Absent sa hearing ipaaaresto na MARCOLETA SA CONTRACTORS: MAGTURO NA KAYO

PINAIISYUHAN na ng warrant of arrest ang isa sa sampung contractors na pinadalhan ng subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee. Ito ay sa kabiguang dumalo sa pagdinig ni Edgar Acosta, pangulo ng Hi-Tone Construction Development Corporation bagama’t may pinadala siyang kinatawan. Nagkaisa ang mga senador na i-cite for contempt ang contractor na magiging batayan ng pag-aresto sa kanya. Nanawagan naman si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta na makipagtulungan ang mga contractor at ituro ang mga taga-DPWH o politiko na nasa likod ng mga anomalya. Iginiit ni Marcoleta na…

Read More

‘CLEAN SWEEP’ SA DPWH SA PAGPASOK NI DIZON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PAGSUSUMITEHIN ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng courtesy resignation ang lahat ng opisyal ng ahensya. Ayon kay Dizon, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng “clean sweep” upang simulan ang paglilinis sa DPWH mula sa katiwalian at iregularidad. Saklaw ng courtesy resignation ang mga undersecretaries, assistant secretaries, division heads, at district engineers. Kasunod nito, isasagawa ang masusing personnel review upang matukoy kung sino ang mananatili at sino ang tuluyang aalisin sa puwesto. Tiniyak ng…

Read More

SALN NG AKBAYAN REFORM BLOC SA KAMARA ISINAPUBLIKO

SA gitna ng pagdududa sa mga kongresista dahil sa mga anomalya sa flood control projects, isinapubliko ng apat na miyembro ng Kamara ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). “At a time when trust in government is at its lowest, words are not enough,” ayon sa statement nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dada Kiram Ismula at Dinagat Island Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao. Si Diokno ay nagdeklara ng P13, 185, 829.97; P1 million kay Cendaña, P4,045,000 kay Ismula at P19,628,846.05 kay Bag-ao kung saan P4.5…

Read More

TALAMAK NA KATIWALIAN SA DPWH NILANTAD NG BAHA

INILANTAD ng matinding pagbaha sa Metro Manila, partikular sa Quezon City nitong Sabado, ang malawak na katiwalian umano sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, lalong nagalit ang publiko sa pagbaha sa Quezon City sa kabila ng P14.24 bilyong inilaan para sa 245 flood control projects sa lungsod. Sa naturang bilang, dalawa lamang ang inaprubahan ng city government. “Saan napunta ang bilyun-bilyong piso na inilaan para sa flood control projects? Lumubog din…

Read More

MGA PINOY SA JAKARTA PINAG-IINGAT SA TUMITINDING PROTESTA

PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Jakarta na manatili sa kanilang bahay at umiwas sa maraming tao habang nagpapatuloy ang marahas na protesta sa Indonesia. “Filipinos currently in Jakarta should exercise caution and vigilance for safety, and avoid large crowds that may put themselves in danger,” ayon sa kalatas ng DFA. Sinabi ng Philippine Embassy sa Jakarta na ang lungsod ay medyo ligtas subalit tiniyak na masusi nitong mino-monitor ang mga kaganapan at magpapalabas ng karagdagang patnubay kung kinakailangan. Pumutok ang nationwide protests, araw ng…

Read More

2028 PH ELECTIONS PUNTIRYA NG SLEEPER AGENTS NG CHINA

NAGBABALA ang isang security analyst sa maaaring impluwensiya na dulot ng presensya ng Chinese “sleeper agents” sa Pilipinas sa 2028 elections. Maaari kasi nitong mahubog ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea dispute. Sinabi ni Chester Cabalza, pangulo ng Think tank International Development and Security Cooperation, sa isang news forum sa Quezon City na “the Philippines’ openness and democratic system makes it vulnerable to infiltration” sabay sabing ang foreign operatives ay madalas dumating sa “different forms” at maaaring maging mahirap makita ang kaibahan mula sa lokal. “They look like…

Read More

Kailangan seryoso, may resulta LIFESTYLE CHECK DAPAT IPATUPAD NG ‘FOCUSED UNIT’

UPANG maging makatotohanan ang lifestyle check, kailangang magtatag ang gobyerno ng isang unit na magpopokus sa pag-iimbestiga kung ang karangyaan na tinatamasa ng mga opisyal ng gobyerno ay galing sa katiwalian. Ito ang mungkahi ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima kasunod ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lifestyle check sa government officials. Ginawa ni Marcos ang kautusan sa gitna ng anomalya sa flood control projects kung saan unang isinailalim sa lifestyle check ang mga empleyado at opisyales ng Department of Public Works and Highways…

Read More

KANSELASYON NG DUTERTE YOUTH PARTY-LIST PINAGTIBAY NG COMELEC

KINANSELA ng Comelec Second Division noong Hunyo ang akreditasyon ng Duterte Youth dahil sa kabiguang makapagsumite ng requirements sa umano’y kaso noong 2019 na inihain ng mga lider ng mga kabataan. Sa boto na 5-1, pinagtibay ng en banc ang kanselasyon sa Duterte Youth registration, pahayag ni Comelec chairman George Garcia. Nanalo ang Duterte Youth ng tatlong upuan sa Kongreso matapos makakuha ng mahigit 2 milyong boto sa nakaraang May elections ngunit sinuspinde ng Comelec ang kanilang proklamasyon dahil sa nakabinbing kaso. (JOCELYN DOMENDEN)   157

Read More

Bukod sa pagsilip sa anomalya PROBLEMA SA FLOOD CONTROL SOSOLUSYUNAN NG INFRACOM

NAKATAKDA nang simulan ng Congressional Infrastructure Committee (INFRACOM) ang imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control projects at ayon dito ay wala silang sasantuhing personalidad at usapin. Nilinaw rin nito na ang kanilang pakay ay hindi lamang silipin kung sino ang mga dapat na sisihin kundi hanapan din ng solusyon ang problema ng mga proyekto. Ito ang tiniyak ni House of Representatives (HOR) spokesperson Atty. Princess Abante, nagsabing ang INFRACOM ang siyang tutukoy ng mga project at indibidwal sa parehong executive at legislative branch, na sangkot nang may pinanghahawakan pruweba, at…

Read More