Kiko sa 2026 budget: SELYADO LABAN SA ‘ALOK-ABLE’ AT GHOST PROJECTS

TINIYAK ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na ang bicameral conference committee–approved na P6.793-trilyong pambansang badyet para sa 2026 ay may matitibay at naipatutupad na pananggalang laban sa katiwalian, patronage spending at mga “ghost project.” Ayon kay Pangilinan, tuluyan nang sinara ang mga patagong “alok-able” na usapan na nagbubunga ng overpricing at pekeng proyekto. “Sa kauna-unahang pagkakataon, livestreamed ang buong proseso—mula subcommittee at committee hearings, approvals ng House at Senado, hanggang bicam,” ani Pangilinan. Nagpasalamat din ang senador sa mga civil society groups, kabilang ang People’s Budget Coalition, sa aktibong pakikilahok…

Read More

Sa pagpanaw ni Cabral BONOAN ‘KALADKARIN’ NA PABALIK NG PINAS

SA pagpanaw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, na sinasabing “napakaraming alam” sa anomalya sa flood control projects, nanawagan si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na pabalikin at imbestigahan si dating DPWH Secretary Manny Bonoan. Ayon kay Tinio, kung may mas nakaaalam pa sa umano’y katiwalian kaysa kina Cabral at dating Usec. Bernardo, ito ay walang iba kundi ang kanilang dating hepe. “But if there’s anyone who knows even more than her and Usec. Bernardo combined, it’s none other than their boss,…

Read More

DAVAO GHOST FLOOD PROJECT, KURYENTE?

NATAPOS nang maayos at nalapatan pa ng kaukulang repair matapos daanan ng malalakas na bagyo ang P96.5-milyong flood control project sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental na una nang tinawag na “ghost project.” Ito ang lumalabas sa mga dokumento, video footage at mga larawang nakalap ng pahayagang ito mula mismo sa inspection report ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa nasabing inspection report, kabilang ang drone footage, malinaw na makikita na ang concrete revetment project ay aktuwal na umiiral sa lugar, taliwas sa alegasyong hindi ito ginawa.…

Read More

AFP @ 90: MATATAG NA SANDIGAN NG BAGONG PILIPINAS

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na personal na mapasalamatan ang kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang magsilbi itong panauhing pandangal sa ika-90 anibersaryo ng AFP sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City. Sa programa, pinasalamatan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Pangulo sa patuloy na paggabay at pamumuno nito sa sandatahang lakas. “Sir, thank you, sir, for your continued guidance and leadership,” ani Brawner. Sinamantala rin ng heneral ang okasyon upang ipahayag ang pasasalamat sa…

Read More

LCSP: BENEPISYO HINDI INTRIGA SA LIBRENG SAKAY SA LGBTQ

PARA sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), mas dapat pagtuunan ng pansin ang benepisyo ng libreng sakay sa iba’t ibang sektor kaysa gawing isyu ang pagsama ng LGBTQ community sa programa. Naging kontrobersyal ang pagsasama ng LGBTQ sa “12 Days of Christmas” libreng sakay sa MRT at LRT, kung saan may ilang nagtatanong kung kailangan bang ideklara ng pasahero ang kanilang SOGIE o magpakita ng patunay. Nilinaw naman ng Department of Transportation (DOTr) na walang kailangang ideklara o ipakitang dokumento—sapat na sabihin ng pasahero na sasakay siya sa…

Read More

Sa gitna ng PhilHealth payment issues HOSPITAL CLAIMS PINALAWIG NG 120 ARAW

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng filing period para sa hospital reimbursement claims hanggang 120 araw, bilang hakbang upang mabawasan ang pagkaantala sa PhilHealth payments at matulungan ang mga health facility na makarekober mula sa mga denied claims. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang na napagpasyahan ang hakbang matapos ang konsultasyon ng Pangulo sa Department of Health (DOH) at PhilHealth, kasunod ng ulat na mahigit P1 bilyon na halaga ng return-to-hospital (RTH) claims at iba…

Read More

TNVS COMMUNITY PH NAGPASALAMAT SA LTFRB MATAPOS PAGBIGYAN SA HILING SA SURGE CUT

MANILA — Nagpasalamat ang TNVS Community Philippines (TCP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos pagbigyan ng ahensya ang kanilang hiling kaugnay ng ipinatutupad na surge pricing cut para sa transport network vehicle services (TNVS). Sa inilabas na pahayag ngayong araw sa pamamagitan ng spokesperson na si Lisza Redulla, sinabi ng TCP na positibong hakbang ang naging desisyon ng LTFRB na i-defer ang implementasyon ng surge pricing cap at magpatupad ng “compensatory adjustment” sa pick-up fares, bilang tugon sa mga alalahanin ng mga TNVS driver lalo na ngayong…

Read More

‘SSS members ginigisa sa sariling mantika’ SOLON BINANATAN EMERGENCY LOAN NI PBBM

(BERNARD TAGUINOD) BINANATAN ni Kamanggagawa party-list Rep. Ei San Fernando ang inanunsyong Emergency Loan Program ng Social Security System (SSS), sabay sabing “niluluto sa sariling mantika” ang mga manggagawang gipit. Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maaari nang umutang ng hanggang P20,000 ang mga kwalipikadong SSS member sa ilalim ng emergency loan na may 7 porsiyentong interes. Dismayado si San Fernando dahil sariling kontribusyon ng mga miyembro ang uutangin ngunit papatawan pa rin ng interes. “Niloloko na naman tayong mga manggagawa. Sabi ng…

Read More

CASHLESS QR PAYMENT INILUNSAD SA PITX

PINANGUNAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katuwang ang Department of Transportation (DoTr), ang paglulunsad ng cashless QR payment sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) bilang bahagi ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Ayon sa BSP, ang paggamit ng scan-to-pay o QR-based system sa Edsa busway ay optional at hindi sapilitan para sa mga commuter. Layunin ng bagong sistema na magbigay ng mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagbabayad, lalo na sa mga pasaherong mas komportable sa modernong transaksyon. Nilinaw ng DoTr na mananatili ang tradisyonal na paraan ng pagbabayad…

Read More