang sa mga asuntong dinismis ng piskalya ang mga kaso sa droga, obstruction of justice, perjury, at reckless imprudence resulting in homicide complaints, laban sa mga kasamahan ng pumanaw na si Dacera. “The Office of the City Prosecutor of Makati City, in its Resolution dated 31 January 2022, resolved…
Read MorePROTESTA SA MAYORAL POST SA TAGUIG IBINASURA NG COMELEC
TATLONG buwan bago idaos ang May 2022 national at local elections ay dinesisyunan ng 2nd Division ng Commission of Elections (Comelec) ang protesta sa mayoral post sa Taguig City. Sa desisyon ng Comelec, ibinasura nito ang protestang inihain ni Arnel Cerafica laban sa pagkapanalo ni Mayor Lino Cayetano bilang alkalde ng Lungsod Taguig sa nagdaang 2019 local election kaya mananatili ang huli na punong lungsod. Base sa ibinabang Order ng Comelec kamakailan, walang nakitang patunay ng mga iregularidad kagaya ng pamimili ng boto, pag-shade ng poll watchers ng mga balota,…
Read MoreV-DAY POSIBLENG MAGING COVID SUPERSPREADER
SUMIPA ang kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng 2022 sa buong kapuluan, sa pagsibol ng Omicron variant kasunod ng kaliwa’t kanang parties at pagsasalo-salo dahil sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa Pasko at Bagong Taon. Kasunod ng Pasko’t Bagong Taon, ang Valentine’s Day na marahil ang ikatlong pinaka-commercialized na araw sa Pilipinas, na pinangangambahang posibleng maging COVID-19 superspreader event sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa dami ng inaasahang magtatagpo at magbibigayan ng regalong mga magsing-irog sa nasabing araw. Bunsod ng pagsasailalim sa Alert Level 2 ng Metro Manila,…
Read MorePNP NAKAPAGTALA NG 6K MOTORCYCLE ACCIDENTS
SA kabila ng pagpapatupad ng mahigpit na regulasyon sa mga lansangan, pumalo pa rin sa 6,000 aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo ang naitala ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) para sa nagdaang taon. Sa datos ng HPG, malaking bahagi ng nasabing bilang ng mga naitalang aksidente ay pawang dulot ng “human error,” kundi man pagiging iresponsable ng riders sa mga lansangan. “Ayon sa ating datos, lumalabas na karamihan talaga ay human error. Ang ibig po nitong sabihin, hindi po pagsunod sa batas trapiko ang dahilan ng…
Read MoreMEDINA BAGONG QCPD DIRECTOR
PORMAL nang itinalaga kahapon bilang bagong hepe ng Quezon City Police District (QCPD) si Police Brigadier General Remus Balignasa Medina kapalit ni Brigadier General Antonio Yarra. Sa isang seremonya sa Camp General Tomas Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City, pinangasiwaan mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Vicente Danao ang paglilipat ng responsibilidad bilang hepe ng pulisya para sa pinakamalaking lungsod sa Metro Manila ang pwestong iniwan ni Yarra kay Medina. Bago pa man itinalagang QCPD Director, nagsilbing si Medina bilang hepe ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).…
Read MoreNAITATALANG DAILY COVID-19 CASES BUMABA SA 8K
UMAABOT na lamang sa 8,422 ang average na naitatalang bagong daily COVID-19 infections sa bansa simula Pebrero 1 hanggang 5. Base sa ulat ng OCTA Research Group, ito’y malaking pagbaba mula sa 17,025 noong nakaraang linggo. Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Linggo, mula Enero 18 hanggang 24, ang seven-day average ay nasa 28,666, at 34,958 naman mula Enero 11 hanggang 17. Ang reproduction number naman o bilis ng hawahan ng virus, sa buong bansa ay bumaba na rin sa 0.55 noong Pebrero 2,…
Read MoreTURISMO, TIYAKING WALANG KAPALPAKAN SA CONTACT TRACING
DAPAT siguruhin ng pamahalaan na walang kapalpakan ang contact tracing system sa pagluluwag ng travel restrictions at pagbubukas ng Pilipinas sa mga dayuhang turista. Ito ang iginiit ng Turismo Isulong Mo Partylist kahit na mga fully-vaccinated na turista lamang ang papapasukin sa bansa. Ayon kay Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo, kailangan fail-safe ang contact tracing para mapigilan kaagad ang paghahawaan kung sakaling may nakapasok sa bansa at madiskubreng positibo sa COVID-19. Sa ngayon ay ipinatutupad ang wala nang mandatory facility-based quarantine para sa mga darating sa bansa na kumpleto…
Read MoreSa pagsisimula ng pilot vaccination sa 5-11 age group ngayong Lunes GO SA MGA MAGULANG: MGA ANAK PABAKUNAHAN
HINIKAYAT ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa COVID-19 ngayong nakatakda nang simulan ng pamahalaan ang pilot vaccination para sa mga batang edad lima hanggang 11 ngayong Lunes, Pebrero 7. Dapat sana ay Pebrero 4 pa sinimulan ang naturang bakunahan ngunit naantala ito dahil sa hindi pagdating kaagad ng Pfizer vaccines na gagamitin sana sa naturang aktibidad. “Bagama’t hindi mandatory ang vaccination laban sa COVID-19 at hindi pwedeng pilitin ang mga tao, hikayatin pa…
Read More