SINAMPAHAN kahapon ng panibagong kaso ng pandarambong sa Department of Justice (DOJ) ni dating Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes sina kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Special Assistant to the President nitong si Sen. Christopher Lawrence T. “Bong” Go, Navy Admiral Robert Empedrad at ilang Defense officials. Kaugnay ito sa P16-billion frigate scam kung saan nagmaniobra umano sina Duterte at Bong Go para paboran ang isang private contractor. Ayon kay Trillanes, napakaimportante nitong kaso para maging ehemplo sa mga susunod na kontrata ng AFP modernization program na dapat end…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Mrs. Yulo sa anak na si Carlos: SORRY, HINDI AKO PERPEKTONG INA
EMOSYONAL na humingi ng tawad si Ginang Angelica Yulo sa anak na si 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo. Sa press conference kahapon ni Ginang Yulo kasama ang abogado na si Atty. Raymond Fortun, humingi ito ng paumanhin at patawad sa kanyang nabitawang salita. Aminado rin ang ginang sa kanyang pagkakamali sa mga post sa Facebook. Aniya, hindi siya perpektong ina, hindi rin perpektong anak si Carlos at walang perpektong pamilya. Gayunman, iginiit ng Ginang na ang iba pang nagsulputang mga pahayag sa X, dating Twitter at iba pang social…
Read MoreKaya pinag-iinitan si Quiboloy KORUPSYON, KAHIRAPAN PINAGTATAKPAN NG BBM ADMIN
(CHRISTIAN DALE) ‘OBSESSED’ ang administrasyong Marcos na ‘demonyohin’ si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy para mabaling ang atensyon ng publiko mula sa “deepening crises” ng bansa. Sinabi ito kahapon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na itinalaga kamakailan bilang KOJC property administrator. Ang alegasyon ni Duterte ay inihayag nito sa isang kalatas na binasa ni KOJC Executive Secretary Eleanor Cardona sa isinagawang Senate inquiry hinggil sa di umano’y alegasyon ng paggamit ng sobrang pwersa o lakas ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy…
Read MoreDOJ KINUMPIRMA LOOKOUT BULLETIN KAY ROQUE
KINUMPIRMA kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang immigration lookout bulletin order laban kay dating presidential Spokesperson Harry Roque at 11 iba pa na sangkot sa illegal na POGO hub sa Porac, Pampanga. Sa isang ambush interview kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, sinabi nito na nais lang ng kagawaran na masiguro ang integridad ng imbestigasyon sa kontrobersyal na offshore gaming. Iniutos ng DOJ sa Bureau of Immigration (BI) ang 24 oras na pagbabantay sa kanilang mga routine araw-araw para hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon. Kasunod ito ng napabalitang tumakas na…
Read More2025 NAT’L BUDGET DEBT TRAP — SOLON
(BERNARD TAGUINOD) ‘DEBT TRAP’. Ganito inilarawan ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2025 national budget ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagkakahalagang P6.352 trillion. Dahil dito, aabot na umano sa P558,114 ang utang ng bawat pamilyang Pilipino sa susunod na taon na hindi umano makatarungan dahil habang pahirap nang pahirap ang mga ito ay ibinabaon sila ng administrasyon. “Ang budget na ito ay parang isang malaking debt trap na tiyak na papasanin ng mga Pilipino sa susunod na taon. It’s a debt-driven disaster waiting…
Read More17th WATER LILY FESTIVAL ‘SAYAW KALIKASAN’
BILANG pagpapakita ng pagmamahal ng lungsod sa kapaligiran at sa water lily bilang tagapagbigay ng buhay at kabuhayan, ipinagdiwang ng Las Piñas City ang 17th Water Lily Festival sa Villar Coliseum nitong Martes, Agosto 6. Itinampok sa selebrasyon ang Ms. Waterlily Pageant at ang ‘Sayaw Kalikasan’ dance contest na nilahukan ng dalawampung barangay sa Las Piñas. Nakuha ng grupo ng Barangay Elias Aldana ang grand champion trophy at cash na P30,000 na iginawad nina Senator Cynthia A. Villar, House Deputy Speaker Camille Villar at dating Konsehal Carlo Aguilar. (DANNY BACOLOD)…
Read MoreP4 BILLION INUUTANG NG GOBYERNO ARAW-ARAW
UMUUTANG ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mahigit apat na bilyong piso araw-araw dahil hindi sapat ang kita o nakokolektang buwis ng gobyerno para sa pangangailangan ng bansa. Ito ang lumabas sa pagsisimula ng pagdinig ng House committee on appropriations sa P6.352 trillion budget sa susunod na taon na mas mas mataas ng P500 billion kumpara sa 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.77 trillion. Sa presentasyon ni Finance Secretary Ralph Recto, sa nasabing pambansang pondo ngayong taon, 4.27 trillion lamang dito ang mula local revenue tulad…
Read MoreJO’S, CONTRACTUAL EMPLOYEES NGANGA SA SALARY INCREASE
SINITA ng mga kinatawan ng mga guro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga economic managers ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa diskriminasyon sa mga job order at contractual employees sa salary increase. Sa pagdinig ng House committee on appropriation sa P6.352 trillion pambansang pondo sa susunod na taon, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na initsapwera ng gobyernong Marcos ang mga nabanggit na empleyado sa inilabas ng Executive Order (EO) 64 na magtataas sa sahod ng government employees. “Discriminating,” paglalarawan ni Castro sa nasabing EO dahil…
Read MoreEKONOMIYA INAASAHANG LALAGO NG MAHIGIT 6% SA Q2
POSIBLENG mas mabilis na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter sa gitna ng mas maayos na ‘state spending at pagtaas ng household consumption.’ “If you’re talking about growth rate for the second quarter, I think we’re pretty optimistic. It will be higher than the first (quarter),” ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto. Sa first quarter, lumawak ang gross domestic product (GDP) sa ‘weaker-than-expected 5.7% dahil sa mas mabagal na consumption at state spending. Sinabi ni Recto na siya ay “crossing his fingers” na ang GDP growth ay…
Read More