IMPEACHMENT PWEDENG IBASURA NG SC – EXPERT

KINONTRA ng isang constitutional law expert ang opinyon na hindi maaaring pakialaman o panghimasukan ng hudikatura partikular ng Korte Suprema ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Reaksyon ito ni Atty. Jennifer Reyes, patungkol sa petisyon na inihain kamakailan ni Atty. Israelito Torreon sa Supreme Court na humiling na ipawalambisa o ibasura ang impeachment process laban sa bise presidente. Magugunitang nagsampa ng petisyon ang isang grupo ng mga abogado, sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon sa Korte Suprema para maibasura ang ‘impeachment trial’ laban kay VP Sara. Naniniwala…

Read More

BATO, BASTE NAG-SHARE NG AI VIDEO KINASTIGO

BINATIKOS ng Malakanyang sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa pagbabahagi ng AI (artificial intelligence)-generated video sa social media, tinawag ang kanilang aksyon bilang ‘iresponsable’ at nakasisira sa tiwala ng publiko. Ang video, inilalarawan ang dalawang lalaking estudyante na nagpapaliwanag ng kanilang pagtutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, ay ipinahayag na deepfake o gawa ng artificial intelligence. Sa kabila na may label ito at may hashtag na #AI, maraming mga manonood ang naniwala na ito’y tunay kabilang na si del Rosa,…

Read More

Kongreso, Palasyo sinumbatan OBRERO HINAYAANG MALUNOD SA KAHIRAPAN

HINAYAAN ng Kongreso partikular na ang Senado at maging ang Palasyo ng Malacañang na patuloy malunod sa kahirapan ang mga manggagawa lalo na ang minimum wage earners. Pahayag ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña matapos hindi pumayag ang Senado na i-convene ang Bicameral Conference committee para sa legislative wage increase ng lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor na naging dahilan para hindi magkakaroon ng umento sa sahod sa buong bansa. “Talaga namang nakakalungkot ang nangyari kasi sabi nga natin, etong wage hike na P200 nationwide dagdag na…

Read More

NASA ‘ROW FOUR’ OBLIGADONG MAG-SUMMER REMEDIAL CLASSES

MANDATORY na sa mga estudyante na may pinakamababang reading comprehension levels ang summer remedial classes, ayon sa Department of Education (DepEd). Ang mga estudyante kasi na may reading comprehension levels ay ipinapasa na lamang kahit hindi pa natutugunan ang kinakailangang kagalingan o kakayahan sa pag-aaral. Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, na ginagamit na ngayon ng departamento ang Beginning of School Year (BOSY) at End of School Year (EOSY) assessments para idetermina ang ‘learning gaps.’ Iyong mga may pinakamababang iskor ay kinakailangan ngayon na makiisa sa isang ‘remediation program’ pagdating…

Read More

PBBM sa mga Pinoy: PAIGTINGIN PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA BAYAN

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na paigtingin ang pagmamahal at paglilingkod sa Pilipinas kasabay ng pagdiriwang nitong Huwebes, Hunyo 12 sa ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan. Sa talumpati ng Pangulo sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila, sinabi nito na sa ngayon ay malayang naipapahayag ng bawat isa ang kanilang saloobin nang walang kinatatakutan, at malayang nagagawa ang naisin nang walang iniiwasan. At dahil aniya sa Bagong Pilipinas, hindi kasalanan ang pagbibigay ng opinyon. At lalong hindi aniya mali ang kritisismo. Bagkus, ito aniya ang…

Read More

SUSPENSYON NG BSKE NIRATIPIKAHAN NG SENADO

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral conference committee report kaugnay sa disagreeing provisions sa panukalang suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa December 2025. Ayon kay Senador Imee Marcos, author at sponsor ng panukala sa Senado, nagkasundo ang dalawang kapulungan na ipagpaliban sa Nobyembre 2026 ang halalan. Kasama rin sa inaprubahan ang pagtatakda sa apat na taon ang termino ng mga halal sa barangay at SK officials. Nakasaad sa panukala na hanggang tatlong sunod na termino ang maaaring takbuhan ng mga barangay officials, habang isang termino lang…

Read More

IBA’T IBANG AKTIBIDAD BINUKSAN NG INTRAMUROS AUTHORITY PARA SA ARAW NG KALAYAAN

BILANG bahagi ng ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, naghanda ang pamunuan ng Intramuros Authority ng iba’t ibang aktibidad partikular sa publiko na nais magbalik-tanaw noong late 18th to early 19th century. Ayon sa Intramuros Authority website, nitong Huwebes ay mayroon silang Filipiniana Day, libre ang kahit sino na pumasok sa anomang gated attraction ng Intramuros basta nakasuot ang mga ito ng Filipiniana. Kabilang dyan ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, Baluarte de San Diego, at Museo de Intramuros – Centro de Turismo Intramuros. Mayroon ding tranventures kung saan iikot…

Read More

Deadlock sa bicam MANGGAGAWA PINAASA LANG SA WAGE HIKE

MISTULANG pinaasa lang ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga manggagawa na magkakaroon ng legislated wage increase matapos magkaroon ng deadlock sa bicameral conference committee. “Matigas ang posisyon ng Senate sa kanilang version ng wage increase proposal. Dahil dito, nagka-deadlock ang proseso at nanganganib na mawala ang matagal nang panawagang legislated wage increase dahil hanggang ngayon na lang ang session para aprubahan ang bicam report,” pag-amin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Si Brosas na bahagi ng contingent ng Kamara sa Bicam para sa wage hike ay kasama sa mga…

Read More

HIGIT 2K PDLs PINALAYA NG BUCOR

PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 2,923 persons deprived of liberty (PDLs) mula Abril 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon. Ginanap ang seremonya kamakalawa sa New Bilibid Prison, Muntinlupa. Aabot na sa 23,579 ang kabuuang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang mga PDL ay pinalaya batay sa pagtatapos ng sentensya (2,373), acquittal (228), parole (212), habeas corpus (76), probation (59), at iba pang utos ng korte. Pinapurihan ni Catapang ang Supreme Court sa desisyon nitong…

Read More