OPISYAL nang sinampahan ng kasong administratibo ang isang police major kaugnay sa umano’y sexual harassment sa isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA). Ayon sa National Police Commission (Napolcom), binuksan nito ang imbestigasyon sa naturang kaso. Nabatid na nitong Biyernes ay sinampahan ng reklamo ng Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ng NAPOLCOM ang police major sa ilalim ng Legal Affairs Service ng ahensya para sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer. Sinasabing ang kinasuhang police major na isang tactical officer sa Philippine National Police Academy…
Read MoreCategory: NASYUNAL
MAG-AMANG BINAY ABSWELTO SA P2.2-B MAKATI PARKING BUILDING
INABSWELTO ng Sandiganbayan ang mag-amang dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay kaugnay ng mga kasong graft, falsification of public documents, at malversation of public funds hinggil sa kontrobersyal na P2.2 bilyong Makati City Parking Building project. Base sa inilabas na desisyon ng Third Division ng anti-graft court, walang sapat na ebidensya ang prosekusyon para patunayan ang kasalanan ng mga akusado “beyond reasonable doubt.” Bukod sa pinawalang-sala, na-lift na rin at kasama sa desisyon ang pag-alis ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga Binay at…
Read MoreNais ipatawag sa Senado COA KASABWAT SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS?
DAPAT ipatawag din sa susunod na pagdinig kaugnay sa mga katiwalian sa flood control projects ang mga opisyal ng Commission on Audit. Ito ang iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa paniniwalang hindi uusbong ang isang “ghost project” kung walang kooperasyon ng COA. Nauna rito, sa privilege speech ni Senador Panfilo Ping Lacson, ibinahagi ang isang pie-sharing, o kung paano kinakatay ang pondo para sa flood control projects na ang 0.5 to 1% ang napupunta sa COA. Iginiit ni Estrada na dapat may ulong gumulong o may managot…
Read MoreHUMIHINGI NG MEDICAL ASSISTANCE SA PCSO NAGMUMUKHANG PULUBI
BUKOD sa parang ginagawang lotto umano ang pagbibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng medical assistance ay nagmumukhang pulubi ang mga humihingi ng tulong para mabawasan ang kanilang hospital bills. Ganito inilarawan ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang pagtulong umano ng PCSO sa mga kababayan na nangangailangan para pambayad ng hospital bills ng kanilang mga kaanak. “Parang ginagawang lotto ang pagkuha ng medical assistance sa PCSO. Bukod sa palaging nagcra-crash ang site, dapat eksaktong 8 AM mag-log in, dahil 8 AM mags-start ang online queue. Not before, not…
Read MoreSOLON NA SABIT SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PWEDENG PATALSIKIN
HINDI mangingiming tanggalin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kongresista na mapatutunayang sangkot sa anomalya sa flood control projects. Ito ang tiniyak ni Manila Rep. Rolando Valeriano sa press conference kahapon dahil hindi umano biro ang mga naungkat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na anomalya sa naturang proyekto na kung hindi substandard ang pagkakagawa ay ghost project pa. “Nagtanggal na ho kami ng isang kasama namin na Congressman. I don’t see any reason kung bakit….kung talagang dapat matanggal why not,” pahayag ni Valeriano na ang tinutukoy ay…
Read MoreMAGALONG MULING BINIRA SA KAMARA
NADAGDAGAN pa ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pumalag kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos nitong sabihin na magiging “moro-moro” lamang ang isasagawang imbestigasyon ng mga ito sa flood control projects. “So ang sinasabi ba ni Mayor Magalong na kung moro-moro ang aming imbestigasyon dito sa Kamara, magkakasabwat kami? Konting ingat sana sa mga akusasyon. Madali magbitaw ng mga salita, pero mahirap ito patunayan,” ani Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. Ayon sa mambabatas, kung talagang may ebidensya si Magalong na may mga congressman na sangkot sa…
Read More4 HVIs NASUKOL NG SPD-DEU
NAGSAGAWA ng buy bust operation ang Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit, sa pakikipag-ugnayan sa Parañaque City Police, na humantong sa pagkakaaresto sa apat na drug suspect, na tinaguriang high-value-individuals (HVIs), at nasamsam ang mahigit P2 milyong halaga ng droga nitong Miyerkoles. Sinabi ng SPD na kinilala ang mga suspek na sina Lex, 29; Yans, 34; Ali, 45; at Giann, 29, isang babae, lahat ay inuri bilang HVI. Naaresto sila dakong alas-4:45 ng hapon sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Paranaque. Sinabi ng pulisya na nagsagawa ng buy…
Read MoreMANDATORY DRUG TESTING TINABLA NG PALASYO
IBINASURA ng Malakanyang ang isinusulong ni Senador Robin Padilla na Senate Bill 1200 o Drug-Free Government Act, pagsasailalim sa taunang mandatory drug testing sa lahat ng mga halal at itinalagang opisyal ng gobyerno kasama ang Pangulo ng bansa. Giit ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, malinaw na paglabag sa “right to privacy” ang panukalang batas at nagbabala na mauuwi lamang sa pagsasayang ng government resources ang gagawin na ito ng senador. “So, ang nais po ni Senator Robin Padilla ay lahat ng public officers? Sana…
Read MoreBAYAW NI PBBM NAGPAPATAKBO NG ONLINE GAMBLING
ISA ang bayaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga operator ng malalaking online gambling sa bansa. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kahapon. Sa interpelasyon ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, inamin ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, na ang Philweb ay dating pag-aari ni Roberto Ongpin subalit ngayon ay pag-aari na ito ni Gregorio Araneta. “Naalala ko po yun kasi pagka-upo ni dating pangulong (Rodrigo) Duterte tinawag niyang oligarch…
Read More