‘GURONG TULAK’ HULI SA BUY-BUST

NEGROS OCCIDENTAL – Isang guro na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation sa Sitio Tap-ok, Boulevard, Brgy. Enclaro, sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan. Itinuturing na isang high value target ang nadakip na drug personality na kinilalang si alyas “Joffel”, 42, guro, binata, at residente ng nasabing lugar. Matapos ang inilatag ng intelligence operation ay ikinasa ang buy-bust operation laban sa target personality dakong alas-11:44 umaga nitong Lunes. Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO NIR-Regional Special…

Read More

KAPAYAPAAN NG BANSA RESPONSIBILIDAD NG LAHAT NG PINOY – OPAPRU

PINANGUNAHAN ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang paggunita sa ika-21 anibersaryo ng pag-obserba sa National Peace Consciousness Month 2025 ngayong Setyembre. Ang tema ngayong Peace Month ay “Mapayapang Bukas, Abot-Kamay sa Bagong Pilipinas”, bilang pagkilala sa nakamit na kapayapaan at pagdiriwang ng hinaharap na puno ng kapayapaan, pagkakaisa at respeto. Sa pangunguna ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., pina-alingawngaw ang kampana ng kapayapaan (peace bell) bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Peace Month nitong Lunes, Setyembre 1. Dito ay hinikayat ni Sec.…

Read More

NABAKANTENG UPUAN NG DUTERTE YOUTH PARTY-LIST PUPUNUAN

MAGSASAGAWA ng magpupulong ang Commission on Elections (Comelec) en banc para desisyunan kung sino ang papalit sa nabakanteng upuan ng Duterte Youth Party-list. Ito ay para talakayin ng Law Department at Supervisory Committee ng Comelec kung sino ang hahalili sa posisyon sakaling maging final and executory ang nasabing desisyon na kinakailangan bago maiproklama ng National Board of Canvassers. Matatandaang kinansela ng en banc ang registration ng nasabing party-list dahil sa mga kakulangan sa publication at hearing na kinakailangang proseso para sa accreditation ng isang party-list. Nilinaw ng Comelec na kailangan…

Read More

ABANTE NIRESBAKAN NI TIANGCO

NIRESBAKAN ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., dahil sa pagkakalat umano nito ng fake news para idepensa ang small committee sa 2022 House-General Appropriations Bill (HGAB) na pinamunuan ni dating Appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. “Nakakalungkot na kailangan pang magpakalat ng fake news si Cong. Abante para lang ipagtanggol ang small committee na tumalakay sa 2025 HGAB na pinamunuan ni Cong Zaldy Co,” ani Tiangco. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tila kinukuwestiyon ni Abante kung bakit ngayon lamang niya hinahanap…

Read More

CHUA, MORENO TINAPOS NA HIDWAANG PULITIKAL

NAGKABATI na sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pulitika. Naganap ang pagkikita nitong Sabado ng hapon sa opisina ng alkalde, kung saan tumagal ng higit isang oras ang usapan. Isang kaibigan ng dalawa ang nagsilbing tagapamagitan upang maisakatuparan ang reconciliation meeting. Dumating si Chua kasama ang kanilang common friend at nadatnan sina Rep. Irwin Tieng at Rep. Ernix Dionisio. Ayon sa mga nakasaksi, naging maayos ang pagpupulong at nagkamayan sina Chua at Moreno, na…

Read More

LALAKI IGINAPOS, PINATAY SA HOTEL SA CUBAO; 2 SUSPEK ARESTADO

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 38-anyos na lalaki na iginapos sa loob ng isang hotel sa Cubao, Quezon City noong Huwebes ng gabi, Agosto 28, 2025. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Sisenando, binata at residente ng Concepcion, Marikina City. Ayon sa ulat, alas-8:12 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Sisenando sa Room 310 ng CLIXS Hotel sa Annapolis Street, Barangay E. Rodriguez. Regular umanong kostumer ng hotel ang biktima at dumating ito noong Agosto 27 dakong alas-7:30…

Read More

2 VIETNAMESE NAGPANGGAP NA DOKTOR, HULI SA CIDG

KALABOSO ang dalawang Vietnamese national makaraang nagpapanggap na mga lisensyadong doktor sa Parañaque City. Kinilala ang mga suspek na sina “Thao Anh”, 31-anyos, babae, at “Dong Xuan”, 29-anyos, lalaki, pawang Vietnamese nationals, at nahuli sa aktong nagsasagawa ng medical examinations. Ayon sa ulat, nagpapanggap ang mga suspek na mga doktor at nag-i-inject ng substances, nagbibigay ng gamot, at nagsasagawa ng whitening treatment nang walang awtorisasyon mula sa Professional Regulation Commission at Philippine Medical Association. Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang vials ng kemikal, mga kahon ng syringes, samu’t saring…

Read More

JUNIOR HIGH SCHOOL ISASAMA SA GOVERNMENT INTERNSHIP PROGRAM

PALALAWAKIN ang benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan isasama ang junior high school students, ayon sa opisyal ng Bureau of Local Employment (BLE) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni BLE officer-in-charge Assistant Secretary Patrick Patriwirawan, ang internship ay pinalawig ng hanggang isang taon. Sa ngayon, sinabi ng opisyal na patuloy na ipinatutupad ng kanilang tanggapan ang GIP kung saan sa mga bagong tampok, pinalawig ang implementasyon ng mga benepisyaryo ng hanggang isang taon at maging ang junior high school na mga mag-aaral, na…

Read More

PAHAYAG UKOL SHOOTING INCIDENT SA DASMARIÑAS, CAVITE

Mariin naming kinokondena ang naganap na insidente ng umano’y road rage sa Salitran, Dasmariñas, Cavite na nagresulta sa pagkasawi ng isang empleyado ng Meralco. Lubos kaming nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng aming kasamahan na nagserbisyo sa Meralco sa loob ng 21 taon. Kasalukuyan na rin kaming nakikipag-ugnayan para ibigay ang mga kinakailangang tulong at suporta sa kanyang pamilya sa gitna ng trahedyang ito. Kasalukuyan ring nagsasagawa ng manhunt ang kapulisan sa natukoy na suspect na bumaril sa aming empleyado. Bagama’t tinitingnan pa ang lahat ng posibleng anggulo…

Read More