TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang akusasyon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na inutusan siya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magpasok sa bicameral conference committee ng P100 bilyong halaga ng proyekto sa 2025 national budget. Ayon kay Lacson, na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, walang probative value ang video statement ni Co dahil hindi niya ito sinumpaan. Isa pa, sinabi ni Lacson na bakit pa sa bicameral conference committee magpapasingit…
Read MoreCategory: METRO
ZALDY CO NAGSALITA NA: MAGPINSANG PBBM, ROMUALDEZ NILAGLAG
BINASAG na ng nagbitiw na Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang kanyang pananahimik kaugnay ng mga alegasyong konektado sa umano’y flood control anomaly. Sa inilabas niyang video nitong Biyernes, Nobyembre 14, direkta niyang inakusahan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez, at ilang miyembro ng gabinete — kabilang si Budget Secretary Amenah Pangandaman — na sangkot umano sa P100-bilyong insertions sa national budget. Ayon kay Co, nagsimula ang lahat nang tawagan umano siya ni Pangandaman sa gitna ng Bicameral Conference Committee discussions noong nakaraang taon. Ipinag-utos daw…
Read MoreDOJ HANDANG ISAILALIM SA WPP SI ZALDY CO
HANDA umanong ikonsidera ng Department of Justice (DOJ) na ilagay sa Witness Protection Program (WPP) si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co—kung hihilingin niya mismo sa pamahalaan. Ito ang nilinaw ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez kasunod ng pasabog na video ni Co sa social media kung saan binanatan niya sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Budget Secretary Amenah Pangandaman, at dating House Speaker Martin Romualdez. Pero ayon kay Martinez, kailangan personal na makipag-ugnayan si Co para maproseso ang anumang request para sa proteksyon. Giit pa ng DOJ, hindi…
Read MoreVIETNAMESE NASAGIP SA HUMAN TRAFFICKING; KABABAYANG TRAFFICKER ARESTADO
NAILIGTAS ng Southern Police District (SPD) ang isang 26-anyos na Vietnamese national mula sa human trafficking sa ikinasang operasyon sa isang hotel sa Makati City nitong Biyernes ng madaling araw. Arestado naman ang kababayan nitong itinuturong recruiter-trafficker. Ayon kay P/Lt. Col. Antonio Ananayo, ang biktima na si alyas Tru’O’ng ay nasagip habang nasilo sa entrapment ang suspek na si alyas Houng, 29, na nahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 9208 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, na inamyendahan ng RA 10364 at RA 11862. Dakong 3:30 a.m.…
Read More14TH OFW AND FAMILY SUMMIT IDINAOS
MAHIGIT 3,000 OFW at kanilang mga pamilya ang nakiisa sa 14th OFW and Family Summit na ginanap sa The Tent, Las Piñas City, nitong Biyernes, Nobyembre 14, 2025. Dumalo at nakibahagi ang pamilya Villar – dating Senate President Manny Villar, dating Senator Cynthia Villar, at Senators Mark at Camille Villar – kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong kumpanya upang magbigay-pugay sa mga OFW ng bansa. Sa pangunguna ng Villar Foundation, layon ng taunang summit na magbigay ng kaalaman sa pagnenegosyo, pati na rin mga praktikal na…
Read MoreSa Gabay ni Chief Nartatez: PNPA INIAANGAT ANG PAGHUBOG NG BAGONG PULIS
MULING pinagtibay ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pangako niyang gawing mas mahusay at mas matatag ang hanay ng pulisya nang personal niyang bisitahin ang Philippine National Police Academy (PNPA) nitong Huwebes ng umaga, November 13, 2025. Bitbit ni Nartatez ang malinaw na mensahe: kung gusto ng PNP ng tunay na pagbabago, dito mismo dapat magsimula — sa kalidad ng police education at sa mga taong humuhubog sa susunod na henerasyon ng opisyal. Sa pulong kasama si Acting PNPA Director PBGEN Andre Perez Dizon at…
Read MoreSenador tumakbo sa Supreme Court CIDG: HANDANG ARESTUHIN SI BATO KUNG MAY ICC WARRANT
INIHAYAG ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II na wala pa silang natatanggap na anomang dokumento o warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Gayunman, tiniyak ni Morico na handa silang tumulong sakaling ipasagawa sa kanila ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP). “Kung sakaling makatanggap kami ng kopya ng warrant of arrest ng ICC, handa kaming isilbi. Bahagi ng aming mandato ang imbestigahan at arestuhin ang…
Read MoreREPORMA SA DPWH INILATAG NI PBBM
NAGLATAG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ng iba’t ibang reporma upang palakasin ang katapatan, integridad, at pananagutan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa press conference sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng mga repormang ito na maiwasang maulit ang mga isyu ng katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura at matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama para sa kapakinabangan ng mga Pilipino. “Upang masigurong maisusulong ang katapatan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan, nagsasagawa tayo ng mga reporma…
Read MoreBARZAGA KINASUHAN NG SEDITION SA MADUGONG RALLY SA MAYNILA
KINUMPIRMA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsampa ito ng kasong inciting to sedition laban kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa Quezon City Prosecutor’s Office. Ayon kay CIDG Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, ang reklamo ay may kaugnayan sa kaguluhan sa Recto at Mendiola sa Maynila noong Setyembre 21 sa gitna ng tinaguriang “Trillion Peso March.” Kasama si Barzaga sa 97 indibidwal na kinasuhan. Hiwalay ito sa nauna nang kaso laban sa kanya dahil sa pagdalo sa rally kontra gobyerno sa Forbes…
Read More