INAASAHAN ng Department of Education (DepEd) ang nasa 27 milyon mag-aaral mula preschool hanggang senior high school para sa School Year 2025 – 2026. Kaugnay nito, nasa 38 libong pulis ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng inilalatag na paghahanda sa pagbabalik-eskwela sa Hunyo 16, 2025. Ayon kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, mas paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang pagbabantay sa pagdagsa ng milyong mag-aaral sa mga eskuwelahan gayundin ng mga magulang na aalalay sa kanilang mga anak sa araw ng…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PUV MODERNIZATION TULOY – PALASYO
SINABI ng Malakanyang na magpapatuloy ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Subalit, binigyang diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi ito dapat ipatupad nang padalos-dalos o nang walang tamang preparasyon ng apektadong sektor. Sinabi pa ni Castro na ipinresenta ni Transportation Secretary Vince Dizon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang hamon na kinahaharap ng Public Transportation Modernization Program (PTMP), partikular na ang kahandaan ng mga jeepney driver at operators na sumunod na may pagsang-ayon at financial requirements. “Napag-usapan po…
Read MoreIMPEACHMENT CASE ‘DI PWEDENG MA-DISMISS NANG WALANG PAGLILITIS
WALA umanong kapangyarihan ang Senado na ibasura ang Impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nang walang isinagawang paglilitis. Ginawa ni House prosecutor Rep. Gerville “Jinky” Luistro ang paglilinaw matapos lumutang ang isang resolusyon sa Senado na inamin ni Sen. Ronald “Bato’ Dela Rosa na mula sa kanyang tanggapan, para idismiss ang impeachment case laban kay Duterte. “Senate has no power to dismiss impeachment case without trial The Constitution is clear. Art XI Sec 3 Par 6, the Senate has the sole power to try and decide all impeachment…
Read MoreP200 WAGE HIKE ALANGANIN PA
(BERNARD TAGUINOD) NASA balag pa ng alanganin na maisakatuparan ang P200 legislated wage increase na pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa dahil dadaan pa ito sa Bicameral conference committee. Dahil dito, sinabi ni dating congressman Renato Magtubo, tagapagsalita ng Partido ng Manggagawa at kabilang sa National Wage Coalition (NWC), na pigil pa ang kanilang kasiyahan ngayon. “Magandang balita subalit pigil pa sa kasiyahan ang manggagawa sa pagkakapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang P200 na dagdag-sahod,” ani Magtubo dahil tatlong araw na lamang…
Read MorePCP BOXES ISASARA PARA WALANG PULIS NA TAMBAY
UPANG matiyak ang pag-iikot ng mga pulis sa komunidad ay ipasasara ni PNP chief PGen. Nicolas Torre III, ang ilang police boxes at police community precincts. Ito ay bilang bahagi ng kampanya para paigtingin ang presensya ng mga pulis sa lansangan. Nabatid na karaniwang ginagawang tambayan ng mga pulis ang PCP. Sinabi ni Torre, dapat hawak ng mga pulis ang kanilang radyo habang nagpapatrolya, kung wala rin namang imbestigasyon sa PCP. Upang matiyak ang serbisyo publiko, kasabay ng pagpapalakas ng 911 hotline, inihayag ni Torre na pulis na mismo ang…
Read MoreEPEKTO NG PAGSASAPRIBADO SA NAIA SISILIPIN SA KAMARA
NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang magiging epekto sa mga Pilipino ng pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Base sa House Resolution (HR) 2316 ina inakda nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teacher party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, inaatasan ng mga ito ang House committee on transportation na imbestigahan ang isyu. Unang isinapribado ang NAIA noong September 2024 kung saan ibinigay ang kontrata sa San Miguel Corporation-SAP Consortium na kinabibilangan ng San Miguel Corporation ni…
Read MorePANUKALANG P200 DAGDAG SAHOD IPINASA NA SA KAMARA
PINAGTIBAY na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na dagdagan ng P200 ang sahod ng mga manggagawa sa buong bansa kada araw. “With One hundred seventy one members voting in affirmative, one negative and zero abstention, the chair declares House Bill (HB) 11376, An Act Providing for P200 Daily Wage Increase for the minimum wage workers in private sector is hereby approved in third reading,” deklara ni presiding speaker Rep. Raymond Democrito Mendoza. Pasado alas-singko y medya ng hapon kahapon nang isalang ang nasabing panukalang batas sa ikatlo…
Read MoreSa pagtalikod sa constitutional mandate SENADO GARAPAL – SOLON
GARAPAL ang Senado sa planong idismis ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi man lamang dinidinig ang articles of impeachment na tinanggap nila. Paglalarawan ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos kumalat kahapon ang draft ng resolusyon ng Senado na layong idismis ang impeachment case laban kay Duterte sa gitna ng debate kung itutuloy o hindi ang pag-convene sa Impeachment court. “Napakagarapal naman na gawin ‘yan ng Senado sa ngayon dahil alam naman natin ang panawagan, ang umiingay na panawagan ngayon ay put the vice…
Read MoreKulto Sa Senado?
Tinawag naman ng isang militanteng mambabatas bilang “Kulto ni Duterte” ang isang grupo umano ng mga senador na nais idelay ang impeachment trial ni Duterte hanggang June 30 upang hindi na ito matuloy. “Eto ba yung Kulto ni Duterte na mga nanalo na sa Senado?,” sagot ni ACT party-list Rep. France Castro nang tanungin ukol sa umano’y isang bloc sa Senado na nais patagalin ang impeachment complaint hanggang sa katapusan ng buwan. Gayunpaman, hindi nabanggit kung sino-sinong senador ang bumubuo sa umano’y binuong grupo sa Senado na haharang sa proseso…
Read More