SOLON MAY PATUTSADA SA POLICE SECURITY NI BONG GO

“MABUTI pa siya may security ah.” Reaksyon ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa reklamo ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na una siyang inalisan ng police security bago i-recall ng Philippine National Police (PNP) ang 75 sa security ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa mambabatas, ang mga ordinaryong politiko ay hindi pwedeng dalhin ang lahat ng kanilang police security sa bawat lugar na pupuntahan ng mga ito. “Hindi, you know, for us politicians who travel from one province to another minsan naman po nagko-coordinate tayo sa…

Read More

Mga kontratista isapubliko SINO-SINO KUMITA SA BILYONG FLOOD CONTROL PROJECTS?

KARAPATAN ng bawat Pilipino na malaman kung nasaan ang daang bilyong piso na pera ng bayan na ginamit sa flood control projects. Ito ang binigyang-diin ng dating Executive Secretary ng Marcos admin kasabay ng paghingi ng listahan ng mga kontratista at mambabatas na nakibahagi sa proyekto. Sa kanyang Facebook page, nag-post kahapon si Atty. Vic Rodriguez ng: “Huwag tayo pumayag na ibaon sa ingay ng pulitika ang mga dapat PANAGUTIN sa delubyong sanhi ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Carina at habagat. SINGILIN natin ang Marcos administration kung saan lugar…

Read More

Kumalat na open letter hindi kinikilala ‘BATA-BATA’ SYSTEM ITINANGGI NG AFP

(JESSE KABEL RUIZ) MARIING itinanggi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may umiiral na favoritism o bata-bata system sa kanilang organisasyon. Tugon ito sa kumalat na open letter at social media posts hinggil sa favoritism at palakasan system umano sa kanilang hanay para makakuha ng magandang posisyon kahit na hindi deserving o kulang sa kwalipikasyon. Aminado naman ang AFP na may mga nasasagap silang anonymous text messages at social media posts na umiikot sa kanilang hanay hinggil sa reklamong favoritism at mismanagement sa loob ng AFP…

Read More

Taliwas sa ibinida ni Marcos sa SONA PILIPINAS NAGHIHIRAP, LUBOG SA UTANG

IDINETALYE ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang totoong kalagayan o sitwasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa magkakahiwalay ng privilege speech, mariing kinontra nina ACT party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Albay Rep. Edcel Lagman ang mga isyung ipinagmalaki ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 22 dahil malayo umano ito sa totoong kalagayan ng sambayanang Pilipino. “Narinig natin ang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ngunit…

Read More

Pumalag sa political harassment VP SARA KAY GEN MARBIL: SINUNGALING KA!

(JESSE KABEL RUIZ) INALMAHAN ni Vice Presidente Sara Duterte ang pagsisinungaling umano ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil sa pag-aalis ng kanyang police escort na malinaw na political harassment. Kahapon ay naglabas ng open letter si VP Sara para kay Marbil dahil sa pagsisinungaling ng heneral hinggil sa pag-pullout ng kanyang 75 police security detail na isang hakbang para alisin ang mga pulis na kanyang pinagkakatiwalaan. Inalis umano ang kanyang PNP Police Security and Protection Group (PSPG) personnel matapos itong magbitiw bilang kalihim ng Department of Education…

Read More

2025 CONFI-INTEL FUND NI MARCOS BUMABA NG 16%

KUMPARA noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, mas mataas ang Confidential and Intelligence expense ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isinagawang press conference matapos isumite ang proposed national expenditure program (NEP) ng Marcos administration sa susunod na taon, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na P10.286 billion ang CIE sa 2025. Limang doble ang laki nito sa P2 billion na CIE ni dating Pangulong Aquino noong 2015 kung saan lahat ng ahensya ng gobyerno na nangailangan ng nasabing pondo,…

Read More

PINOY NURSES PATULOY NA NAUUBOS SA PHL

PATULOY na nauubos ang Filipino nurses dahil sa mababang pasahod, hindi lamang sa mga government hospital kundi lalo na sa mga pribadong pagamutan. Ito ang nabatid mula kay Quezon City Rep. Marvin Rillo matapos umabot sa 14,158 Filipino nurse ang sumailalim sa National Council Licensure Examination (NCLEX) sa unang pagkakataon sa nakaraang anim na buwan ngayong taon lamang. “The numbers clearly indicate that many Philippine-educated nurses are very eager to practice their profession in America, where their skills will get the highest rewards in terms of compensation income,” ani Rillo.…

Read More

SIM CARD LAW PINAGLALARUAN NG SINDIKATO

PINAGLALARUAN, hindi lamang ng mga Filipino syndicate, kundi ng mga dayuhan ang Republic Act (RA) 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act. Ito ang dahilan kaya iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang nasabing batas na magdadalawang taon pa lamang sa September 13, kung nais ng gobyerno maitigil ang scamming gamit ang sim card. “Despite the passage of the SIM Registration Act (under Republic Act 11934) mandating the registration of SIM cards, whether prepaid or postpaid, crime groups or individuals, local and foreign,…

Read More