BULKANG MAYON NAGBUGA NG LAVA

BUNSOD ng patuloy na pag-aalboroto ay nagbuga ng lava ang bulkang Mayon, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Pebrero 7, 2026. Sinabi ng Phivolcs na nakataas sa alert level 3 ang paligid ng Bulkang Mayon. Ayon pa sa Phivolcs, bukod sa pagbuga ng lava ay namataan din ang pag-agos ng lava sa bunganga ng bulkan. Nabatid pa sa ulat na naitala rin ang dalawang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan, at 335 beses na pagguho ng bato. Idinagdag pa sa ulat na bukod sa pagyanig…

Read More

DEATH TOLL SA BAGYONG BASYANG: SUMAMPA SA 12

UMABOT na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dulot ng pananalasa ng Tropical Storm Basyang, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD) hanggang alas-6 ng gabi nitong Sabado. Ayon sa OCD, siyam sa mga nasawi ay naitala sa Northern Mindanao (Region 10). Apat sa mga ito ang namatay matapos matabunan ng landslide sa Cagayan de Oro City, habang apat naman ang nasawi sa Lanao del Norte. Isa pang kaso ang patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad. Tatlo naman ang naitalang nasawi sa Caraga Region dahil sa…

Read More

PAGPATAY SA RETIRED COLONEL, IKINABAHALA NG PARTY-LIST SOLON

NABABAHALA si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa brutal na pagpatay sa isang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Matalam, Cotabato kahapon. Ang biktimang si retired Col. Leonardo Songcaya ay ang pangulo ng Cotabato Provincial Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines. Pinamumunuan din ni Songcaya ang Kidama Communal Irrigator’s Association, na nagsusulong ng interes ng mga magsasaka sa Region 12. Ayon pa kay Ordanes sa kabila ng pagiging stroke victim, aktibo at masigasig ang biktima sa pangangalaga sa mga karapatan, kapakanan at…

Read More

5,572 BAGONG ABOGADO, NANUMPA NA

WALANG pagsidlan ng tuwa ang mahigit 5,500 bagong abogado matapos ang kanilang oathtaking at Roll Signing Ceremony na pinangunahan ng Korte Suprema sa Philippine Arena sa Bulacan. Kabuuang 5,572 bagong abogado ang opisyal nang naging bahagi ng Philippine Bar matapos pumasa sa 2025 Bar Examinations. Dumalo sa makasaysayang seremonya ang mga bagong abogado kasama ang kanilang pamilya at mahal sa buhay. Pinangunahan ng En Banc ng Korte Suprema ang naturang programa na ginanap sa isa sa pinakamalaking indoor arena sa bansa. Nagmula ang bilang ng mga nakapasa mula sa 11,425…

Read More

AGRI-EXPORT HELP DESK INILUNSAD NG DA

PORMAL nang inilunsad ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Export Development Office (EDO), ang Agri-Export Help Desk upang palakasin ang suporta sa mga agricultural exporter sa bansa. Inilunsad ang inisyatiba noong Enero 16, 2026 bilang isang one-stop platform na layong pabilisin ang mga serbisyo, palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno, at magbigay ng agarang tulong sa mga stakeholder sa sektor ng agri-export. Ayon sa DA, hindi lamang ito simpleng reporma sa proseso kundi magsisilbing tulay sa pagitan ng pribadong sektor at regulatory agencies ng kagawaran. Layunin…

Read More

53 PULIS SINIBAK NITONG ENERO — PNP

pulis

TINANGGAL sa serbisyo ang 53 pulis nitong Enero bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra katiwalian ng Philippine National Police (PNP). Bukod sa mga sinibak, 88 pulis ang sinuspinde habang 27 naman ang nireprimand, dahilan upang umabot sa 180 personnel ang pinatawan ng disciplinary action sa loob lamang ng isang buwan. Muling iginiit ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mahigpit na zero-tolerance policy laban sa anomang uri ng maling gawain ng mga pulis. Binigyang-diin ni Nartatez na hindi palalampasin ng pamunuan ang mga paglabag upang mapanatili ang…

Read More

TEXT BLAST SYSTEM ITINUTULAK NG DAR-BATANGAS PARA SA MGA MAGSASAKA

MAS mapapabilis na ang pagkuha ng mahahalagang impormasyon ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Batangas sa planong text blast system na binubuo ng Department of Agrarian Reform (DAR). Ayon sa DAR, layunin ng programa na agad maipadala sa mga benepisyaryo ang schedule ng opisina, status ng dokumento, anunsyo at iba pang updates kahit wala silang internet access. Inilatag nina Doc. Geraldine Dimaculangan at Maria Cristina M. Ramos ang panukala kay OIC PARPO II Atty. John Erick M. Sawal kasama sina CARPO–PBDD Ma. Surallah Rabino at ARPO I Ehrlich Sandoval.…

Read More

39 SUNDALO NA NAKALIGTAS SA PAGLUBOG NG BARKO, SUMAILALIM SA TRAUMA DEBRIEFING

SUMAILALIM sa tatlong araw na post-traumatic stress debriefing ang 39 sundalo na nakaligtas sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan malapit sa Baluk-baluk Island sa Basilan. Kinumpirma ng 11th Infantry “Alakdan” Division ng Philippine Army na kabilang sa survivors ang 32 miyembro ng 21st Infantry Battalion. Ayon kay Maj. Gen. Leonardo I. Peña, Commander ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Orion, tumulong pa ang mga sundalo sa ibang pasahero habang nagaganap ang trahedya. “Beyond surviving the ordeal, accounts reveal that the soldiers helped calm fellow passengers…

Read More

RICKY REYES HAIR CLINIC BINUKSAN SA MANDALUYONG

PORMAL nang binuksan ng beauty icon at industry trailblazer na si Ricky Reyes ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa California Garden Square sa Mandaluyong City. Pinangunahan ni Reyes ang grand opening na dinaluhan ng ilang kilalang personalidad kabilang si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Ms. Stephanie Aquino na siyang branch owner at Head ng Ricky Reyes Hair Clinic Franchising Department, Tonette Moreno na Head ng Ricky Reyes Corporation, at si Ritchie Pascual, General Manager ng Megaworld Lifestyle Malls. Nagpakita rin ng matibay na suporta ang lumalawak na franchise…

Read More