NAGHAIN si Rosales, Pangasinan Vice Mayor John Isaac Kho ng administrative complaint sa Judicial Integrity Office ng Korte Suprema laban kay Presiding Judge Roselyn Andrada-Borja ng Regional Trial Court Branch 53, sa nasabi ring bayan, kaugnay ng patuloy na alitan sa halalan para sa pagka-bise alkalde noong Mayo 2025. Kasabay nito, naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng preliminary injunction noong Pebrero 18, 2026 na nagpapanatili ng status quo habang patuloy na dinidinig at sinusuri ang mga isyu sa kaso. Ang reklamo ay kasunod ng desisyon ng korte na binaligtad…
Read MoreCategory: NASYUNAL
TAAS-PASAHE SA JEEPNEY TINABLA NG MALACAÑANG
HINDI pa napapanahon ang hirit na taas-pasahe ng mga jeepney operator at driver sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na may umiiral nang provisional fare increase na P1.00, at base sa komputasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sapat pa ito upang masakop ang fuel cost ng jeepney. Dagdag pa niya, ayon kay LTFRB chairperson Atty. Vigor Mendoza III, mas nakatuon umano ang ilang grupo sa kampanya laban sa colorum kaysa sa agarang fare hike.…
Read MoreYUM SURPRISE SA ONE AYALA
ISANG sorpresang activation ang sumalubong sa mga commuter sa One Ayala Terminal nang ilunsad ng Jollibee ang na-upgrade nitong Yumburger sa Makati City noong Pebrero 19, 2026. Kabuuang 2,000 libreng Yumburger at 4,000 voucher ang ipinamahagi sa sabay-sabay na kaganapan sa iba’t ibang pangunahing lungsod. Ang pinahusay na Yumburger ay may mas malaking beef patty at mas maraming dressing habang nananatili ang presyong P45. Agad itong tinangkilik ng mga empleyado, estudyante at pasahero sa abalang transport hub. Nakiisa rin ang Yum mascot na nagbigay-aliw at nakipag-selfie sa mga commuter sa…
Read MoreSUPPORTERS NI RISA BINANATAN SI BAM
KINUYOG ng mga kilalang tagasuporta ni Sen. Risa Hontiveros si Senador Bam Aquino sa kanyang posisyon na kung maaari ay dito sa Pilipinas gawin ang paglilitis kay dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pang sangkot sa extrajudicial killings (EJKs) at hindi sa International Criminal Court sa The Netherlands. Kinondena nina Antonio Trillanes at Ronald Llamas ang posisyon ni Aquino kahit pa sinabi ng Senador na nirerespeto nito ang proseso ng ICC. Kapwa sinusuportahan nina Llamas at Trillanes si Hontiveros para tumakbong presidente sa 2028. “Yung ideal ba parang expectation vs…
Read MorePA: COURT MARTIAL VS MONGAO ‘DI PARA PATAHIMIKIN KASUNDALUHAN
NILINAW ni Philippine Army commanding general Antonio Nafarrete na ang aksyon laban kay Col. Audie Mongao ay hindi layong patahimikin ang hanay ng kasundaluhan. “We have standards as part of the military organization,” aniya. Kasabay nito ay tiniyak ng opisyal na mabibigyan ng patas na paglilitis si Mongao. Matatandaang isinalang sa general court martial si Mongao matapos ang kontrobersyal na pahayag nito ng pag-withdraw ng suporta sa administrasyong Marcos Jr. Kinumpirma ni Nafarrete na tapos na ang imbestigasyon at inihahanda na ang proceedings. “He is already here for general court…
Read MorePBBM AT LENI MAGTATAGPO SA NAGA
MAGKIKITA sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Naga Mayor Leni Robredo sa Sabado, Pebrero 21, para sa implementasyon ng Oplan Kontra Baha sa siyudad. Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na personal na bibisitahin ng Pangulo ang flood mitigation measures sa lungsod. “Busy po ngayon ang DPWH sa paglilinis ng mga kanal at estero sa Naga City. ‘Yan po ang bibisitahin ng Pangulo at makakasama niya po ang Mayor Leni Robredo,” ani Castro. Wala naman umanong impormasyon kung pag-uusapan ng dalawa ang anomang political plans para sa 2028 elections.…
Read MoreDA, JICA LALAGDA SA 1.7-B YEN GRANT PARA SA MODERN RICE FACILITY
BILANG pagpapalakas sa rice security ng Pilipinas, lumagda ang Department of Agriculture at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa JPY 1.7 bilyong grant para sa modernong rice processing system sa Cauayan City, Isabela. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang modernisasyon ng agrikultura. Itatayo ang pasilidad sa Cauayan City, isa sa top rice-producing areas sa Isabela, at ipatutupad sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA). Layunin nitong palakasin ang buffer stocking capacity ng NFA at bawasan ang post-harvest…
Read MoreKULONG AT P10-M MULTA SA PALPAK NA GOVERNMENT PROJECTS
KULONG at P10 milyong multa ang naghihintay sa mga contractor na magtatayo ng sablay at substandard na proyekto ng gobyerno. Ito ang laman ng House Bill No. 2811 o “Criminalizing Negligent Contractors Act” na inihain ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa ilalim ng panukala, ang sinomang contractor, subcontractor, corporate officer, government employee o juridical entity na mapatutunayang nagpabaya at nagresulta sa mababang kalidad ng proyekto ay maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon at pagmultahin ng P10 milyon. May kasama pa itong perpetual disqualification sa anomang government procurement o…
Read MoreINDAY SARA 2028 SURE NA!
INANUSYO ni Vice President Sara Duterte ang kanyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections. Sa isang press conference, sinabi ng Bise Presidente na panahon na umano upang ibalik ang “tapang at malasakit para sa Diyos, bayan at pamilya.” Kasabay nito, humingi rin siya ng paumanhin sa publiko sa pagtulong niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 elections. “Patawad kung tinulungan ko mahalal si BBM…,” ani Duterte, kasunod ng pagbanggit sa mga isyu tulad ng korupsyon, pagbaha, mataas na presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa mga serbisyong…
Read More