DIZON, ILANG APPOINTEES SA DPWH MAY KONEKSYON SA CONTRACTORS?

ISINIWALAT ni Batangas Rep. Leandro Leviste Legarda na posibleng may koneksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at ilan sa kanyang appointees sa mga kontraktor ng mga proyekto ng ahensya. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Legarda na galing mismo sa kanyang mga kapwa kongresista ang impormasyon, kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control anomalies kung saan maraming mambabatas ang nadadamay. “I heard that Secretary Dizon and his team have connections with contractors. In the interest of transparency, they should disclose all of…

Read More

71% NG PINOY UMAASANG MAY MAKUKULONG SA MGA SANGKOT SA FC SCANDAL

NASA tatlo ng apat na bahagi ng populasyon o 71 percent ng mga Pinoy ang umaasang may maparurusahan at makukulong sa hanay ng mga korap na politiko at kanilang mga kasabwat sa multi billion flood control corruption scandal, ayon sa inilabas na pag-aaral ng Pulse Asia kahapon. Sa nasabing pag-aaral, halos lahat ng mga Pilipino o 90 porsyento ang naniniwala na may sabwatan sa pagitan ng executive officials, mga mambabatas at mga pribadong contractors sa usapin ng multibillion-peso flood control anomaly. Base rin sa isinagawang survey ng Pulse Asia, halos…

Read More

Para pagtakpan si Marcos – Chavit FLOOD CONTROL ANOMALY PROBE ‘BINABABOY’ NG GOBYERNO

NILILIHIS at binababoy ng gobyerno ang imbestigasyon sa multi-billion peso flood control anomaly upang pagtakpan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang maanghang na pinakawalan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa isang talakayan sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City nitong Lunes. Diretsahang sinabi ni Singson na walang patutunguhan ang bagong likhang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil ito raw ay “peke at diversionary tactic” lamang upang iligaw ang publiko at mailayo ang isyu sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korupsyon. “Walang mangyayari. Bakit…

Read More

Romualdez bilang state witness BIGGEST JOKE OF THE CENTURY – PULONG DUTERTE

(BERNARD TAGUINOD) “BIGGEST joke of the century.” Ganito binansagan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang kumakalat na balitang posibleng maging state witness si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects ng gobyerno. Bago pa man humarap si Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahapon, lumabas ang impormasyon na nagsasabing mula umano sa Leyte — kung saan kongresista ang dating Speaker — ang ikinokonsiderang state witness, batay sa pahayag daw ni Ombudsman Boying Remulla. Agad naman itong pinabulaanan ng tanggapan ni Remulla,…

Read More

MANILA HEALTH DEPARTMENT NAGSAGAWA NG QUAKE DRILL

BILANG paghahanda sa “The Big One”, nagkasa ng earthquake drill ang Manila Health Department (MHD) nitong Miyerkoles. Kasunod ito sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na magsagawa ng sabayang earthquake drill sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila. Maingat na lumikas mula sa kanilang opisina ang mga empleyado palabas ng gusali at nanatili sa open space. Ayon sa MHD, layon ng pagsasanay na matiyak na masusunod ang emergency protocol at magkatugon nang tama ang mga empleyado sa paglikas kung sakaling biglang lumindol. (JOCELYN DOMENDEN) 283

Read More

P230-M kada kongresista, P3.2-B naman kada senador P154-B PINAGHATIAN NG KAMARA AT SENADO?

HINDI pa rin “magugutom” ang mga kongresista at senador sa susunod na taon matapos ibunyag na may nakatabing pondo para sa kanilang pet projects sa panukalang 2026 national budget — na pinagmumulan umano ng kickbacks. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, isa sa 12 kongresistang bumoto kontra sa House Bill 4058 o 2026 General Appropriations Bill (GAB) na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon, mayroong tinatayang ₱154 bilyong “allocables” na inilaan para sa mga mambabatas. “Pinapanatili ang sistema ng ‘allocables’ o tiyak na alokasyon para sa bawat legislator sa badyet…

Read More

Dumarami ayaw magbayad PROTESTA VS KORUPSYON RAMDAM NA SA TAX COLLECTION

KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na apektado na ng lumilitaw na katiwalian sa flood control projects ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan. Sa pagtalakay sa panukalang budget ng DOF, sinabi ni Recto na nararamdaman na ng Bureau of Internal Revenue ang slowdown sa pagbabayad ng buwis bagama’t sa ngayon ay manageable pa. Sinabi ni Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian na marami sa mga tao ang mag-iisip muna nang matagal bago magbayad ng buwis. “May effect ba on taxpayers payments dahil maraming nadidismaya maraming rally do you see any…

Read More

LALAKI ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

PASAY CITY — Arestado ang isang lalaki na kasama ng 20-anyos na biktima ng human trafficking matapos silang harangin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Sabado. Kasama sa iniimbestigahan ang isang immigration officer na umano’y tumulong sa pagproseso ng kanilang pag-alis. Batay sa ulat ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) kay Director Judge Jaime Santiago (Ret.), papunta sana sa Saudi Arabia ang suspek na si “Asnawi” at ang biktima nang pigilin sila sa NAIA matapos lumabas sa offloading record ang kanilang mga pangalan at ipinasailalim sa masusing…

Read More

Sa gitna ng pambabarako ng China SUBSISTENCE ALLOWANCE NG PCG PERSONNEL PINATATAASAN

NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na taasan ang subsistence allowance ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula ₱150 tungo sa ₱350 kada araw upang maipantay sa natatanggap ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel ng pamahalaan. Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, layon nitong mapanatiling mataas ang morale ng mga Coast Guard personnel at maipakita ang pagkilala sa kanilang kagitingan at sakripisyo, lalo na sa gitna ng patuloy na pangha-harass ng China Coast Guard at iba pang banta sa West Philippine Sea. Binigyang-diin ng senador…

Read More