INAPRUBAHAN sa plenaryo ng Kamara kamakalawa ng gabi ang rekomendasyon ng House committee on good government and public accountability na kasuhan ng plunder si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Base sa Committee Report No, 1503 na inilahad ng chairman ng nasabing komite na si Manila Rep. Joel Chua, bukod sa plunder case ay pinakakasuhan din si Duterte at iba pang mga opisyal ng OVP at DepEd noong panahong pinamumunuan nito ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
CONTEMPT VS ROQUE, IBA PA INALIS NA NG KAMARA
MALIBAN kay dating Presidential spokesman Harry Roque na may arrest warrant dahil sa kasong kriminal sa isang korte sa Pampanga, maaari nang magpakita muli sa publiko ang kanyang misis na si Maila Roque matapos bawiin ng Quad Committee ang kanyang contempt order. Bukod sa misis ni Roque, pwede na ring magpakita muli ang dating economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang kasama sina dating Police Col. Hector Grijaldo at SPO4 Arthur Narsolis. “The motion to lift the contempt order for Col. Grijaldo, spouses Myla and Atty.…
Read MoreSenado ‘ginalaw na ang baso’ HOUSE PROSECUTORS: GAME NA
HANDANG-HANDA na ang prosecution panel ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bakbakan sa Impeachment Court para litisin si Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante kasabay ng pahayag na ikinatuwa ng Kamara na matapos ang apat na buwan ay ‘ginalaw na ng Senado ang baso’. “Well, the House of Representatives welcome this development, ginalaw na po ang baso. Nakinig na po ang Senado sa mga pahayag, hindi lang ng Kamara kundi ng iba’t ibang sektor ng lipunan. At again, handa naman…
Read MoreTERMINATION NG IMPEACHMENT VS VP SARA INIHAIN SA SENADO
HINDI pa man pormal na nasisimulan sa Senado ang impeachment trial, inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Resolution 1371 na nagdedeklarang terminated o tapos na nag impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ikinatwiran ni Padilla na mag-aadjourn sine die na ang Kongreso sa Hunyo 13 at lahat ng proceedings nito ay matatapos na. Binanggit niya sa resolusyon na hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment dahil sa kawalan ng hurisdiksyon. Nakasaad din sa resolusyon ang Rule 44 Sec. 123 ng rules of the Senate kung saan…
Read MoreMaingay sa impeachment pero tahimik sa anomalya ng Marcos admin: IPOKRITO AT HANGAL – ATTY. RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TAHASANG tinawag na ipokrito at hangal ni dating executive secretary Vic Rodriguez ang mga grupong nangangalampag para ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kanyang Facebook page ay nag-post si Rodriguez, isa sa mga senatorial candidate sa nagdaang midterm election, ng maikling mensahe nitong Linggo patungkol sa maiingay sa isyu ng impeachment ngunit wala aniyang imik sa mga anomalyang ibinabato sa administrasyong Marcos Jr. Partikular niyang tinukoy ang ‘anomalya’ sa 2025 national budget, PhilHealth fund transfer at bilyong flood control budget. “Hypocrites…
Read More19 DAYS IMPEACHMENT TRIAL IS A JOKE – DE LIMA
“TOLENTINO’s proposed 19-day impeachment timeline is a joke.” Reaksyon ito ni ML party-list Rep-elect Leila de Lima sa panukala ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na tapusin sa loob ng 19 araw ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa dating senador, lahat ng litigation lawyers ay alam na hindi makatotohanan ang nais mangyari ni Tolentino lalo na’t hindi lamang isa kundi 7 ang kasong isinampa ng Kamara laban sa Pangalawang Pangulo. Kinabibilangan ito ng paglustay umano ni Duterte sa kanyang confidential funds na itinuturing na betrayal…
Read MoreFrasco sa pagtabla kay Romualdez MAPAGKAISANG LIDER DAPAT SA KAMARA
MAPAGKAISANG lider ang kinakailangan ngayon ng Kamara, ayon kay House deputy speaker at Cebu Rep. Duke Frasco kaya hindi niya suportado ang muling pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez sa papasok na 20th Congress. Kahapon ay nagbigay na ng kanyang panig ang mambabatas matapos siyang sibakin sa kanyang partido dahil sa hindi pakikiisa sa pagsuporta kay Romualdez. “Our duty as public servants is not to advance individual interests, but to serve the Filipino people.” Ganito binasag ni Frasco ang kanyang pananahimik sa hindi pagpirma sa manifesto ng kinabibilangang National Unity…
Read MoreIMPEACHMENT CALENDAR SA SENADO INILATAG
NAGLATAG si Senate Majority Leader Francis Tolentino ng posibleng impeachment calendar upang matapos ang pagdinig sa mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte bago matapos ang 19th Congress. Ito ay sa gitna ng paninindigan ni Tolentino na kapag hindi natapos ang pagdinig sa impeachment complaint hanggang June 30 ay maituturing na itong functionally dismissed. Sa rekomendasyon ni Tolentino, magko-convene ang Senado bilang impeachment court sa June 11 at bibigyan ng summon si VP Sara kung saan nakasaad na mayroon siyang 10 araw o hanggang June 21 upang sagutin ang…
Read MoreSOLONS: MAGKAISA SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA
UMAPELA sa publiko ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na makiisa sa mga aktibidad sa mga susunod na araw para igiit sa mga senador na ituloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte. Ginawa nina ACT Teacher party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang panawagan kasunod ng draft resolution ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na layong i-dismiss ang impeachment case ni Duterte nang walang paglilitis. “The time for accountability has come. We cannot allow public officials to waste…
Read More