NDRRMC NAKA-BLUE ALERT DAHIL KAY BASYANG; BIYAHE SA HIMPAPAWID AT DAGAT APEKTADO

ITINAAS sa blue alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng ahensyang sakop nito upang tiyakin ang kahandaan ng pamahalaan sa pananalasa ng Bagyong Basyang. Nagbabala rin ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga local government units at residente sa flood at landslide-prone areas na maging alerto at maghanda sa posibleng paglikas. Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo, naka-standby na ang buong response cluster ng pamahalaan upang matiyak ang mabilis at organisadong pagtugon sa anumang emergency. Nagsagawa na rin ng pre-disaster risk assessment…

Read More

PBBM PINATATAG ANG INTERNET CONNECTIVITY; ITINUTULAK REPORMA SA TELECOM

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na reporma ng pamahalaan upang mapabilis at mapababa ang gastos sa internet services sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Philippine Telecommunications Summit 2026 sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na patuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa Department of Information and Communications Technology upang palawakin ang digital connectivity sa buong bansa. Kabilang sa binigyang-diin ng Pangulo ang pagpasa ng Konektadong Pinoy Act na nagtanggal ng ilang hadlang sa industriya at nagbukas ng mas malawak na partisipasyon ng mga provider. Sa ilalim ng batas,…

Read More

BAGONG CHINESE AMBA SUMILIP SA NBI

BUMISITA sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bagong talagang Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Ambassador Jing Quan. Nakipagpulong si Jing kay NBI Acting Director Angelito Magno kung saan tinalakay ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa laban sa transnational crimes. Ayon sa Chinese Embassy, napagkasunduan nina Jing at Magno na panatilihin ang maigting na komunikasyon at koordinasyon ng China at Pilipinas sa pagsugpo ng iba’t ibang krimen na lumalagpas sa hangganan ng mga bansa. Napag-usapan din ang pagbibigay ng mas maginhawa at episyenteng serbisyo sa mga…

Read More

1,200% TAAS-GARBAGE FEE SA MAYNILA IDINULOG SA SUPREME COURT

HINDI residente ng Maynila kundi isang guro mula Pasay ang dumulog sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang matinding pagtaas ng garbage fee sa lungsod na pinamumunuan ni Manila Mayor Isko Moreno. Sa petisyong inihain ni Barry Tayam, hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng temporary restraining order (TRO) upang ipatigil ang pagpapatupad ng mas mataas na singil sa basura. Nais din ng petitioner na ideklarang null and void o ipawalang-bisa ang Manila City Ordinance No. 9151 dahil umano sa pagiging iligal at labag sa Konstitusyon. Hiniling din ni Tayam…

Read More

SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA IBA’T IBANG LUGAR IDINEKLARA NGAYONG PEBRERO

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga special non-working holiday sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Pebrero upang ganap na makalahok ang mga residente sa pagdiriwang ng mga lokal na pista at anibersaryo. Sa ilalim ng Proclamation No. 1145, idineklara ang Pebrero 26, 2026 bilang special non-working holiday sa Buug, Zamboanga Sibugay para sa pagdiriwang ng Founding Anniversary at BOG Festival nito. Narito ang iba pang mga idineklarang local special non-working holidays para sa buwan ng Pebrero: Pebrero 2, 2026 – Lalawigan ng Ilocos Norte, ika-208 Founding…

Read More

MALAKANYANG IKINATUWA PAGBASURA SA 2 IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY PBBM

IKINATUWA ng Malacañang ang naging deklarasyon ng House committee on Justice na “insufficient in substance” ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa panayam, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na masaya ang Palasyo dahil nasunod ang tamang proseso. “Nagpapasalamat po tayo na nakita po ng mga mambabatas kung ano po talaga ang katotohanan. Lagi po tayong panig sa katotohanan, at nakita po natin na wala naman talagang merito ang mga nasabing complaint. Maging ang Pangulo ay kumpiyansa…

Read More

P69.8-M ALLOWANCES NG MANILA TEACHERS, ILALABAS NA

ILALABAS na ngayong linggo ang P69.8 milyong allowances para sa 11,633 pampublikong guro ng Maynila sa ilalim ng Schools Division Office (SDO), na sasaklaw sa Oktubre hanggang Disyembre 2025. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ilalabas ang naturang pondo kasabay ng P9.68 milyong ayuda para sa 6,452 Grade 12 students, kaya aabot sa P79.48 milyon ang kabuuang SDO-related releases para sa huling kwarter ng 2025. Magpapalabas din ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng P26.03 milyon para sa 8,675 estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at P11.10 milyon…

Read More

PBBM: ASEAN 2026 DAPAT MAY BENEPISYO SA PINOY

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang inter-agency meeting sa Malacañang noong Lunes upang repasuhin ang paghahanda ng bansa para sa pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit and Related Summits. Tinalakay sa pulong ang mga prayoridad na plano ng pamahalaan na nakatuon sa paglikha ng trabaho, suporta sa maliliit na negosyo, pagpapabuti ng digital services, at pagpapalakas ng people-centered programs. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ganap nang handa ang Pilipinas na gampanan ang papel bilang ASEAN Chair. Iginiit din ng…

Read More

ILANG KABAHAYAN NASUNOG SA LAS PIÑAS

NILAMON ng apoy ang ilang kabahayan sa Balete St., Barangay Ilaya, Las Piñas City kahapon ng hapon. Ayon sa Bureau of Fire Protection–Las Piñas, bandang alas-2:05 ng hapon nagsimula ang sunog sa isang residential house na yari sa kahoy at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero, idineklara ang sunog na fire under control dakong alas-4:49 ng hapon. Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog. Ayon sa ilang residente, nakaamoy umano sila ng nasusunog…

Read More