BUKAS si Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasagawa ng executive session kung hihilingin ni PAGCOR Senior Vice President for Security Retired General Raul Villanueva upang isiwalat ang sinasabing dating hepe ng Pambansang Pulisya na nakinabang sa POGO operations. Sinabi ni Gatchalian ang mga ganitong uri ng impormasyon ay mahalagang mavalidate dahil kung hindi ay nadadamay ang buong organisasyon. Binigyang-diin ng senador na bago dapat inilabas ni Villanueva ang impormasyon ay tiniyak muna nitong kumpirmado ang lahat. Idinagdag ng senador na sa kanyang personal na pagsasaliksik, wala siyang natatanggap na impormasyon kaugnay…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Panelo sinupalpal si Mabilog: AKUSASYON KAY DUTERTE, NONSENSE
SINUPALPAL ni dating presidential spokesperson at abogadong si Salvador Panelo ang pahayag ni dating Iloilo City mayor Jed Mabilog na pulitika ang dahilan kaya siya inilagay ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa narco-list. Sinabi ni Mabilog sa House Quad Committee hearing na nagalit sa kanya si Duterte nang hindi niya suportahan ang pagtakbo nito bilang Pangulo noong 2016. “Nonsense iyon,” sagot naman ni Panelo, na pinaalalahanan si Mabilog na isang gobernador lang ang sumuporta kay Duterte noong kampanya. Tinawag din ni Panelo na “kuwentong kutsero” ang pahayag ni Mabilog na…
Read MoreDOLE-TUPAD payout sa Montalban SERBISYONG NOGRALES WALANG KAPARES
(JOEL AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang distribusyon ng Department of Labor and Employment-Tupad Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE-TUPAD) payout sa mahigit 500 benepisyaryong mga residente ng iba’t ibang barangay ng Montalban ng nasabing lalawigan kamakailan. Isinagawa ang DOLE-TUPAD payout ni Nograles sa multi-purpose covered court ng Brgy. Balite, Montalban noong Setyembre 12. Ayon kay Nograles, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya tulad ng DOLE para mabigyan niya ng tulong pinansyal, kabuhayan at pagkakakitaan ang kanyang mga kababayan sa Montalban, Rizal. Sa katunayan…
Read MoreDURAN DURAN’ SA B-DAY BASH NI MARCOS, URI NG KORUPSYON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA sa maraming netizens, uri ng korupsyon ang pagpe-perform ng British pop band na Duran Duran sa bonggang birthday party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan. Ito ay kahit pa sinasabi ng Malakanyang na libre at sorpresang handog ang party ng mga kaibigan ng pangulo. Maging abogado, law professor, at TV personality na si Dean Mel Sta. Maria ay sang-ayon dito. Katunayan, sa X platform ay nag-post din ang abogado ng ganito: “PUBLIC OFFICERS MUST LIVE MODEST LIVES. KUNG NIREGALUHAN ng malaking bagay ang isang politiko…
Read MoreFLEXIBILITY SA PAGTUTURO NG K-10 APRUB SA DEPED
SIMULA sa second quarter ng school year, maaari nang i-adopt ng mga eskuwelahan ang class schedule base sa kanilang pangangailangan at kakayahan. Ibinatay ito sa revised policy ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng MATATAG K-10 curriculum. Nakasaad sa DepEd Order (DO) No. 012, s. 2024, nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara, pinapayagan ang mga paaralan na gumamit ‘flexibility’ para ipatupad ang bagong curriculum bilang pagbibigay konsiderasyon sa kanilang ‘specific contexts’ gaya ng, subalit hindi naman limitado sa, klase at laki ng eskuwelahan, curricular program offerings, at availability ng…
Read MoreQUIMBO NASUPALPAL SA FREE WIFI BUDGET
SINUPALPAL ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa pagdinig ng Kamara sa budget ng free WiFi program ng gobyerno. Kinuwestiyon ni Herrera ang paggamit ng pamahalaan sa pondo na nakalaan sa free WiFI program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ibang proyekto. Depensa ni Quimbo, habang hindi nagagamit ng kaukulang ahensiya ang pondo, maaari itong pansamantalang gamitin ng gobyerno para sa ibang proyekto. Agad din naman daw itong ibabalik kapag kailangan na ng pinagkunang ahensiya. Pero nanguluntoy ang mataray…
Read MoreP1-M KADA LINGGO KINOKOLEKTA NI GARMA
TUMATANGGAP ng isang milyong pisong payola kada linggo si retired Police Colonel Royina Garma noong hepe ito ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Davao City. Ito ang isiniwalat ni dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña sa Quad Committee na nag-iimbestiga sa extra-judicial killings, illegal drug trade at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “I was made aware that in then previous hearing that Col. Garma said that our differences was personal. I just want you to know Mr. Chairman that…
Read MoreEX-MAYOR MABILOG NAIYAK SA KARANASAN KAY DU30
EMOSYUNAL na inilahad ni dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa pagharap nito sa Quad Committee ng Kamara ang karanasan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil lamang umano sa pulitika. Sa kanyang opening statement, sinabi ng alkalde na nagtaka siya kung bakit isinama siya sa PRRD (president Rodrigo Roa Duterte) list gayung mismong ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpatotoo aniya sa ilang pagkakataon na wala siyang kinalaman sa ilegal na droga. “Since the announcement of my inclusion in this list, I was subjected…
Read More‘Bigong maihulog sa patibong’ MGA KONGRESISTA NGANGA KAY VP SARA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI napilit sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gisahin si Vice President Sara Duterte nang tumanggi itong sumailalim sa imbestigasyon sa katwirang hinahanapan lang siya ng butas ng mga kongresista para sa nilulutong impeachment laban sa kanya. Kahapon ay sinimulan ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua ang motu propio investigation sa P125 million confidential funds na ginastos ni Duterte sa loob ng 11 araw noong 2022, base sa privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano. Dumalo si Duterte…
Read More