2 IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA ‘SUFFICIENT IN SUBSTANCE’

UUSAD na sa presentasyon ng ebidensya ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos ideklara ng House Committee on Justice na “sufficient in substance” ang ikatlo at ikaapat na reklamo. Parehong nakakuha ng 54 boto pabor, isa ang tutol at walang abstention ang reklamong inihain nina Fr. Joel Saballa at Atty. Nathaniel Cabrera. Ang ikatlong reklamo, inendorso ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, ay nakasentro sa umano’y ilegal na paggamit ng P612.5 milyong confidential funds, korapsyon sa Department of Education noong kalihim pa si Duterte, at pagbabanta…

Read More

KAMPANYA VS ‘BASAG-KOTSE’ MAS PINAIGTING NG QCPD

MAS pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGen. Randy Glenn Silvio, ang kampanya laban sa pagnanakaw, partikular ang “basag-kotse” modus operandi, sa pamamagitan ng sustained at focused police operations. Sinabi ng QCPD, mula Enero 2025 hanggang Pebrero 2026, nakapagtala ang QCPD ng kabuuang 20 kaso ng “basag-kotse”. Sa mga ito, 11 kaso ang nalutas, walo ang na-clear, at ang isa ay nananatiling nasa ilalim ng imbestigasyon. Ayon sa QCPD, ang mga pagsisikap na ito ay humantong sa pagkakaaresto sa 10 indibidwal na sangkot sa nasabing ilegal…

Read More

VAT BAWASAN KAYSA EXCISE TAX SUSPENSION SA OIL PRODUCTS

MAS nais ni Senador Imee Marcos na bawasan ang 12% VAT sa produktong petrolyo sa halip na alisin ang excise tax. Ayon sa senadora, mas maliit ang mawawala sa gobyerno kung VAT ang gagalawin kumpara sa excise tax na malaking bahagi ng koleksyon ng estado. Iminungkahi rin niya ang paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng langis at pagpasok sa mas stable at long-term contracts sa regional partners. Gayundin, dapat anyang gamitin ang pagiging chairman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kung saan miyembro ang ilang oil producing countries tulad…

Read More

AFP sa publiko: kalma lang MISSILE NG IRAN ‘DI KAYANG UMABOT SA PILIPINAS

PINAWI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba ng publiko kaugnay sa kumakalat na haka-hakang posibleng targetin ng Iran ang Pilipinas, partikular ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site. Ayon sa pamunuan ng AFP, walang anomang credible threat o intelihensiyang impormasyon na nagsasabing may bantang pag-atake laban sa bansa. Iginiit ng Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea na si Roy Vincent Trinidad na ang sigalot sa Gitnang Silangan ay isang regional conflict at walang direktang kinalaman ang Pilipinas dito. Ipinaliwanag ni Trinidad na ang pinakamalakas na…

Read More

P1.8-B SIGARILYO, P760-M DROGA NASAMSAM NG BOC

UMABOT sa P1.8 bilyong halaga ng ilegal na sigarilyo at P760 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Bureau of Customs sa kanilang pinaigting na pambansang kampanya laban sa smuggling, ayon sa inilabas na ulat ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Nabatid na nakatutok ngayon ang anti-smuggling operation ng BOC sa ilegal na sigarilyo at ipinagbabawal na droga. Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng P1.8 bilyong halaga ng smuggled cigarettes at mga materyales sa paggawa ng sigarilyo, at P760 milyong halaga ng mapanganib na droga kasunod ng ikinasa nilang…

Read More

5 PRIORITY DRUG PERSONALITIES NADAKIP NG PDEA

LIMANG itinuturing na priority drug personalities ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Surigao City. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 13 (PDEA RO 13), nadakip ang limang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagsamsam sa P420,000 halaga ng hinihinalang shabu. Ayon kay PDEA RO 13 Director Laurefel Lawin Gabales, naglunsad ng joint anti-illegal drug operation sa pangunguna ng Surigao del Norte Provincial Office…

Read More

ANTI ROAD RAGE ACT, INIHAIN NI SANDRO MARCOS SA KAMARA

BILANG proteksyon sa mga motorista laban sa mga siga-siga sa daan, inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang House Bill No. 8190 o “Anti Road Rage Act.” Layunin ng panukala na gawing criminal offense ang road rage at magpataw ng mabigat na parusa sa sinomang mapatutunayang nagkasala. Ayon kay Marcos, kailangang malinaw ang depinisyon ng road rage at hindi ito dapat ituring na simpleng away-trapiko kung ito ay naglalagay sa panganib sa buhay, ari-arian at kaligtasan ng iba. Sa ilalim ng panukala, ang road rage…

Read More

PNP NAKAALERTO SA POSIBLENG ‘SPILLOVER EFFECTS’ NG GIYERA SA ME

NAKAALERTO ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng spillover effects sa bansa ng nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan. Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang PNP Intelligence Group na paigtingin ang pagmamanman sa extremist narratives at online radicalization. Bagamat wala pang namo-monitor na direktang banta kaugnay ng sigalot sa Middle East, mahigpit umanong binabantayan ng PNP ang anomang development na maaaring makaapekto sa internal security ng bansa. Patuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa Armed Forces of the Philippines at iba pang…

Read More

PAGLILINAW NG NSC, DND, AFP: EDCA SITES HINDI US MILITARY FACILITIES

AGAD nilinaw ng National Security Council (NSC) at Department of National Defense (DND) na hindi military facilities ng Estados Unidos ang mga EDCA sites kaya hindi ito target ng anomang retaliatory attack ng Iran. Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, nananatiling nakapokus ang kasalukuyang hostilidad sa Gitnang Silangan at walang kredibleng direktang banta sa Pilipinas o sa mga pasilidad nito. Binigyang-diin niyang ang Pilipinas ay hindi bahagi ng naturang teatro ng digmaan. Dagdag pa niya, ang mga pag-atake ng Iran ay nakatuon sa mga pasilidad ng Estados Unidos sa mga…

Read More