BOOSTER SHOTS SA HCWs LARGA NA SA LAS PIÑAS

SINIMULAN na ng Las Piñas City government ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa hanay ng mga healthcare workers na nakabase sa nasabing lungsod. Sa datos na ibinahagi ni Las Piñas Mayor Imelda “Mel” Aguilar batay sa records ng City Health Office (CHO), nasa 3,700 fully-vaccinated healthcare workers ang kanilang nakatakdang bigyan ng booster shots sa hangaring tiyaking ligtas ang kanilang hanay sa pagpapatuloy ng pagganap sa kani-kanilang tungkulin. Ayon pa sa alkalde, inaprubahan na rin ng Inter Agency Task Force (IATF) ang kanilang vaccination roll out gamit ang Moderna…

Read More

2 LALAKI SWAK SA HOYO SA P.2-M SHABU

SWAK sa hoyo ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Joseph Alvir 42, jeepney driver, at Alberto Bautista, 57, construction worker, kapwa ng Caloocan City. Natiklo ang dalawa sa Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City dakong 3:45 ng madaling araw noong Nobyembre 20. Umabot sa 25 gramo ng shabu na may presyong P170, 000, ang nakumpiska sa dalawa na idineretso sa presinto. (ALAIN AJERO) 215

Read More

TRUCKING DISPATCHER TIMBOG SA PAGNANAKAW

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 45-anyos na dispatcher sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified theft, nang mamataan sa Sabrina Trucking sa Sampaloc, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Aldrin Ante y Magistrado, may asawa, ng #924 Domingo Santiago St., Sampaloc. Si Ante ay itinuturing na most wanted person dahil sa kasong 3 counts ng qualified theft. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng MPD-Barbosa Police Station 14, bandang 5:45 ng hapon nang isilbi ang warrant…

Read More

MANILA QUARANTINE FACILITIES ZERO PATIENT NA

MAGANDANG balita para sa mga residente ng Maynila, ang quarantine facilities sa lungsod na mayroong 870 beds capacity ay zero patient na sa nakaraang mga araw. Inanunsyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Sabado, kasabay ng papuri niya kay Vice Mayor Honey Lacuna, sa Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan, at sa vaccinating teams ng pamahalaang lungsod dahil sa matagumpay na pagsisimula ng pagbibigay ng booster shots para sa 2,5417 indibidwal na nabibilang sa A1 category o health frontliners. Ayon sa alkalde, walang COVID-related deaths…

Read More

6 SELLERS NG FAKE VAX CARDS, ARESTADO

ARESTADO ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisimyento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto Avenue, Manila noong Huwebes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., isinagawa ang pagsalakay ng mga operatiba ng DSOU, sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Geraldine Vargas, 51; Camille Cressida Halili, 34; Janneth Viernes, 42; Gengen Subito, 34; Nikko Molina, 18, at Ronaldo…

Read More

BRGY. EX-O SA MAYNILA TIMBOG SA DROGA

BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, ang isang 47-anyos na executive officer (EX-O) ng barangay dahil sa pagkakasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa Tondo, Manila. Dahil sa tawag sa telepono ng isang concern citizen, nabunyag ang ilegal na aktibidades ng suspek na kinilalang si Ronald Santiago y Maliclic, kaanib ng Commando Gang, executive officer ng Brgy. 152, Zone 14. Agad nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad sa suspek at nang magpositibo ay…

Read More

QC GAGAWING ‘MOST BIKE-FRIENDLY CITY’

MAGIGING “most bike-friendly city” sa Metro Manila ang Quezon City kapag nanalong mayor si Anakalusugan Party-list Congressman at mayoralty candidate Mike Defensor. “We envision the city having the best system of bicycle lanes and parking services integrated with commuter hubs such as light rail transit terminals,” ayon sa mambabatas. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos ihain ang House Bill 10396 sa agresibong cycling development plan dahil marami nang parami ang nagbibisikleta dahil sa pagtaas ng presyo ng langis. Bukod dito, umiiwas din aniya ang mga tao na makipagsiksikan sa mga public…

Read More

1 SA 4 NA ESTUDYANTE, TUMIGIL SA PAG-AARAL

ISA sa bawat apat na estudyanteng Pinoy ang piniling tumigil sa pag-aaral, batay sa pinakahuling pag-aaral ng United States Agency for International Development (USAID). Sa datos ng pag-aaral ng USAID sa epekto ng COVID-19 sa hanay ng mga out-of-school (OSY) na pinangasiwaan ng USAID, kasama ang Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), lumobo ang bilang ng mga OSY sa antas na 25.2% mula sa 16.9% na naitala sa unang apat na buwan ng nakaraang taon. Gayunpaman, lumalabas din sa kanilang pag-aaral na kasabay ng pagdami…

Read More

BASKETBALL SA NAVOTAS PARA LANG SA BAKUNADO

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na tanging mga kumpletong bakunado lamang ang papayagang maglaro ng basketball sa lungsod. Ayon sa alkalde, ang order ay batay sa Resolution 21-28 series of 2021 ng Metropolitan Manila Development Authority kung saan nakasaad na tanging mga kumpletong bakunadong indibidwal lamang, 12-anyos pataas, ang maaaring maglaro o manood ng contact sports gaya ng basketball. Sakop ng nasabing kautusan ang mga organisadong liga, maging ang mga tinatawag na “friendly games” at maaari lamang magtanggal ng face masks habang naglalaro. Patuloy na hinihimok ng alkalde…

Read More