Kung patuloy dededmahin taas-sahod – solon RATINGS NI MARCOS LALONG SASADSAD

KAILANGANG sertipikahan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang P200 legislative wage hike kung nais niyang tumaas ang kanyang approval at trust ratings sa buong bansa. Ito ang iginiit ng grupo ni House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza matapos sumadsad ng 25 porsyento ang approval at trust rating ni Marcos Jr. habang mahigit 50 porsyento na rin umano ang dismayado sa pamamalakad nito sa gobyerno. “This is a sobering signal and a wake-up call that the direction of this administration is falling far short of our people’s expectations,” ayon…

Read More

TRUST, APPROVAL RATINGS NI MARCOS JR. LAGAPAK

LUMAYLAY ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nito lamang buwan ng Marso. Panahon kung kailan inaresto at ipinadala sa The Hague, The Netherlands si dating pangulong Rodrigo Duterte. Kung lagapak si Marcos, bumuti naman ang trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte. Makikita sa resulta sa kamakailan lamang na survey ng Pulse Asia Research para sa kanilang March 2025 Ulat ng Bayan survey, bumaba ng 17% puntos ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa 42% noong Pebrero sa 25% nitong Marso. Ang kanyang…

Read More

ENDORSEMENT NI VP SARA PARA SA BOTO SA IMPEACHMENT

BOTO sa impeachment trial na pabor sa kanya ang dahilan kung bakit binali ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang unang sinabi na hindi ito mag-eendorso ng kandidato upang hindi muling ma-scam tulad nang nangyari sa kanya noong 2022 presidential elections. Ito ang paniniwala ng mga tagapagsalita ng Mababang Kapulungan matapos iendorso ni Duterte ang kandidatura nina Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta, Las Piñas Congresswoman Camille Villar at Senadora Imee Marcos-Manotoc sa pagka-senador. “Hindi na nakakagulat na nagbago ang posisyon ng ating bise presidente pagdating sa pag-endorso ng mga kandidato…

Read More

PGH DARAGDAGAN NG 1.2K HCWs

MAGHA-HIRE ang gobyerno ng mahigit sa 1,224 healthcare workers para sa Philippine General Hospital (PGH) sa susunod na tatlong taon. Ang hakbang ay kasunod ng pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa hiniling na pondo ng University of the Philippines-Manila, nangangasiwa sa PGH, naglalayong palakasin ang pwersa ng mga manggagawa. Ang karagdagang posisyon ay lilikhain sa apat na tranches, simula sa first quarter ng 2025, fourth quarter ng 2025, 2026 at 2027. Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang pag-apruba sa budget ay nag-ugat sa direktiba ni…

Read More

CAMILLE VILLAR IKINABIT NG KABATAAN SA LAND GRABBING

BINUSKA ng grupo ni Kabataan party-list Representative Raoul Danniel Manuel si House Deputy Speaker Camille Villar matapos sabihin na ang kanyang amang si dating Senate President Manny Villar ang “best campaign manager in the world.” “What campaign are they sticking to? Nationwide land grabbing? Effective talaga ito para magpayaman at magtanim ng utang na loob sa mga botante at kapwa politiko. Their best campaign tactic: Hanap. Usap. Deal,” ayon sa grupo ni Manuel. Ang matandang Villar ay personal nang hinawakan ang senatorial campaign ng anak nito sa gitna ng patuloy…

Read More

MTRCB sa mga transport operator: MALASWA, MARAHAS NA PALABAS BAWAL SA PUVs

PINAALALAHANAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga transportation company at operator na tanging palabas na may content na rated ‘G’ (General Patronage) at ‘PG’ (Parental Guidance) ang pinapayagan ipalabas sa loob ng public utility vehicles (PUVs). Sa isang kalatas nitong Lunes, sinabi ng MTRCB na ang polisiyang ito ay ipinag-uutos sa ilalim ng Memorandum Circular No. 03-2024 na nag-uuri sa ‘common carriers’ bilang ‘movie theaters’ para sa regulatory purposes. “This ensures that content remains appropriate and has no negative impact on minors traveling with their…

Read More

ELECTIONEERING NGAYONG HOLY WEEK BABANTAYAN NG PNP

BINALAAN ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga kandidato sa posibleng electioneering ngayong panahon ng Semana Santa lalo na’t marami ang mag-uuwian sa mga probinsya. Binigyang-diin ni Gen. Marbil ang posibleng pagtaas ng political activities ngayong Mahal na araw. Sa isinagawang command conference sa Kampo Crame, inatasan niya ang mga pulis na paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na may aktibidad na may kaugnayan sa halalan. Nauna nang nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo, April 17…

Read More

IMEE AT VP SARA, PLASTIKAN LANG

GANITO inilarawan ng tagapagsalita ng Kabataan party-list ang mga political ads ni Senadora Imee Marcos-Manotoc na kung saan inendorso ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang reelection bid. “Imee needs Mindanao votes to save her Senate seat. Sara needs Senate votes to save her VP seat from conviction and for better chances to become president in 2028. This is about revenge and ambition, not service for the nation,” tinukoy ni Atty. Renee Co, tagapagsalita ng nasabing grupo. “May temang itim ang kinabukasan ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang…

Read More

Kinastigo sa social media MGA KANDIDATONG BASTOS ‘IPINAKO SA KRUS’

MISTULANG napaaga ang Semana Santa sa ilang kandidato ngayong May 2025 midterm election nang magkakasunod na nag-viral ang kanilang hindi kaaya-ayang pananalita sa kanilang kampanya. Animo’y ipinako sa krus ng mga netizen si Pasig Congressional candidate Atty. Christian Sia, si Misamis Oriental Gov. Peter Unabia at Batangas gubernatorial candidate and incumbent Mataas na kahoy Vice Mayor Jay Ilagan. Marami pang sumunod sa kanila na inisyuhan ng show cause order ng Comelec. Malaking papel ang ginampanan ng social media para maiparating sa Comelec ang mga kabastusan at diskriminasyon ng ilang kandidato.…

Read More