(SAKSI NGAYON) IPINAPAKITA lang ng administrasyong Marcos na hindi nila alintana ang kahirapang namamayani sa halos kalahati ng pamilyang Pilipino kaya mas inuna nilang buhusan ng pondo ang pagpapaayos sa Bahay Pangulo. Obserbasyon ito ng maraming netizens kaugnay sa viral photos ng ni-renovate na opisyal na tirahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Bahay sa Palasyo ng Malacañang. Nauna nang binatikos ng grupong Bayan Muna ang anila’y maluho at mala-resort na tirahan ng mga Marcos. “The unveiling of President Bongbong Marcos’ newly renovated official…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Tanong kay Marikina 2nd District Quimbo MULTI-MILYONG FLOOD CONTROL PROJECTS NASAAN?
UMAALMA ang mga residente ng Distrito Dos ng Marikina City kung bakit nakararanas sila ng matinding pagbaha, sa kabila ng milyun-milyong pisong flood control projects ni 2nd District Rep. Stella Quimbo. Ngayon, sinisingil ng mga residente si Quimbo kung saan napunta ang napakalaking budget para sa mga flood control project. Ayon sa Facebook video post ng isang netizen, napakaraming flood control projects sa 2nd District ang nakalista sa pangalan ni Quimbo. Kung susumahin, nasa mahigit kalahating bilyong piso ang halaga ng flood control projects ang nakalaan para sa siyudad ng…
Read MoreSOLON DISMAYADO KAY BBM SA ‘DI PAGPAPAHALAGA SA IBA’T IBANG WIKA SA PINAS
DISMAYADO ang isang mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil hinayaan nito mag-lapse into law ang panukalang batas na magtatanggal sa mother tongue bilang medium of instruction sa kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, sa ginawa ni Marcos ay mistulang pagtalikod sa iba’t ibang wika sa Pilipinas kaya hindi nito naitago ang kanyang labis na pagkadismaya gayung maaari namang i-veto ito ng Pangulo. “Ang pag-abandona sa Mother Tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura…
Read MoreLIFE IMPRISONMENT, WALANG PAROLE NAKAUMANG SA MASASANGKOT SA EJK
HABAMBUHAY na pagkakabilanggo at hindi bibigyan ng parole ang mga otoridad na masasangkot sa extra-judicial killings (EJK). Ito ang nakapaloob na parusa sa House Bill (HB) 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act kung saan ituturing na bilang “heinous crime” ang EJK na naging popular noong panahon ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. “This bill seeks to explicitly criminalize extrajudicial killings, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” ayon sa nasabing panukala.…
Read MoreNAGHIHIRAP NA PINOY DUMAMI
MAS maraming Pinoy ang nagsabi na sila ay “mahirap” sa third quarter ng 2024, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Sept. 14 hanggang 23. Sa inilabas na report ng SWS, araw ng Miyerkoles, Oktubre 9, natuklasan ng SWS na may 59% ng mga pamilyang Pilipino ang kinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang ‘mahirap’. May 13% naman ang kinilala bilang “borderline” (inilagay ang kanilang sarili sa pagitan ng mahirap at hindi mahirap) at 28% naman ang ni-rate ang kanilang mga sarili bilang “hindi mahirap”. Ang porsiyento ng pamilyang…
Read MorePILIPINAS HUWAG GAWING AYUDA NATION – ATTY. VIC
PANAWAGAN ito ni dating executive secretary at ngayon ay senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez kasunod ng ulat na umaabot sa kabuuang P253.378 billion ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para magamit bilang cash assistance o mas kilala bilang ‘ayuda’. Nakapaloob ito sa panukalang PHP6.352-trillion national budget for 2025. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Rodriguez na pang-emergency na hakbang lamang ang ayuda ngunit ginagamit ito ng mga kaalyado ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamumulitika. Aniya, walang pangmatagalang epekto ang ayuda para umangat ang ekonomiya…
Read MoreRESORT-LIKE’ NA BAHAY NG PANGULO SAMPAL SA MASANG PILIPINO
(BERNARD TAGUINOD) SAMPAL sa mahihirap na Pilipino ang renovation ng mag-asawang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Bahay ng Pangulo sa Palasyo ng Malacañang. Reaksyon ito ni dating Bayan Muna party-list Congressman Teddy Casiño matapos isapubliko ang mala-resort na Bahay ng Pangulo na ipina-renovate ng mag-asawang Marcos. “The unveiling of President Bongbong Marcos’ newly renovated official residence, complete with luxurious amenities, is nothing short of a slap in the face to the 59% of Filipino families who consider themselves poor,” ani Casino. Ayon sa dating…
Read MoreP29 BBM RICE NG NIA ILEGAL
(DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senador Imee Marcos ang BBM Rice Contract Farming Program ng National Irrigation Administration o NIA. Layon ng programa na makapamahagi ng bigas sa presyong P29 kada kilo. Subalit iginiit ni Marcos na hindi ito bahagi ng mandato ng NIA at maituturing itong ilegal bukod pa sa overlapping ito sa national rice program ng Department of Agriculture at sa rice tariffication funding. Ipinaliwanag naman ni NIA chief Eduardo Guillen na ang programa ay bahagi ng General Appropriations Act of 2024 at ipinagpapatuloy lamang nila sa susunod na…
Read MoreWAR ON CORRUPTION ISUSULONG NI FORMER ES RODRIGUEZ SA SENADO
(JOCELYN DOMENDEN) SA gitna ng malaking hamon sa pamamayagpag ng korupsyon sa pamahalaan, handa ang dating executive secretary ng Marcos administration na si Atty. Vic Rodriguez na pangunahan ang pagsusulong ng giyera laban dito sa Senado. Si Rodriguez ay lumahok sa halalan bilang independent candidate at nais pamumunuan ang tunay na oposisyon. Nakuha niya ang endorsement ni dating pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi sa ilalim ng PDP-Laban. Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador si Rodriguez sa Manila Hotel Tent City nitong Martes. Isa sa dahilan ng paglahok niya…
Read More