HINDI lang ang health workers sa National Capital Region (NCR) ang nagkakasakit sa gitna ng paglaganap ng Omicron variant kundi gayundin ang public school teachers. Ito ang dahilan kaya umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng 2 linggong health break sa NCR at maging sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3. Ayon sa nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara, lumabas sa kanilang survey sa kanilang mga miyembro sa NCR na 55.3% sa mga ito ang…
Read MoreCategory: METRO
Sa Camanava 9 PATAY, 5,755 ACTIVE COVID-19 CASES
SIYAM ang patay sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area, habang sumirit sa 5,755 ang active COVID cases sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Apat ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa lungsod ng Navotas hanggang 8 pm noong Enero 9 habang 998 ang active cases matapos na 149 ang mahawaan at 65 naman ang gumaling. Pumalo na sa 18,760 ang total COVID cases sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,192 na ang gumaling…
Read MoreCONG. ARROYO NADAGDAG SA COVID POSITIVE SA KAMARA
NADAGDAGAN pa ang mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na tinamaan ng COVID-19. Sa Facebook post ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo, kinumpirma nito na nagpa-antigen test ito noong Lunes at positibo ang resulta. “Im asymtomatic for now and have gotten in touch w a doctor to take care of me. The advice for now is to isolate at home and take Molnupiravir and vitamins,” ayon sa kongresista. Una nang kinumpirma nina Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr. at Quezon City Rep. Alfred Vargas na nagpositibo sila sa COVID-19 kamakalawa. Tulad…
Read More1989 KUDETA HERO PUMANAW
NAGPAABOT ang Armed Forces of the Philippines ng kanilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating AFP Chief of Staff Lisandro Abadia. Ayon kay AFP spokesman, Col. Ramon Zagala taos-puso ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya ni Gen. Abadia na pinamunuan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula Abril 1991 hanggang Abril 1994. “He (Abadia) paved the way for the professionalization of the military and the return of meritocracy in its promotion system,” anang opisyal. Pinamunuan din ni Abadia ang pagpapatupad ng Campaign Plan Lambat Bitag na naging daan para humina ang puwersa ng…
Read MorePNP NADAGDAGAN NG 436 COVID POSITIVE
NAKAPAKO sa 125 ang bilang ng mga nasawing kagawad ng Philippine National Police sa COVID-19 subalit nadagdagan naman ng 436 ang bagong kaso nito sa hanay ng kapulisan. Sa datos ng PNP Health Service, hanggang nitong Lunes (January 10), 43,603 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng PNP. Sa nasabing bilang, 1,884 ang aktibo pang kaso, habang may lima namang pulis ang gumaling. Dahil dito, 41,594 ang total recoveries sa hanay ng PNP at walang bagong napaulat na nasawi. Samantala, sa record ng Department of Health (DoH) ay nasa…
Read MoreNCR POSITIVITY RATE UMAKYAT NA SA 50%
PUMALO na sa 50% ang bilis ng hawahan sa COVID-19 sa National Capital Region. Nangangamba si OCTA Research Fellow Guido David na posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na araw. Ang positivity rate ay ang porsyento ng bilang ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 tests. Ang 50% na positivity rate ay nangangahulugan na sa dalawang tests na isasagawa ay isa ang magpopositibo. Nitong Sabado, nakapagtala na ng 43.7% na positivity rate sa 77,004 indibidwal na isinalang sa tests. Nahigitan na nito ang 21% positivity rate na siyang pinakamataas…
Read MoreTOTAL LOCKDOWN HINDI IDEDEKLARA Pero Alert Level 4 posible – Nograles
TINIYAK kahapon ng Malacañang sa publiko na hindi magdedeklara ang gobyerno ng “total lockdown” para mapigil ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kasabay nito, itinanggi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang kumakalat na voice clip na nag-aabiso sa publiko na mag-stock ng essential supplies dahil sa posibleng pagpapatupad ng lockdown at martial law ng pamahalaan. Tiniyak ni Nograles sa publiko na ang imbentaryo ng bansa para sa mga pangunahing bilihin ng pagkain, partikular na ang bigas, ay sapat. Sa kabila nito, sinabi ni…
Read MoreNON-COVID PATIENTS SA PGH NILIMITAHAN
NILIMITAHAN na ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap sa mga pasyente na hindi COVID-19 ang sakit upang magamit ang ibang medical workers sa pagtutok sa mga pasyenteng nahawa ng virus. “Unti-unti na we’re limiting our admissions of the non-COVID patients. In fact, mayroon na kaming directive na we will only take real emergencies,” ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH. Ang mga mababakanteng medical workers ay ire-reassign sa kanilang COVID operations makaraang tumaas muli ang mga kaso nito ngayong buwan. Sinabi ni Del Rosario na nasa 2,000…
Read MoreBELMONTE NASAPAWAN NI DEFENSOR SA SURVEY
NASAPAWAN ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Quezon City mayoralty race si Mayor Maria Josefina Tanya Belmonte-Alimurung, base sa pinakahuling survey sa lungsod. Base sa isinagawang survey ng The Issues and Advocacy Center noong Disyembre 13 hanggang 19, umabot sa 51% sa mga respondent ang nagsabi na iboboto nila si Defensor bilang susunod na mayor ng lungsod habang 19% lamang ang nakuha ni Belmonte-Alimurung. “I hope residents of Quezon City will continue to support us so we can have fresh and proactive leadership in the city. We should end the reign…
Read More