P8-B FIREARM PURCHASE NG DILG-PNP IIMBESTIGAHAN NG KAMARA

IIMBESTIGAHAN ng Kamara ang resolusyon ng DILG at PNP para bumili ng P8 bilyong baril kahit wala sa pondo. Plano ng House committee on public order and safety na silipin ang kontrobersyal na resolusyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng planong pagbili ng P8 bilyong halaga ng baril kahit wala itong pondo. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, chairman ng National Unity Party (NUP), na hiniling ng kanilang grupo kay Manila Rep. Rolando Valeriano,…

Read More

2026 NEP PINABABALIK SA DBM

IPINABABALIK ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM) matapos lumutang ang mga kwestiyonableng alokasyon, hindi lamang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni National Unity Party (NUP) chairman at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno na nagpasya silang irekomenda ang pagbabalik ng NEP, kasama ang mga lider mula sa Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC) at iba pang…

Read More

DISCAYAS HAHARAPIN MGA IMBESTIGASYON – ABOGADO

NAKAHANDA ang pamilya Discaya na harapin ang lahat ng imbestigasyon na isinasagawa ngayon kaugnay sa mga kontrobersya sa flood control projects. Sa pulong balitaan, tiniyak ni Atty. Cornelio Samaniego lll, tagapagsalita ng pamilya Discaya, buo ang kanilang kooperasyon lalo pa’t walang itinatago ang kanyang kliyente. Ayon pa kay Atty. Samaniego lll, patunay rito ang pagdalo ng kanyang kliyente sa mga pagdinig ng Senado maging ang pagprisinta sa luxury vehicles na hinahanap ng Bureau of Customs. Nakalulungkot lang umano na sa labing limang mga kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos,…

Read More

P476-M DROGA SA BALIKBAYAN BOX, NASABAT SA TONDO WAREHOUSE

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang halos kalahating bilyong halaga ng umano’y shabu na nakasilid sa balikbayan box na aabot sa halos P476 milyon ang halaga. Ayon sa BOC, may timbang na 70 kilo ang hinihinalang shabu na nasabat sa isang bodega ng LBC sa Manila Multi-Purpose Terminal sa Vitas, Tondo, Manila. Inihalo ang ilegal na droga sa ibang mga produkto at kagamitan na nagmula pa sa Long Beach California. Ang nasabing shipment ay naka-consign sa isang tirahan sa Bacoor, Cavite. Nagbabala naman si Customs Commissioner…

Read More

RISA HINDI BET MAGING PRESIDENTE NG 98% PINOY

LAGAPAK na naman si Senadora Risa Hontiveros sa bagong survey ng Tangere sa karera sa pagka-presidente sa 2028 elections. Nakakuha lang si Hontiveros ng 2 percent rating sa survey na ginawa mula Agosto 27 to 30 at sinalihan ng 1,400 respondents. Ibig sabihin, ayaw siya ng 98 porsiyento ng mga Pilipino bilang presidente. Naungusan pa si Hontiveros ni House Speaker Martin Romualdez, na nakakuha ng 3 porsiyento. Nanguna sa survey si Vice President Sara Duterte, na may 36 percent, habang pangalawa si Pasig City Mayor Vico Sotto na may 34…

Read More

GOMA NAG-SORRY SA MEDIA

MATAPOS kondehin ng mga mamamahayag sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa kanyang alegasyon na ‘media spin” ang pagtatanong sa kanya hinggil sa nasirang flood control projects sa Matag-og Leyte, pormal na humingi ng paumanhin si Leyte Rep. Richard Gomez. Kasabay nito, binura ni Gomez ang kanyang post at maging ang screenshot conversation sa mga kagawad ng media na humingi ng kanyang reaksyon sa pahayag ni Matag-og, Leyte Mayor Bernie Tacoy na agad nasira ang flood control projects na ipinagawa ng mambabatas. “To the members of the press who took…

Read More

PLANTASYON NG MARIJUANA SINUNOG NG PDEA

ILOCOS SUR – Milyong pisong halaga ng marijuana plants ang winasak ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang serye ng marijuana eradication sa Barangay Licungan sa bayan ng Sugpon sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, naglunsad ng marijuana destruction ang kanyang mga tauhan mula sa pinagsanib na operasyon ng PDEA Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I – ISPO), Sugpon Police Station, at Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit…

Read More

Ayon sa NTF-ELCAC CORRUPTION OF THE MIND, PINAKAPELIGROSONG URI NG KORUPSYON

BABALA ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang pinakamapanganib na uri ng korupsyon ay hindi lamang pagnanakaw sa kaban ng bayan kundi maging ang paglason at pagsira sa kaisipan ng sambayanang Pilipino. Noon pa pinatunayan na ng mga dating rebelde at maging ng mga kabataan na ang korupsyon sa burukrasya ang pangunahing dahilan kung bakit nahahalukay ang kanilang galit at magbitbit ng armas, ayon sa NTF-ELCAC. Sabi pa ng ahensya, inilantad din nila kung paano ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front…

Read More

GOMA KINONDENA NG HOUSE MEDIA

MARIING kinondena ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez dahil sa kanyang mapanirang pahayag laban sa media na nagtangkang kunin ang kanyang panig kaugnay ng mga flood control project sa kanilang lalawigan na gumuho kahit bago pa lamang ipinatayo. “We, members of the media covering the House of Representatives, collectively denounce the baseless and spiteful utterances from Rep. Richard Gomez imputing impropriety in the actions of a number of our colleagues who tried to get his side on a matter…

Read More