Itinulak ng kapwa kongresista DQ SA PARTY-LIST NI ZALDY CO

IGINIIT ni Cebu Rep. Duke Frasco na imbestigahan at posibleng idiskwalipika ang Ako Bicol party-list dahil ito umano ang ginamit na behikulo ni dating Rep. Zaldy Co upang isagawa ang mga krimeng ibinibintang laban sa kanya. “To protect the integrity of our institutions, Ako Bicol Party-list must face investigation, sanction, and, if warranted, disqualification,” pahayag ni Frasco. Ayon sa kongresista, kahit nagbitiw si Co ay hindi nito nabubura ang akusasyon ng paglalagay ng daan-daang bilyong pisong pondo sa 2025 GAA at umano’y pagtanggap ng komisyon mula sa mga flood control…

Read More

LCPS sa ni-realign na pondo sa ayuda P300-B SAFE BA SA BULSA NG MGA MANDARAMBONG?

NAGPAHAYAG ng pag-aalinlangan ang Lawyers for Commuters Protection and Safety (LCPS) kung mapupunta nang buo sa mga benepisyaryo ang pondong mula sa natira sa flood control projects. Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCPS, mahigit P250 bilyon mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ni-realign sa ibang budget items para sa 2026. Ito’y matapos ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na “walang bagong pondo para sa flood control projects next year.” Ani Inton, resulta nito ang AICS budget ng Department of Social…

Read More

ZALDY CO NAG-RESIGN

TULUYAN nang nagbitiw si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng mga alegasyong sangkot siya sa malawakang katiwalian kaugnay ng flood control projects at umano’y mga “insertion” sa 2025 General Appropriations Act (GAA). Sa isang tatlong pahinang sulat na ipinadala kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, sinabi ni Co na ang kanyang pagbibitiw ay bunsod ng umano’y “real, direct, grave and imminent threat” sa kanyang pamilya at sa sarili, pati na rin ng “evident denial” ng kanyang karapatan sa due…

Read More

GHOST FARM-TO-MARKET ROADS BUMULAGA SA MINDANAO

NAKAKITA na ng ghost farm-to-market road (FMR) projects ang Department of Agriculture (DA) sa Davao Occidental at Zamboanga del Norte. Kinumpirma mismo ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa ambush interview sa Kamara kahapon ang naturang anomaly. “Sa FMR, ang inisyal na report sa akin, may nakita kaming ghost, in Davao Occidental,” pahayag ni Laurel, na tumutukoy sa mga proyektong ipinatupad noong 2021 at 2022. Bukod dito, sa Zamboanga del Norte naman, ghost project din umano dahil “may opening pero walang semento.” Magugunitang inatasan ng House committee on appropriations ang…

Read More

VP SARA: HINDI NA STABLE ANG GOBYERNO!

BUMIRA si Vice President Sara Duterte at idineklarang “hindi na stable” ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng malalaking anomalya sa flood control projects. “Our institutions are clearly abused… walang nangyayari sa ating bansa,” banat ng Bise Presidente. Giit niya, matagal na nilang alam na si House Speaker Martin Romualdez ay tumatanggap ng kickbacks, hindi lang sa flood projects kundi pati sa ilegal na sugal. Hindi na rin daw siya nagulat sa testimonya na male-maletang pera ang idinedeliber sa bahay nina Romualdez at Cong. Zaldy Co.…

Read More

DEFENSOR: NAG-NOTARYO NG AFFIDAVIT NI GUTEZA POSIBLENG NA-PRESSURE

Rep Mike Defensor-2

NANINIWALA si dating congressman Mike Defensor na posibleng tinakot si Atty. Petchie Rose Espera kaya itinanggi nito na siya ang nag-notaryo sa affidavit ni dating Master Sgt. Orly Guteza, na direktang nagdadawit kina Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects. “Puwede siyang tinakot. Pwede siyang sinabihan na sabihin mo hindi totoo ‘yan,” ani Defensor sa isang radio interview matapos itanggi ni Espera na siya ang nag-notaryo sa affidavit. Ayon sa dating kongresista, ang pagtanggi ni Espera ay posibleng paraan lang para…

Read More

Atty. Rodriguez sa Senado RESPETO, KORTESIYA DAPAT SA PILIPINO HINDI KAY ZALDY CO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINANATAN ni Atty. Vic Rodriguez ang Senado matapos nitong tumangging ipatawag si Cong. Zaldy Co sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects, kahit pa marami na ang nagturo rito na sangkot. Sa kanyang Facebook post, pinuna ng dating Executive Secretary at kumandidatong senador noong May 2025 elections na mas nangingibabaw daw sa Senado ang pagbibigay ng kortesiya sa kapwa mambabatas kaysa pagrespeto sa mga Pilipinong biktima ng korapsyon. “Trilyong piso na ang ninanakaw ng mga politiko, pero binibigyan pa rin sila…

Read More

Madaling bawiin – Diokno YAMAN NG MGA TIWALI LANTAD SA SOCIAL MEDIA

MADALI umanong mabawi ang yaman ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa flood control projects, kapag hindi nila mapatunayan na legal ang pinagmulan ng kanilang karangyaan. Ito ang pahayag ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno sa gitna ng mainit na imbestigasyon sa flood control scam na kinasasangkutan ng ilang DPWH officials. Paliwanag ni Diokno, may kapangyarihan ang Office of the Solicitor General na magsampa ng civil case for forfeiture sa ilalim ng Republic Act 1379 kung saan may…

Read More

HINDI BOKYA! MGA KONGRESISTA TULOY PROYEKTO SA 2026 NEP

MARAMI pa ring natitirang proyekto ng mga miyembro ng Kongreso sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP) kahit burado na ang P255 bilyong flood control projects. Ito ang kinumpirma ni House Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, na nagsabing inilipat lang sa iba’t ibang ahensya ang pondo pero nanatili ang alokasyon ng bawat kongresista. “Yes, tinanggal ang flood control projects worth P255B. Pero tiniyak ng House na yung alokasyon ng bawat kongresista ay mananatili pa rin,” ani Tinio. Giit pa niya, lumaki pa nga ang…

Read More