DUMULOG kahapon ng anak ni dating presidential spokesman Harry Roque ang Korte Suprema na humihiling ng protection writ laban sa contempt at arrest order na inilabas ng House of Representatives Quad Committee (Quad Com). Sa 66-pahinang petisyon, iginiit ni Roque, sa pamamagitan ng kanyang anak na si Bianca Hacintha, sa SC na maglabas ng writ of amparo na nagbabawal sa Quad Com na ipatupad ang pag-aresto sa kanya. Ang writ of amparo ay isang remedyo na magagamit ng sinomang tao na ang karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad ay nilabag…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SENADO, KAMARA PINUNA SA PANANAHIMIK SA ISYU NG PHILHEALTH
PINUNA ng mga netizen ang anila’y kawalan ng gana ng mga mambabatas na usisain ang sobrang pondo ng PhilHealth na inilipat sa national treasury. Anila, tila walang energy ang mga nasa Senado at Kamara na imbestigahan ang fund transfer at pigilan ito. Noong May 10, taong ito, sinimulan na ng PhilHealth ang paglilipat ng pondo sa national treasury na nagkakahalaga ng P20 billion na sinundan noong Agosto 21 na umabot sa P10 billion. Nakatakdang ilipat naman ang P30 billion sa October 16 at ang natitirang P39.9 billion ay ibibigay sa…
Read MoreMARCOS NAIS PANAGUTIN SA HOARDING NG 20M KL BIGAS
KUNG may dapat panagutin sa pagho-hoard ng bigas sa Manila Port ay walang iba kundi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Giit ito ng grupong Bantay Bigas at Amihan kaugnay ng 888 shipping containers sa Manila Port na naglalaman ng 20 milyong kilo ng bigas. “Sa lahat ng ito, walang ibang dapat managot kundi si Marcos dahil sa promotor siya ng Rice Liberalization Law, Executive Order No. 62 at iba pa,” ani Cathy Estavillo, secretary general ng Amihan at spokesman ng Bantay Bigas. Pinagbabantay rin ni Estavillo ang taumbayan dahil…
Read MoreFULL ACCOUNTING SA P6-T INUTANG NG DU30 ADMIN IGINIIT
NAIS ng isang dating kongresista sa Kamara na imbestigahan kung paano ginamit ng nakaraang administrasyon ang P6 trilyon na kanilang inutang kasama ang gastos sa paglaban sa COVID-19. Ginawa ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang panawagan sa Kongreso dahil maging ang Health Emergency Allowance (HEA) ng healthcare workers na ipinangutang ng nakaraang administrasyon ay hindi pa naibibigay nang buo hanggang ngayon. Ayon kay Colmenares, 90 percent pa lamang umano sa P103.5 billion HEA funds ang naibibigay ng Department of Health (DOH) gayung nautang na ito ni dating…
Read More‘Di pa umiinit sa upuan gusto nang palitan? PAGPAPATALSIK KAY CHIZ UMUGONG
ITINANGGI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang umuugong na balita hinggil sa pagpapalit muli ng liderato sa Senado. Sinabi ni Estrada na wala siyang balak at kuntento siya sa pamumuno ni Senate President Francis Chiz Escudero. “Anomang haka-haka na lumalabas na ako raw ang papalit bilang Senate President. Hindi po totoo yan. Wala po akong balak. Nagtataka ako at nagugulat ako dito sa mga kumakalat na mga usap-usapan na papalitan na raw ang ating Senate President. Wala pong katotohanan,” pahayag ni Estrada. Aminado si Estrada na nagulat na…
Read MoreLunes na Lunes daming stranded 2-DAY TRANSPORT STRIKE NILARGA
IKINASA kahapon ang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Manibela at Piston. Sakop ng protesta ang mga lungsod sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan. Bagaman inihayag ng mga nagpoprotestang grupo na 80% hanggang 90% ng kanilang mga miyembro ang lalahok, marami pa ring pumasada. Mas pinili ng ibang miyembro na pumasada dahil sa panghihinayang sa kikitain. Sa press briefing naman sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palaging handa ang departamento at iba pang ahensya ng pamahalaan sa ganitong mga senaryo. “Yung strike, itong…
Read MoreCommuters nanumbat sa kawalan ng LRT rehab fund PONDO PADALUYIN SA TAO ‘WAG PAGPASASAAN SA KONGRESO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MATINDING pagmamaktol ng mga netizen partikular ang mga commuter dahil nabigo ang Department of Transportation (DOTr) na pondohan ang rehabilitasyon ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 sa susunod na taon. Ang nasabing proyekto ay para sa kapakinabangan ng may 435,000 Pilipino na sumasakay sa LRT araw-araw. Mayorya ng mga komento sa social media ay may halong panunumbat sa mga mambabatas na kinalimutan na anilang unahin ang kapakanan ng pinagsisilbihan nilang mamamayan. Sumbat pa nila, kapag para sa ikagiginhawa ng taumbayan ay walang mailaang…
Read MoreWAR ON CORRUPTION Panawagan ni dating ES Rodriguez
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA si dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa taumbayan na samahan siya sa pagdedeklara ng giyera laban sa mga korup at tiwaling opisyal ng pamahalaan. Sa “Luksang Bayan 9.21” rally nitong Sabado sa Plaza Independencia sa Cebu na inorganisa ng Hakbang ng Maisug, binigyang-diin ni Rodriguez ang talamak pa ring pagnanakaw sa kaban ng bayan, 52 taon makalipas patalsikin ng sambayanang Pilipino ang pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. “Ninanakaw ang P800-B, nawawala ang P500-B, meron na ba kayong mabiling murang bigas sa mga…
Read MoreGAGAYA KAY VP SARA IPAKUKULONG NG KAMARA
KUMPIYANSA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi magiging precedent ang pagtanggi ni Vice President Sara Duterte manumpa at hindi pagsasailalim sa imbestigasyon. Sa katunayan, nagbabala si Manila Rep. Joel Chua, chair ng House committee on good government and public accountability na sinoman ang gagaya kay Duterte ay maaaring ma-cite in contempt at makulong. “Hindi po ibig sabihin na ito pong insidente dahil hinayaan po natin ay magiging precedent na sa mga susunod na mga committee hearings. Hindi po mangyayari yan,” paniniyak ni Chua na isa sa mga…
Read More