MGA MAMBABATAS PINAG-IINGAT SA PAGGAMIT NG CONTEMPT POWER

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga kapwa mambabatas na maghinay-hinay sa paggamit ng kapangyarihang mag-cite in contempt sa mga pagdinig ng Senado. Iginiit ni Cayetano ang kahalagahan ng pagiging kalmado at ang pag-iwas sa paglala ng tensyon sa loob ng sesyon. Ito ay kasunod ng mainit na pagdinig kamakailan kung saan nagmosyon si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na i-cite in contempt si Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao dahil sa pagbibigay anya ng maling pahayag. Ngunit sa halip na agad lagdaan ang contempt order, ipinag-utos…

Read More

Para sa ligtas na Semana Santa HIGIT 40K PULIS IKAKALAT NG PNP NATIONWIDE

INIHAYAG ni PNP Spokesperson Police Brig General Jean Fajardo, na aabot sa kabuuang 40,283 pulis ang ipakakalat sa buong bansa sa paggunita ng Semana Santa para sa ligtas na summer vacation o SUMVAC sa buong Pilipinas. Ayon kay Fajardo, ang mga pulis ay itatalaga sa transportation hubs, mga pangunahing daan, tourist spots at mga simbahan. Naka-heightened alert ang buong PNP simula noong Abril 01, na nangangahulugan na 75 porsyento na ang deployment ng kanilang pwersa at bawal umabsent. Wala na ring pinayagang mag-leave sa mga pulis maliban na lamang kung…

Read More

Sa pinaslang na Tsinoy at driver POGO PINALUTANG PARA PAGTAKPAN KAPALPAKAN NG PNP

GINAGAMIT lamang umano ng mga awtoridad ang anggulong sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) ang ginawang pagdukot at pagpatay sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que para pagtakpan ang kapalpakan sa isinagawang imbestigasyon sa nakababahalang krimen. Ito ang inihayag ni civic leader at anti crime, graft and corruption advocate na si Teresita Ang See kaugnay sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na bukod sa motibong kidnap-for-ransom ay sinisilip din ang anggulong may kinalaman ito sa POGO operation. Itinanggi ni Teresita Ang-See ang dahilan ng PNP na sangkot umano…

Read More

Kasama iba pang PDP bets EX-ES RODRIGUEZ INENDORSO NI POLONG SA SENADO

HINILING ni Davao First District Congressman Paolo “Polong” Duterte sa kanyang mga tagasuporta na iboto ang lahat ng 10 senatorial candidate ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kinabibilangan ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez. Ginawa ng mambabatas ang panawagan sa sorpresang pagdalo nito sa Hugpong sa Tawong Lungsod (HTL) campaign rally sa Royal Valley, Bangkal, Barangay Talomo Proper, Davao City kamakalawa para itulak ang kanyang reelection bid. Bukod kay Rodriguez, kabilang sa 10 kandidato ng PDP-Laban sina Rodante Marcoleta, Sens. Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa,…

Read More

MOA SA PAGLILIPAT NG 14 SCHOOLS SA TAGUIG, ISYU PA RIN KAY MAYOR ABBY

GINAGAMIT ni Mayor Abby Binay bilang isyung pulitikal ang paglilipat ng 14 paaralan mula sa Makati City tungo sa Taguig City kahit nalutas ang sigalot sa pamamagitan ng nilagdaang nitong memorandum of agreement (MOA) sa Department of Education (DepEd). Bukod dito ang desisyon ng Supreme Court na naglilipat sa 10 EMBO Barangay na kinatatayuan ng 14 na paaralan, sa hurisdiksyon ng Taguig City mula sa Makati City. Napansin sa kampanya ni Mayor Binay sa CEMBO kamakailan, inungkat nito ang isyu sa14 public schools na hindi nito ipinasara ang paaralan dahil…

Read More

“Binata na sana siya ngayon” BATANG NAPATAY SA ‘OPLAN TOKHANG’ NI BATO INALALA

HALOS isang dekada ang nakalipas, isang ligaw na bala ang tumapos sa pangarap ng 9-anyos na si Lenin Baylon na maging guro matapos masawi sa engkuwentro ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki at dalawang hinihinalang sangkot sa droga sa Caloocan City. Napatay si Lenin noong Disyembre 2, 2016—tatlong araw bago ang kanyang ika-10 kaarawan. Nangyari ito anim na buwan matapos ilunsad ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte ang madugong kampanya kontra droga. “Gusto niya ng buhay. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at maging guro para tumulong sa mga batang kapus-palad. Lagi…

Read More

GIMIK NI IMEE ‘DI BUMENTA KAY HONEYLET: PA-EK-EK LANG!

HINDI bumenta kay Honeylet Avancena, ang partner ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang imbestigasyon ni Senadora Imee Marcos ukol sa pag-turnover sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC). Nang tanungin ng media sa The Hague ukol sa imbestigasyon ni Imee, tinawag ito ni Honeylet na “pa-ek-ek na lang yon” at sinabing hindi siya naniniwala kay Marcos. “Tanong siya na ‘ano ba talaga nangyari’? Hindi ba niya nakita ang nangyari?” ani Honeylet. Binatikos naman ni Senate President Francis Escudero si Marcos sa paggamit sa Senado para isulong ang kanyang personal…

Read More

BUWANANG SWELDO, PHILHEALTH COVERAGE SA MGA TANOD AT HEALTH WORKERS PANGAKO NI SEN. AQUINO

NANGAKO si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino na isusulong ang kapakanan ng mga barangay tanod at barangay health workers (BHWs) kapag nakabalik sa Senado. Sa kanyang dayalogo kasama ang mga barangay tanod at BHWs ng Naga City nitong Huwebes, sinabi ni Aquino na dapat bigyan ng tamang pagkilala ang mga tanod at BHW na itinuturing na frontliner ng barangay pagdating sa kaayusan at kalusugan. Ayon kay Aquino, magandang mabigyan sila ng buwanang sweldo, PhilHealth coverage, libreng training, at libreng serbisyong legal kapag nagkaroon ng kaso na may…

Read More

ROQUE MULING HINAMON SI PBBM SA HAIR FOLLICLE TEST

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HAMON ang naging tugon ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa pagturo sa kanyang mastermind ng ‘polvoron’ video laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Inulit ni Roque ang hamon na sumailalim ang Pangulo sa hair follicle test upang patunayan na hindi siya gumamit ng droga. Sa isang Facebook live kamakailan, iginiit ni Roque na wala sa tamang pag-iisip si Marcos dahil sa akusasyong gumagamit siya ng cocaine. “Hindi po ‘yan conclusive pero alam n’yo sa batas ang tawag diyan is yung totality of evidence and mayroon…

Read More