QC RTC, PINAG-OT PARA MAKALABAS ANG AKTOR?

USAP-USAPAN ngayon ang umano’y VIP treatment na ibinigay ng Quezon City Regional Trial Court sa isang sikat na aktor kaugnay ng paglalagak ng pyansa sa kasong cyber-libel na inihain ng isang party-list congresswoman. Ayon sa isang impormante, bago pa dumating sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Quezon City si Enchong Dee, mayroon nang tumawag mula sa isang opisina ng Quezon City judge sa utos na rin ng isang prominenteng personalidad sa Pilipinas na diumano’y backer ng aktor. Pagtatapat pa ng impormante, hindi na pinadaan sa angkop na standard…

Read More

MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA BAR EXAMS

balota

MAHIGPIT na seguridad ang ipinalatag ni Manila Police District Director, P/B. Gen. Leo Francisco sa tatlong unibersidad sa Maynila na pagdarausan ng dalawang araw na bar exams. Hindi lang sa Makati, Taguig, Mandaluyong, Navotas, Malabon, Pasay at lungsod ng Quezon magiging mahigpit ang seguridad upang matiyak na ligtas ang mga lalahok sa pagsusulit at masusunod ang tamang health protocols. Nagsimula ang pagsusulit bandang 7:00 ng umaga sa mga kalahok na unibersidad sa Metro Manila mula nitong Biyernes at matatapos sa Linggo. May ilang daang unipormadong pulis ang itinalaga ni General…

Read More

Ngayong love month sa Navotas KASALAN TUWING MIYERKOLES

navotas

PUNO ng pag-ibig ang buwan ng mga Puso sa mga Navoteño ngayong muling inilarga ang kasalan sa Navotas City Hall tuwing Miyerkoles. Kasunod ito ng paglalagay sa Alert Level 2 sa buong Metro Manila kung saan nakapaloob ang fishing capital. Hinimok ng pamahalaang lungsod ang mga nagnanais magpakasal na makipag-ugnayan sa Local Civil Registrar sa 1st floor ng Navotas City Library. Kaugnay nito, binuksan na ring muli ang pagpoproseso ng application ng business permit and licenses sa lungsod. Maaaring pumunta sa Business One-Stop Shop sa 1st floor ng Navotas City…

Read More

COA report sa QC food pack tinindigan POSISYON ITATAYA NI DEFENSOR

NAKAHANDANG mag-resign bilang congressman si Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor kapag fake news ang report na kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pandemic food pack procurement ng local government ng lungsod. “If Mayor Joy Belmonte can prove that it is fake news, then I am willing to resign as a member of Congress. If she cannot, then she should resign,” ani Defensor. Pinanindigan ng kinatawan ng Anakalusugan Party-list ang kanyang unang pahayag na kuwestiyonable sa COA ang paggamit ng city government sa P479 million na ibinigay ng national…

Read More

DIETHER OCAMPO SUGATAN SA AKSIDENTE

basag

WASAK ang sasakyang minamaneho ng isang sikat na showbiz personality makaraang sumalpok sa sinusundang trak ng basura sa kahabaan ng southbound lane ng Osmeña Highway service road sa Makati City kahapon ng madaling araw. Sugatan sa nasabing insidente ang dating matinee idol na si Diether Ocampo na nagmamaneho ng kanyang mamahaling Ford Explorer na SUV. Kwento ng driver ng trak, nagulat umano siya sa lakas ng pagkasalpok ng kasunod niyang sasakyan. Sa lakas ng pagkakabangga, umangat ang hood ng SUV at umurong ang bumper nito. Nang bumaba sa minamanehong trak para tingnan…

Read More

BAKUNAHAN SA 5-11 AGE GROUP, MAAANTALA

PANSAMANTALANG maaantala ang bakunahan sa 5-11 age group makaraang iurong ng Department of Health (DOH) ang petsa dahil sa problemang nireresolba ng pamahalaan. “The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sa halip na Pebrero 4, mag-uumpisa ang ‘pediatric vaccination’ sa Pebrero 7, Lunes. Nabatid na darating pa lamang sa Pebrero 4 ang Pfizer vaccines na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) na gagamtin sa mga bata. “To ensure adequate preparation…

Read More

Nakialam sa paninita ng MMDA sa nakatsinelas PARTY-LIST NOMINEE INARESTO SA KAMBAL NA KASO

DINAKIP sa bisa ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Provincial Regional Office 13 (PRO-13) si Ret. Col. Bonifacio Laqui Bosita sa Surigao Del Sur noong Huwebes. Ang pag-aresto ay pinangunahan ni Tago Municipal Police Station Major Marietes Salanguit, OIC ng nasabing himpilan ng pulisya. Si Bosita ay dinakip ng mga pulis dakong ala-1:30 ng hapon noong Pebrero 3, 2022 sa Purok Calamansi, Brgy. Purisima, Tago, Surigao Del Sur. Si Bosita, 55-anyos, may asawa, ay retired PNP Officer at residente ng National Highway, Puting Kahoy, Silang Cavite. Si Bosita ay…

Read More

7 SABUNGERO HULI SA TUPADA

TIMBOG ang pito katao matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang tupadahan sa Malabon City. Kinilala ang mga nadakip na sina Marcos Sablan, 54; Jerald Nuñal, 37; Jhone Cayetano, 48; Danilo Mirano, 59; Dominador Sangcap, 68; Antonio Dela Vega, 63, at Niño Cuevas, 43-anyos. labon Police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap ng ulat sa pamamagitan ng SMS mula sa isang concerned citizen, ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa nagaganap na tupada sa kahabaan ng Block 48, Brgy. Longos. Agad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna…

Read More

TRADER, ARESTADO SA BUY-BUST

ARESTADO ang isang negosyante na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr. ang naarestong suspek na si Michael Alejandrino, 43. Ayon kay Col. Haveria, dakong alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre, ng buy-bust operation sa harap ng bahay ng suspek kung saan ang undercover police ay nagpanggap na buyer at nakipagtransaksyon kay Alejandrino ng P500 halaga ng…

Read More