ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang isang abandonadong BMW upang mabatid kung ang driver nito ay dinukot ng hindi pa nakikilalang mga suspek, makaraang matagpuang abandonado ang nasabing sasakyan sa Roxas Boulevard sa Malate, Manila nitong madaling araw ng Huwebes. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, dakong umaga nang madiskubre ang dark blue na BMW na may plakang NDE-5943, habang umaandar pa ang makina at radio sa mismong tapat ng Aristocrat restaurant sa Roxas Boulevard. Dahil dito, kinordon ang paligid ng sasakyan saka…
Read MoreCategory: METRO
JOPET SISON KASAPI NA NG PHILIPPINE EAGLES
TAPAT na paglilingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit ang naging pangunahing layunin ng kilalang TV host na si Jopet Sison sa kanyang pagsapi sa the Fraternal Order of Eagles Philippine Eagles. Sa isang simple ngunit makabuluhang induction ceremony na idinaos nitong Linggo, ika-30 ng Enero sa Thunderbird Resort sa Lalawigan ng Rizal, ganap nang naging miyembro ng Philippine Eagles si Sison na nakilala at minahal bunsod ng kanyang pagbibigay ng libreng payong legal sa mga Pilipino. Sa nakalipas na mahigit dalawang dekada, kasama ni Jopet Sison sa pagtulong…
Read More8K BAGONG COVID CASES NAITALA NG DOH
INANUNSYO ng Department of Health na halos sampung libo pa rin ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Base sa datos ng DoH, may 8,702 ang karagdagang bilang ng kaso ng COVID-19 nitong Huwebes na nagdala sa kabuuang aktibong kaso na 153,335. Sa 153,335, ang kritikal ay 324; severe ay 1,528; 3,067 ang moderate; ang mild ay 143,493; at asymptomatic ay 4,923. Mas mataas ang bilang ng gumaling sa sakit na 15,290, o kabuuang recoveries na 3,377,958 habang may 71 na pumanaw, nagdala sa kabuuang bilang…
Read MoreMURDER VS 2 SUSPEK SA MALABANAN SLAY
ISINAMPA na ng Philippine National Police (PNP) ang kasong murder sa dalawang suspek sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan, dalawang buwan makalipas ang krimen. Sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang Special Investigation Task Group (PNP-SITG) ng PNP sa pagpaslang kay Malabanan at matagumpay na nakumpleto ang initial findings kasama ang paghahain ng murder charge sa Office of the Prosecutor ng Calbayog laban sa mga suspek na sina Aries Solomon at Jerry…
Read MorePNP-CAR AT PDEA PINURI SA PAGSALAKAY SA MARIJUANA PLANTATION
PINURI ni ACT-CIS at Benguet caretaker Cong. Eric Yap ang PNP-Cordillera at PDEA operatives sa pagsalakay sa sampung marijuana plantation sa Benguet at Kalinga, kamakailan. Ayon kay Cong. Yap, dahil sa good intelligence work ng mga law enforcement ay nadiskubre ang sampung Marijuana plantations. Sinabi ng mambabatas, matagal na niyang naririnig ang tungkol sa nasabing plantation ng Marijuana, pero puro bulong-bulong lang hanggang sa trabahuin ng mga awtoridad. “This clearly shows na marami pa rin sa ating mga alagad ng batas ang dedicated sa trabaho lalo na ang pagsugpo sa…
Read MoreKENDI CON CANNABIS NASABAT NG BOC
NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang “gummy candies” na may halo umanong “cannabis” o marijuana, sa PHLPost Central Mail Exchange Center sa Pasay City noong Lunes. Isang nagpakilalang si Elvira Vicente ang umano’y nagtangkang i-claim ang nasabing package mula sa Central Mail Exchange Center. Nagpakita pa ito ng “authorization letter” ng isang Vincent Castillo na siyang nakasulat na consignee. Base sa ulat, nanggaling ang pakete sa Canada na idineklarang “personal gifts and clothing”. Nang isailalim sa “physical examination” ay natuklasan na naglalaman ito ng 20 pouches ng cannabis infused…
Read MoreMedia libre sa threat assessment 10 YRS. VALIDITY NG LISENSYA NG BARIL, NAGHIHINTAY SA PIRMA NI PRRD
PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maipatupad ang 10-year validity ng lisensya ng baril ng mga sibilyan matapos ratipikahan ng dalawang kapulungan ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Act”. Sa ilalim ng nasabing panukala, mula sa kasalukuyang dalawang taong validity ng lisensya ng baril ng mga sibilyan, magiging 5 hanggang 10 taon na ito maliban lamang kung bawiin ito ng Philippine National Police (PNP) kung saan nirehistro ang mga armas. Ang validity ng permit to carry outside residence or place of business ay magiging dalawang taon na…
Read MoreDISTRICT 1 DEHADO SA BULACAN REDISTRICTING
PITONG kongresista, sa halip na lima ang nakatakdang ihalal ng mga residente ng 21 munisipalidad at tatlong lungsod sa Bulacan pagsapit ng Mayo, batay na rin sa Republic Act 11546 na nagtatakda ng karagdagang distrito para sa lalawigan. Sa ilalim ng batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, huhugot ng mga lokalidad na magiging bahagi ng 5th at 6th district, bagay na inalmahan ng mga residente ng 1st district na kinabibilangan ng Malolos City, dahil sa laki ng populasyon ng nasabing distrito. Giit ni dating Malolos City Mayor Danny Domingo,…
Read MoreALERT LEVEL 1 SA NCR PINAG-AARALAN NA
MASUSING pinag-aaralan ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na ibaba ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1, itinuturing na “least strict risk classification” na mayroon ang bansa sa pagtugon sa coronavirus (COVID-19) pandemic. Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay kasunod sa panawagan sa IATF na gumawa ng paunang hakbang para makawala na ang Pilipinas mula sa pandemic mindset. Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na titingnan nila sa susunod na linggo ang…
Read More