DAGDAG na sahod ang kailangan ng mga manggagawang Pinoy, hindi ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Ito ang iginiit ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares dahil hindi inalis sa 2025 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P6.352 trillion na nakatakdang lagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Ang AKAP ay pansamantalang solusyon lamang na malamang ay gagamitin pa para sa pamumulitika. Sa halip na magbigay ng P3,000 hanggang P5,000 na one-time ayuda, dapat ay itaas ang sahod ng mga manggagawa sa nakabubuhay na…
Read MoreCategory: NASYUNAL
P138-M gastos sa anibersaryo kinastigo PHILHEALTH GARAPAL
KINASTIGO hindi lang ng mga health advocate ang guguguling P138 million para sa anibersaryo ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth). Hindi lang inilarawan ang selebrasyon bilang magarbo kundi garapal din ito ayon naman sa mga netizen. “Grabeng kagarapal na yan ah! Sinong mga attendees niyan? Perang galing sa buwis ng mga ordinaryong mamamayan yan ah!,” ayon sa X user na si Jace. Sa Kamara, isang mambabatas ang nagpahayag na dapat pigilan ang maluhong selebrasyon ng ahensya sa Pebrero 2025. Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, hindi makatarungan…
Read MorePAROL FESTIVAL IDINAOS SA LAS PIÑAS
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Las Piñas ang 19th Las Piñas Parol Festival at 15th Street Dance Competition, sa pangunguna ng Villar Foundation. Ang taunang pagdiriwang, na nagbibigay-galang sa ikatlong henerasyon ng “Magpaparol ng Las Piñas,” ay ginanap sa Villar Foundation Courtyard noong Huwebes, Disyembre 12, na nagbuklod sa komunidad sa isang pagdiriwang ng tradisyon at kultura. Ang taunang “Parol Festival,” kung saan ipinapakita ng mga magpaparol ang kanilang pinakamahusay na mga parol na gawa mula sa mga recycled na materyales, ay naging isang makulay na tradisyon na nagpapakita ng pagiging…
Read More1,322 RECIPIENT NG CONFI FUND NG OVP PEKE RIN
MAHIGIT isang libong recipient o nabigyan umano ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ang kalahating bilyong piso ay walang record sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ang report ng PSA sa Kamara noong December 11, matapos atasan ng House committee on good government and public accountability na beripikahin ang 1,992 indibidwal na lumagda ng acknowledgement receipt (AR) na patunay na nakatanggap ang mga ito ng confidential funds sa OVP. Base sa PSA report, kahapon lamang inilabas ng komite, 1,322 sa 1,992 ay walang makitang…
Read MoreUP STUDENT NANGUNA SA 2024 BAR EXAMS
MULA sa University of the Philippines ang topnotcher sa 2024 Bar examinations. Ang College of Law graduate na si Kyle Christian Tutor ang nanguna sa pagsusulit, anunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Biyernes. Ayon kay SC Associate Justice Mario Lopez, Bar 2024 chairperson, nakakuha si Tutor ng score na 85.77 percent. Nakasaad sa kanyang LinkedIn profile, pumasok si Tutor sa UP Law noong 2019, dalawang taon matapos niyang makuha ang kanyang bachelor’s degree sa Political Science mula sa parehong unibersidad. Habang nasa UP Law, nagsilbi siya bilang vice chair ng…
Read MoreMUNTINLUPA LUMAGDA NG MOA KASAMA SI ALYSSA VALDEZ PARA SA GRASSROOTS VOLLEYBALL PROGRAM
Kinamayan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon si volleyball icon Alyssa Valdez kasama sina Atty. Jojay Alcaraz (kaliwa) ng 1 Munti at Ms Jem Lim (kanan) matapos lumagda sa Memorandum of Agreement na ginanap sa Bellevue Hotel, Muntinlupa City. (Danny Bacolod) PORMAL na nilagdaan nitong Biyernes, December 13, nina Mayor Ruffy Biazon at volleyball icon Alyssa Valdez ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa at AV360. Layunin ng proyektong ito na maglunsad ng isang grassroots volleyball program na magbibigay ng dekalidad na volleyball training camp para…
Read MoreVP Sara sa mga kongresista: MARCOS BUSISIIN DIN PAANO GINAGASTA PERA NG BAYAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan din ang Office of the President kung paano nito ginugol ang kanyang confidential at intelligence fund noong 2023. Kasunod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nangunguna sa paggasta ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Duterte, kung pakay talaga ng Kamara sa pagbusisi sa pondo ng kanyang tanggapan ay makabuo ng batas hinggil sa confidential funds dapat ay imbestigahan lahat maging ang tanggapan ni Marcos…
Read MoreKAMARA ‘DI PA TAPOS KAY HARRY ROQUE
BAGAMA’T tatapusin na ang pagdinig sa isyung Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), hindi pa rin tatantanan ng Quad committee si dating Presidential spokesman Herminio “Harry” Roque. “Marami pa siyang kailangang ipaliwanag sa bayan,” deklara ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chairman ng nasabing komite sa ika-13 pagdinig kahapon sa POGO, Extrajudicial Killings (EJK) at Illegal Drugs. Si Roque at kanyang misis na si Mylah ay unang na-contempt dahil sa patuloy nilang hindi pagdalo sa imbestigasyon ng Kamara ay nakaalis na sa bansa kaya hindi naipatupad ang arrest…
Read MorePANGALAN NI TEODORO HINDI PA TATANGGALIN SA BALOTA
HINDI pa tatanggalin sa balota ang pangalan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro bilang kandidatong Congressman ng 2nd District ng lungsod. Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, mananatili pa ring kandidato si Teodoro Hanggang hindi pa pinal ang desisyon ng En Banc. Maari pa aniyang maghain si Teodoro ng apela para kwestyunin ang naging desisyon ng 2nd Division ng Comelec. Si Teodoro ay dinisqualify ng Comelec matapos kwestyunin ni Sen. Koko Pimentel ang residency nito sa ikalawang Distrito ng Marikina. (JOCELYN DOMENDEN) 594
Read More