HANDA umano si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na pangunahan ang pagsasapubliko ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) — isang hakbang na matagal nang hinihiling ng publiko bilang sukatan ng transparency at integridad ng mga opisyal ng gobyerno. “Kung kinakailangan, siyempre lead by example tayo,” ani Dy sa isang panayam kahapon, kasunod ng pag-alis ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa mga restriksyon sa SALN na unang ipinatupad ni dating Ombudsman Samuel Martires. Ayon kay Dy, lahat ng miyembro ng 20th Congress ay bukas sa…
Read MoreCategory: METRO
2 HOLDAPER ARESTADO SA LOOB NG 3-MINUTO SA QC
IPINAGMALAKI ni Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio ng Quezon City Police District (QCPD) ang mabilis na pagkakaaresto sa dalawang holdaper sa loob lamang ng tatlong minuto matapos ang insidente sa Novaliches, Quezon City. Kinilala ang mga suspek na sina “Dhann,” 29 anyos, at “Marlon,” 35 anyos, kapwa residente ng Upper Bicutan, Taguig City. Ayon sa ulat ng Novaliches Police Station 4, bandang 2:04 ng hapon noong Oktubre 12, 2025, nagpanggap na customer ang mga suspek at nagpa-book ng tattoo session sa mga biktima sa pamamagitan ng Facebook Messenger.…
Read MoreLTFRB CHAIR MENDOZA, TRANSPORT LEADERS NAGPULONG PARA SA MAS MAAYOS NA SISTEMA
NAKIPAGPULONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga transport operator na pinangungunahan ni Obet Martin, Presidente ng Pasang Masda, noong Oktubre 14, 2025, sa Quezon City. Layunin ng pagpupulong na pakinggan ang mga hinaing, talakayin ang mga mungkahi, at bumuo ng mga konkretong hakbang para mapabuti ang kalagayan ng mga operator at mapaayos pa ang sistema ng pampublikong transportasyon. Sa pulong, muling tiniyak ni Chairperson Mendoza ang kanyang pangako na paigtingin at paikliin ang proseso ng pag-aasikaso ng mga dokumento ng…
Read MoreMagsasaka, manggagawa sanib-pwersa ISANG LINGGONG PROTESTA NILARGA
SISIMULAN ngayong araw ang isang linggong protesta ng mga magsasaka at manggagawa laban sa umano’y talamak na katiwalian na bigong masugpo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Cathy Estavillo ng grupong Amihan, magsasagawa ng unang kilos-protesta sa harap ng Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City. Pangungunahan ito ng mga grupo sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Anakpawis, at Bayan, at magtatagal hanggang Oktubre 21 — kasabay ng anibersaryo ng paglagda ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa…
Read MoreBROADCASTER SINAMPAHAN NG 5 COUNTS CYBER LIBEL
BINANSAGAN ng Truth and Integrity Network (TIN) si Edward Ligas bilang isang “fake news peddler at serial defamer” matapos siyang sampahan ng limang kaso ng cyber libel dahil sa umano’y pagkalat ng mga maling impormasyon at mapanirang post sa social media. Ayon kay Andres Tiangco, pinuno ng TIN, isinampa ng ZLREJ Trading and Construction Corporation — pagmamay-ari ni Jerome Awit — ang mga kaso laban kay Ligas noong Setyembre 17, 2025. Kinasuhan si Ligas sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 4(c)(4) ng Republic Act…
Read MoreZALDY CO HINDI NA NAGPARAMDAM
HINDI na nagparamdam si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co mula nang mag-resign ito bilang kinatawan ng nasabing partido noong September 29. Tulad ng inaasahan, hindi rin nagpakita si Co sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) kahapon bagama’t ipinatawag ito, kaya si dating House Speaker Martin Romualdez ang dumalo sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects. Si Co na chairman ng makapangyarihang House committee on appropriations mula 2022 hanggang sa unang bahagi ng 2025 ay inaakusahang nagsingit ng daan-daang bilyong piso sa pondo ng Department of Public Works…
Read MoreSa gitna ng mga kaso sa FC anomalies BACKDOOR NG PH BANTAY-SARADO LABAN SA ‘TATAKAS’ NA POLITIKO
PINAIIGTING ng PNP Maritime Group ang pagbabantay sa backdoor routes na posibleng daanan ng mga personalidad na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects upang makatakas palabas ng bansa. Ayon kay Col. Pedro Martirez Jr., Deputy Director for Operations ng Maritime Group, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan at awtoridad sa mga lugar tulad ng Bongao, Tawi-Tawi, na karaniwang ruta ng mga papuntang Malaysia at iba pang karatig-bansa. Kabilang sa direktibang kanilang ipinatutupad ang pagharang sa mga personalidad na may mga kasong naihain na, upang mapigilan ang kanilang…
Read More‘FAKE NEWS’ SA STOCK MARKET SUMISIRA SA TIWALA NG MAMUMUHUNAN – GOITIA
HINDI umano “inosenteng pagkakamali” ang kumalat na maling balita tungkol sa umano’y ₱1.7 trilyon na nawala sa Philippine Stock Market dahil sa isyu ng korapsyon, ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng ilang makabayang organisasyon. “Ito ay sinadyang panlilinlang na sumisira sa tiwala ng mga mamumuhunan at nagpapahina sa moral ng sambayanang Pilipino,” pahayag ni Goitia. Pinuri niya ang mabilis na pagtugon ni Special Assistant to the President Frederick Go, na agad pinasinungalingan ang balitang ₱1.7 trilyon at tinawag itong fake news. “Ayon mismo sa Philippine Stock Exchange,…
Read MorePanukala ni Sen. Erwin sa Senado ‘LICENSE FOR RENT’ MODUS GAWING KRIMEN
INIHAIN ni Senador Erwin Tulfo, acting Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang isang panukalang batas upang gawing krimen ang tinatawag na “license for rent” scheme, na lumabas bilang pangunahing modus operandi sa mga nakaraang pagdinig ng Senado tungkol sa flood control scam. Sa ilalim ng iminumungkahing “License Integrity Act,” ang pagpapahiram, paghiram, at mapanlinlang na paggamit ng mga lisensya ay papatawan ng parusang pagkakakulong na hindi bababa sa tatlong (3) taon hanggang hindi hihigit sa labindalawang (12) taon, at/o multa na hindi bababa sa tatlong daang libong piso (P300,000.00)…
Read More