INANUNSYO ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang ilang kalsada na pansamantalang isasara at re-routing ng mga sasakyan upang mapanatili ang kaayusan sa paggunita sa Undas 2025. Ayon sa MTPB, isasara ang nabanggit na mga kalsada alas-10:00 ng gabi ng Oktubre 30, 2025 hanggang alas-7:00 ng gabi ng Nobyembre 3, 2005. Kabilang sa mga isasara ang kahabaan ng Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang Aurora Blvd.; kahabaan ng Dimasalang mula Retiro St. hanggang Calavite St.; kahabaan ng Maceda mula Makiling St. hanggang Dimasalang St.; Southbound Lane ng Dimasalang Bridge;…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
BI KASADO NA SA PAGDAGSA NG PASAHERO SA NAIA
KASADO na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang airport personnel sa international airports partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas o long weekend. Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, full force ang deployment ng augmentation team para matiyak na sapat ang kanilang mga tauhan sa lahat ng counters at mabilis ang serbisyo sa mga pasahero. Asahan naman aniya na aabot sa higit 50,000 ang daily departures na mas mataas kumpara sa nakaraang taon. Paliwanag ng BI, tumaas…
Read MoreNAGLALAMYERDANG ROLLS ROYCE HINDI SA DISCAYA COUPLE
AGAD pinabulaanan ng Bureau of Customs (BOC) na pag-aari ng mag-asawang contractor na sangkot sa DPWH projects scandal, ang nakitang Rolls Royce na naglalamyerda sa Metro Manila na mabilis na kumalat sa social media. Kasabay nito, nilinaw ng pamunuan ng BOC na nananatili sa kanilang kustodiya ang mga mamahaling sasakyan ng Discaya couple taliwas sa lumabas sa isang social media post na nagsasabing nakita umano sa Metro Manila na minamaneho ang isa sa luxury cars ng mga Discaya. Nilinaw ng BOC sa inilabas nilang pahayag, ang Rolls-Royce na ipinakita sa isang…
Read MorePASYENTE SA OSPITAL SINILBIHAN NG 7 ARREST WARRANTS
SUMUGOD sa isang kilalang ospital ang mga operatiba ng Maragondon Municipal Police Station (MMPS) upang isilbi ang pitong warrant of arrest sa isang lalaking top 2 most wanted person, regional level, sa Diliman, Quezon City noong Martes ng umaga. Bitbit ang pitong warrant of arrests na inisyu nina Presiding Judge Ralph S. Arellano, ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 132, Naic, Cavite; Presiding Judge Ruben E. Sevillano Jr., ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 15, Naic, Cavite; at Presiding Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5,…
Read MoreTAX AMNESTY, 20% DISCOUNT SA AMILYAR SAMANTALAHIN – ISKO
HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga negosyante at may-ari ng lupa na samantalahin ang General Tax Amnesty ng lungsod at ang 20% diskwento sa maagang pagbabayad ng amilyar bago mag-Disyembre 10. Ayon kay Moreno, layunin ng amnesty program na tulungan ang mga taxpayer na malinis ang kanilang rekord habang nakatutulong sa fiscal recovery ng lungsod. Batay sa datos, umabot na sa P266 milyon ang nakolektang buwis mula nang ipatupad ang programa, kung saan nakatipid ang mga nag-avail ng halos P113 milyon sa multa at interes. Ipinaalala ng…
Read MoreQUO WARRANTO VS TULFO HIHIMAYIN SA NOBYEMBRE
SISIMULAN na ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa susunod na buwan ang pagdinig sa quo warranto petition laban kay Senador Erwin Tulfo kaugnay sa isyu ng kanyang citizenship. Kinumpirma ito ni Senador Kiko Pangilinan, miyembro ng SET, habang tiniyak naman ni Tulfo na handa siyang harapin ang kaso na inihain ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluña Causing. Ayon kay Tulfo, apat na beses nang naghain si Causing ng disqualification case laban sa kanya sa COMELEC ngunit lahat ay naibasura. Maging ang tangkang pagpigil sa kanyang proklamasyon ay ibinasura rin…
Read MorePANUKALANG PONDO NG SENADO SA SUSUNOD NA TAON, BUMABA NG HALOS KALAHATI
HALOS 50 porsyento ang ibinaba ng budget ng Senado para sa susunod na taon kumpara sa pondo nilang ngayong 2025. Ang pondo ngayong 2025 ng Senado ay umaabot sa P13.93 billion habang para sa susunod na taon ay ipinapanukala ito sa P7.52 billion. Sa pagtalakay sa panukalang pondo sa Senado, sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na ang orihinal na hiniling ng Senado na pondo para sa susunod na taon ay P9.67 billion subalit binawasan ito ng DBM ng P2.1 billion. Tiniyak naman ni Senate Committee on Finance chairman…
Read MoreMARCOS: ‘NATURE RESERVE’ SA PANATAG SHOAL ILLEGAL
LABAG sa Soberanya ng Pilipinas ang planong pagtatayo ng nature reserve sa Bajo de Masinloc, tinatawag din na Panatag Shoal o Scarborough Shoal, ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa 13th ASEAN–US Summit, hindi man tuwirang binanggit ng Pangulo ang China, malinaw ang kanyang pahayag laban sa pagtatangkang ito na aniya’y sumasagasa sa karapatan ng mga mangingisdang Pilipino at tahasang lumalabag sa international law. “The attempt of some actors to establish the so-called ‘nature reserve’ status over Bajo de Masinloc… clearly violates not only Philippine sovereignty, but also…
Read More‘BIYAHENG ARANGKADA’ IPATUTUPAD SA UNDAS
MULING isinaaktibo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang “Biyaheng Arangkada” Motorists Assistance Program nito para matiyak ang ligtas at maginhawang paglalakbay sa darating na Undas. Sa inaasahang pagtaas ng trapiko sa NLEX, SCTEX, NLEX Connector, CALAX, CAVITEX, at CCLEX, ang MPTC ay paiigtingin ang mga operasyon sa pamamagitan ng pagtaas ng deployment ng mga tauhan, 24/7 na pagsubaybay sa trapiko, at mabilis na pagtugon na mga koponan. Ang free towing naman para sa Class 1 at Class 1M sa CCLEX na mga sasakyan patungo sa pinakamalapit na labasan ay…
Read More