IGINIIT ng isang miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na burahin na ang unprogrammed appropriations sa pambansang pondo dahil nagiging super pork lamang aniya ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bukod dito, nais din ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro na mabura ang lahat ng uri ng pork barrel sa pambansang pondo lalo na sa 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion. “We call for the abolition of all forms of pork barrel, including this new modus operandi of unprogrammed…
Read MoreCategory: NASYUNAL
RICE-FOR-ALL NI BBM ‘AMPAW’ – FARMERS
TINAWAG ng isang grupo ng mga magsasaka na ampaw na programa ang ‘rice-for-all program’ ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr., dahil limitado at pansamantala lamang ito. Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Amihan, tulad ng mga naunang rice program ng gobyerno mula 2022, hindi magtatagal ang rice-for-all program kung saan magbebenta na ang Department of Agriculture (DA) ng bigas sa halagang P41 hanggang P45 kada kilo. “Paano sasabihing for all ito kung limitado lamang sa apat na Kadiwa stores sa halip na ibenta sa lahat ng pampublikong palengke…
Read MorePara ihinto ang bidding ng Meralco MALAMPAYA CONSORTIUM WALANG ‘K’ – CONSUMER LAWYER
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINATIKOS ng consumer lawyer na si Paris G. Real ang Malampaya consortium sa pupumilit nitong pigilan ang Competitive Selection Process(CSP) ng Meralco para sa karagdagang 1,000 MW na suplay ng kuryente. Humingi kasi ang grupo ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Taguig Regional Trial Court samantalang hindi naman ito talaga direktang partido sa bidding. “Malinaw na napatunayan sa pagdinig sa RTC na ang Energy Regulatory Commission, hindi ang mga regional trial courts, ang may eksklusibong hurisdiksyon na dinggin ang mga kaso sa pagitan ng mga kalahok…
Read More‘OFFSHORE ACCOUNTS’ NI GARCIA BUBUSISIIN NA
(BERNARD TAGUINOD) PORMAL nang naghain ng resolusyon si Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta para imbestigahan ang umano’y offshore accounts ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia. Sa press conference kahapon, sinabi ni Marcoleta na nakakuha na sila ng patunay na may dalawang offshore accounts si Garcia kaya nagpasya na itong ihain ang resolusyon para masimulan na ang imbestigasyon. “Ako, nakakuha na ako ng initial documents that verified my initial suspicion,” ani Marcoleta sa press conference kahapon. Ayon sa mambabatas, nakapagdeposito umano ang kanilang mga kontak sa Amerika sa…
Read MorePAG-ARESTO NG ICC KAY DIGONG, ET AL ‘DI HAHARANGIN NG DOJ
TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa rin ligtas sa warrant of arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pa kaugnay ng tokhang. Sa Kapihan sa Department Justice sa pangunguna ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, binigyang-diin nito na hands off ang kanyang tanggapan at sa ngayon patuloy nilang pinag-aaralan kung paano tutugunan sakaling magpositibo ang warrant of arrest laban sa mga sangkot na opisyal. Posibleng swak sa rehas ang mga akusado sa kaso dahil wala silang balak harangin ang warrant of arrest ng International Criminal…
Read MoreAGRI SECTOR IKINATUWA PAGLABAS NG ASF VACCINE
IKINATUWA ng sektor ng agrikultura ang anunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na naglabas na sila ng Certificate of Registration para sa bakuna sa African Swine Fever (ASF). Ayon kay Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones, bilang chairman ng Pork Producers Federations of the Philippines, Inc., at presidente ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP Party-list, magandang balita ito sa kanilang sektor dahil mayroon nang gagamiting bakuna laban sa ASF at pasado na ito sa pagsusuri. Ayon pa kay Briones, bagama’t ang ASF ay hindi nagdudulot ng banta sa…
Read More2025 BUDGET ITINUTURING NA PRESIDENTIAL ‘SUPER PORK’
(BERNARD TAGUINOD) TULAD ng 2024 national budget, magiging presidential super pork ang pambansang pondo sa susunod na taon. Ito ang alegasyon ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso habang naghahanda ang mga ito sa pagbusisi sa 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion. Sa press conference kahapon ng nasabing grupo, mula 2022 ay nagsimulang lumobo ang unprogrammed appropriations (UA) at habang tumatagal aniya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay palaki ito nang palaki. Ayon sa mambabatas, noong 2022, umabot sa P251.6 billion ang UA sa inaprubahang General…
Read MoreItinurong dahilan ng oil spill disasters CRONY CAPITALISM SA MARCOS ADMIN
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang kapabayaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dahilan ng oil spills disasters kundi sa dahil sa crony capitalism. Ito ang alegasyon ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos lumubog ang MV Terra Nova na may kargang langis sa Bataan na naging dahilan umano ng oil spill. Ayon sa grupo, malinaw sa Memorandum Circular 02-2013 ng Philippine Coast Guard (PSG), mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag ng mga barko kapag may storm signal subalit pinayagan ang MV Terra Nova kahit nananalasa ang bagyong…
Read MoreDRUG SMUGGLING CASE IPINAGKIBIT-BALIKAT NI POLONG
IMBES mabahala, welcome pa umano kay Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagsasampa ng kasong drug smuggling ni dating Sen. Antonio Trillanes III laban sa kanya at sa bayaw na si Manases Reyes Carpio. “I welcome Antonio Trillanes’ plan to file a drug smuggling case against me,” ani Duterte matapos ianunsyo ni Trillanes na nakatakda itong magsampa ng kaso kaugnay ng 600 kilo na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 billion na dumating sa bansa noong 2017. Bukod sa dalawa ay kasama umanong kakasuhan sina dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner…
Read More