Lovi Poe at American actor Johnny Simmons, mga maincast sa Bad Man 2025 na isang American action comedy film. MALAKING tagumpay para sa Pinoy talent ang nakamit ni Lovi Poe matapos makasama sa Hollywood action-comedy film na Bad Man kasama ang international actor na si Seann William Scott. Ginampanan ni Poe ang karakter na si Izzy, ang babaeng bida na nagbigay ng puso, saya, at kilig sa pelikula, at nagkaroon ng love story kay Deputy Sam Evans na ginampanan ni Johnny Simmons. “It’s honestly a dream come true to be…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
huliP.3-M SHABU, MARIJUANA, BARIL NASAMSAM SA 2 HVIs
CAVITE – Halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu, marijuana, at baril ang nasamsam sa nadakip na dalawang hinihinalang tulak na kapwa nasa listahan ng high value individuals (HVI) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw. Hawak na ng Imus Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Cris” at “Joel” na kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit…
Read More2 INDIBIDWAL SUGATAN SA PAMAMARIL
SUGATAN ang dalawang indibidwal makaraang pagbabarilin habang sa nakaupo sa bangketa sa Maria Natividad Street, Barangay 346, Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Christian Morales, 20, habang si Juanito Buenaflor Jr., 23, ay dinala sa Chinese General Hospital. Kinilala ng dalawang testigo sa krimen, ang mga suspek na sina “Adam”, 26, residente ng Caloocan City, at “Bigti”, 23, ng Sta. Cruz, Manila, kasalukuyang tinutugis ng mga operatiba ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District. Ayon kay Police…
Read MoreTERRORIST SPOKESMAN, 17 IBA PA SUMUKO SA MILITAR
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Labingwalong mga lokal na terorista kabilang ang kanilang tagapagsalita, ang nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan bitbit ang kanilang mga sandata sa Maguindanao del Sur. Ayon sa Army 6th Infantry Division, kusang-loob ang pagbalik-loob sa pamahalaan ng 18 former rebels dala ang iba’t ibang uri ng high powered firearms, sa himpilan ng 92nd Infantry Battalion sa Brgy. Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Iprinisenta ni Lt. Col. Christian V. Cabading, Commanding Officer ng 92IB, ang mga nagbalik-loob kay Brigadier General Vladimir R. Cagara, Commander…
Read MoreNAWAWALANG MAG-ASAWANG NEGOSYANTE TINUTUTUKAN NG PAOCC AT PNP-CIDG
PATULOY na pinaghahanap ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nawawalang mag-asawang negosyante. Nag-alok na rin ang PAOCC ng P300,000 reward para sa sinomang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungo sa kinaroroonan ng business couple. Nabatid na may dalawang buwang nang pinaghahanap ang mag-asawa mula nang iniulat silang nawawala. Huling nakita umano ang mag-asawa sa CCTV noong Hulyo 6, kasama ang kanilang business partner na umalis sa kanilang condo sa Taguig City. Nakita silang sakay ng SUV subalit natagpuan…
Read MoreMGA PARING SUPPORTER NI TORRE SUMUGOD SA CRAME
NAGTIPON kahapon bago magtanghali sa harap ng Gate 2 ng Camp Crame ang grupo ng mga pari mula sa Clergy for Good Governance upang iparating ang kanilang liham ng suporta kay dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III. Bitbit nina Rev. Fr. Robert Reyes, convenor ng grupo, ang liham na pumupuri kay Torre sa kanyang katapatan at paninindigan para sa katarungan, kabilang na ang kanyang papel sa pag-aresto kina Apollo Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kasabay nito ay nanawagan din si Reyes sa sambayanan na makiisa sa panawagan ng…
Read MoreCSC CHAIRPERSON KINASTIGO SA PAGKA-CASINO NG ILANG TAGA-GOBYERNO
DISMAYADO si Senate Minority Leader Vicente Tito Sotto III kay Civil Service Commission Chairperson Marlyn Barua-Yap makaraang igiit na wala pang batas na nagbabawal sa mga kawani ng pamahalaan sa online gambling o sa mga land based gambling o kahit sa casino matapos ang office hours. May kaugnayan ito sa mga nabunyag na pagka-casino ng ilang district engineers at empleyado ng Department of Public Works and Highways at nagpapatalo ng milyong-milyong piso. Binanggit ni Sotto ang pahayag ni Barua-Yap sa pagdinig ng Kamara na ang pagbabawal ay makikita lamang anya…
Read MoreP476-M CRYSTAL METH NASABAT NG BOC
BIGONG maipuslit ng hinihinalang international drug syndicate ang nasa P476 milyong halaga ng crystal meth, nang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Intelligence Group, ang tatlong balikbayan boxes na pinaglalagyan ng shabu shipment sa isang courier warehouse sa Vitas, Tondo, Manila. Ayon kay Custom Commissioner Ariel Nepomuceno, nasa 70 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P476 milyon, ang nadiskubre ng kanyang alertong mga tauhan. Sa ginanap na media briefing, ang kontrabando na binubuo ng 70 pakete ng shabu ay isinilid sa balikbayan boxes na…
Read MorePROYEKTONG PATAY NA BINUHAY, NADISKUBRE SA BULACAN
PERSONAL na ininspeksyon nitong Huwebes ng umaga ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vivencio Dizon ang isang flood control project na river dike sa Barangay Sipat, Plaridel, Bulacan na kabilang sa maanomalyang proyekto o ghost project sa nasabing lalawigan. Ayon kay Dizon, ang nasabing proyekto na river dike ay flood control project na aniya’y ‘patay na at pinipilit pang buhayin’. Sa isinagawang inspeksyon sa ginawang dike sa gilid ng Angat River na malapit sa Angat River Bridge ng North Luzon Expressway (NLEX), natuklasan ng kalihim na isa…
Read More