KAMARA SISILIPIN ‘DI TAMANG PATAKARAN NG GRAB SA SENIOR AT PWD DISCOUNTS

NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies. Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng Grab at iba pang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) sa kanilang mga driver ang 20 porsyentong diskwento sa senior citizens at PWDs. Ayon kay Ordanes, malinaw na paglabag ito sa mga polisiya ng Land Transportation Franchising and…

Read More

Pondo ng DPWH ‘di pwedeng mataas sa DepEd 2025 NATIONAL BUDGET MAY ILEGAL?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) POSIBLENG may paglabag sa Konstitusyon ang ipinasang 2025 budget ng Kongreso para sa Department of Education (DepEd). Pahayag ito ni Senador Migz Zubiri dahil sa ilalim aniya ng Konstitusyon ay education sector ang dapat na may pinakamalaking pondo sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA) pero Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang binigyan ng pinakamataas na budget sa susunod na taon. Sa ilalim ng 2025 national budget, ang DPWH ay may alokasyon na P1.1 trillion habang ang DepEd ay aabot lamang sa…

Read More

Matapos mabuking sa Senado NON-PRO DRIVERS BIGLANG TINANGGAL NG ANGKAS

NANAWAGAN sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang motorcycle taxi riders na kamakailan ay tinanggal mula sa Angkas dahil hindi sila naka-professional na lisensya. Ayon sa mga inalis na rider, tinanggal sila isang araw matapos ang pagdinig sa Senado kung saan ipinahayag ni Senador Raffy Tulfo at ng ilang mambabatas ang kanilang pangamba na may mga driver na walang professional license na nakakapag-operate sa ilalim ng Angkas. Ibinahagi ni Achillis Librinca, isa sa mga natanggal na rider, ang kanyang karanasan. Aniya, tinanggap ng Angkas ang kanyang non-professional…

Read More

DQ NG BULACAN CONGRESSIONAL BET PINAGTIBAY NG COMELEC EN BANC

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa kawalan ng merito ang motion for reconsideration (MR) ng congressional aspirant sa Bulacan na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng Comelec Second Division na nagdedeklara sa respondent bilang isang “nuisance” candidate. Sa anim na pahinang desisyon, sinabi ng Comelec en banc na wala itong nakitang valid at legal na batayan para pagbigyan ang MR ng respondent na si Jad T. Racal na kandidato sa ika-anim na Distrito ng Bulacan, alinsunod sa Comelec Rules of Procedure. “The arguments raised by respondent in…

Read More

UNIFIED ID SYSTEM GAGAMITIN VS FAKE PWD IDs

NAG-JOIN na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kampanya ng gobyerno laban sa paglaganap ng pekeng identification cards (IDs) ng persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng paglikha ng isang ‘unified ID system’ na maaaring gamitin ng business establishments para sa real-time updating at ID verification. Ang paggamit ng unified ID system na gagamitan ng web-based portal ay kabilang sa mga resolusyon na tinalakay sa roundtable discussion kasama ang mga stakeholder na pinangunahan ni Secretary Rex Gatchalian sa DSWD Central Office sa Quezon City noong Disyembre 11.…

Read More

Habang edukasyon, kalusugan ng Pinoy nganga KONGRESO PALDO SA PONDO SA 2025

(BERNARD TAGUINOD) LUMOBO ng mahigit P50 bilyon ang budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso matapos madagdagan ng mahigit pitumpu’t walong bilyon sa bicameral conference committee. Bukod sa Senado at Kamara ay nadagdagan din ang budget ng Commission on Appointments (CA) habang walang dagdag na naibigay sa Senate Electoral Tribunal (SET) at House of Representative Electoral Tribunal (HRET). Base sa Bicam report, nadagdagan ng P17.3 billion ang budget ng Kamara sa susunod na taon kaya magiging P33.6 billion na ito mula sa inirerekomenda na Department of Budget and Management (DBM) na…

Read More

2025 NATIONAL BUDGET HITIK SA PORK BARREL

INSULTO sa sambayanang Pilipino ang 2025 national budget na pinuno umano ng Bicameral Conference Committee ng pork barrel. Ganito inilarawan ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara ang pinagtibay na pambansang pondo na nagkakahalaga ng P6.352 trilyon sa Bicam na binubuo ng 12 senador at 12 congressmen. “Ang pondo ng bayan ay dapat nakalaan para sa taumbayan, hindi sa pangangampanya ng mga nasa poder! This budget is an insult to the Filipino people who are struggling with skyrocketing prices, low wages, and deteriorating public services,” ani Kabataan party-list Rep.…

Read More

LTFRB NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDER VS MOVE IT SA PAGLABAG SA RIDER CAP

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa ride-hailing company na Move It, na inatasang magpaliwanag kaugnay ng alegasyon na lumampas ito sa itinakdang rider cap at nabigong iulat ang activation, deactivation, at reactivation ng kanilang mga rider. Ang show cause order ay nag-ugat mula sa pag-amin ng isang kinatawan ng Move It sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na nabigo ang kumpanya na ipaalam sa ahensya ang pagbabago o pagtaas ng bilang ng kanilang rider. Sa inilabas na kautusan, binigyan…

Read More

MARY JANE VELOSO INILIPAT SA JAKARTA

NAUDLOT ang pagbisita ng pamilya ng Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa Indonesia matapos makansela ang kanilang dapat sana’y byahe patungo sa nasabing bansa. “Kami, mga magulang at anak ni Mary Jane ay nanghihinayang na hindi kami matutuloy sa pagbisita kay Mary Jane dahil napaghandaan po namin ito at nasasabik namin siyang makasama makalipas ng isang taon mula nang huli naming bisita sa kanya,” ang nakasaad sa isang kalatas. Nakansela ang December 16 hanggang 18 trip ng pamilya Veloso sa Yogyakarta matapos na ipaalam sa kanila…

Read More