NAGLABAS ng paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga bibisita sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2025 upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko. Mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng baril, matatalim na bagay gaya ng kutsilyo at cutter, nakalalasing na mga inumin, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system, at anomang bagay na madaling magliyab tulad ng alkohol at thinner. Ayon sa anunsyo, bukas ang sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. Ang huling…
Read MoreCategory: METRO
CITY COUNCILOR SINUSPINDE SA HARASSMENT SA KAPWA KONSEHAL
PINATAWAN ang isang city councilor ng 60 araw na suspensyon ng Manila City Council dahil sa reklamong harassment. Sinuspinde ng 60 araw ang isang konsehal sa Lungsod ng Maynila matapos ireklamo ng harassment ng kapwa nito konsehal. Ayon kay Vice Mayor Chi Atienza na siyang presiding officer ng Manila City Council, hindi nila binabalewala ang ganitong klase ng reklamo at naging patas sila sa proseso ng paglalabas ng desisyon sa naturang reklamo laban kay Councilor Ryan Ponce. Ayon pa sa bise alkalde, naging sapat ang ebidebsya ng reklamo ni Councilor…
Read MoreATONG ANG NAGSUMITE NA NG KONTRA-SALAYSAY SA MISSING SABUNGEROS CASE
NAGSUMITE na ng counter affidavit si Charlie “Atong” sa Department of Justice nitong Biyernes ng hapon kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Sinabi ni Atty. Gabriel Villareal, legal counsel ni Ang, inihain ang kontra-salaysay ng kanyang kliyente sa National Prosecution Service sa DOJ. Ayon pa kay Villareal, ginawa nila nang mas maaga ang paghahain ng kontra-salaysay upang maiwasan ang kaguluhan sa pagdinig lalo pa’t mahigit 61 ang respondents sa kaso. Kabilang sa nakapaloob sa counter affidavit ni Ang ang denial o pagtanggi sa pitong kaso na inihain laban sa…
Read More2 CHINESE TIMBOG SA ILLEGAL MEDICAL PROCEDURE
KALABOSO ang dalawang Chinese national na nagsasagawa umano ng medical procedure nang walang kaukulang lisensya at permit sa isang wellness facility sa Taguig City. Ayon kay CIDG Director Police Major Gen Robert Morico II, sinalakay ng mga tauhan ng CIDG-Anti Organized Crime Unit ang Rise Salon and Spa sa Fort Palm Spring sa nasabing Lungsod. Inabutan ng mga awtoridad ang dalawang suspek na isang babae at isang lalaki na kapwa Chinese national, na nagsasagawa ng facial injection sa isang pasyente bilang bahagi umano ng isang medical procedure. Dito na hinanapan…
Read MoreTRUST RATING NINA MARCOS, DUTERTE SUMADSAD – SURVEY
KAPWA bumagsak ang trust rating ng dating magka-Uniteam na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte nitong Setyembre, sa gitna ng lumalakas na public awareness sa korupsyon sa gobyerno, partikular sa mga proyekto ng public works, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Batay sa resulta na inilabas nitong Miyerkoles, bumaba ang trust rating ni Pangulong Marcos sa 43% mula 48% noong Hunyo, habang si VP Sara ay bumaba sa 53% mula 61% sa kaparehong panahon. Pinakamalaking pagbaba ang naitala ni Marcos sa Balance…
Read MoreLGUs inatasan ng DILG na maghanda INFORMAL SETTLERS MAS TATAMAAN NG ‘THE BIG ONE’
INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Chief Executives (LCEs) na magsagawa ng mga paghahanda at mahigpit na magpatupad ng kani-kanilang critical earthquake and tsunami preparedness measures bunsod ng banta ng posibleng pagtama ng kinatatakutang “The Big One” kasunod ng mga paglindol na yumanig sa Visayas at Mindanao. Kasunod ito ng naging pahayag ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla na nangangamba siya na karamihan ng magiging casualties sakaling tumama ang “The Big One” o intensity 7.2 earthquake, ay mula…
Read MoreRICE TARIFFICATION LAW, NAGING LASON SA INDUSTRIYA NG BIGAS – KIKO
INILARAWAN ni Senate Committee on Agriculture Chairman Francis Kiko Pangilinan na naging lason sa halip na pataba sa industriya ng bigas sa bansa ang ipinatupad na Rice Tariffication Law. Kaya naman, muling iginiit ni Pangilinan ang pangangailangan upang amyendahan ang batas upang matiyak na makakatulong sa mga magsasaka. Sa pagdinig sa Senado, kinumpirma ni Pangilinan na bubuo na sila ng technical working group upang bumalangkas ng committee report na maglalaman ng mga aamyendahang probisyon sa batas na anya’y nagpahina sa National Food Authority (NFA) at naging dahilan ng pagbaha ng…
Read MoreNakipagsabayan sa US, Canada, Japan at France PHILIPPINE NAVY SUMABAK SA LIVE FIRE EXERCISES
SUMABAK sa serye ng fleet maneuvers at live-fire exercises ang mga tauhan ng Philippine Navy Western Naval Command at nakipagsabayan sa kanilang navy counterparts mula sa Estados Unidos, Canada, Japan at France kaugnay sa SAMASAMA 2025 joint naval war games na ginanap sa Puerto Princesa City sa Palawan. Sa ilalim ng Naval Task Group 44.1, lumahok sa live-fire gunnery exercises ang USS Cincinnati, HMCS Max Bernays, BRP Antonio Luna, BRP Ramon Alcaraz, BRP Valentin Diaz, BRP Lolinato To-Ong, at USS Sprue na nagpapakita ng kani kanilang High-Intensity Naval Firepower and…
Read MoreAyaw na makipagtulungan sa ICI DISCAYAS MISTULANG UMAMIN NA GUILTY
LALO umanong pinabilis ng mag-asawang Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya ang “guilty verdict” sa kanila ng publiko matapos nilang tumangging makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ayon kay Akbayan party-list Rep. Perce Cendaña, ang desisyong ito ng mga Discaya ay malinaw na indikasyon ng pag-amin. “Non-cooperation is admission. Mas pinapabilis lang ng mga Discaya ang hatol sa kanila ng taumbayan — guilty!” ani Cendaña. Kinumpirma ni ICI spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka nitong Miyerkoles na hindi na makikipag-cooperate ang mag-asawang kontraktor sa imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.…
Read More