MANILA LGU BINAGO POLISIYA SA HEALTH CERTIFICATES

MAY bisa na ang bawat health certificate ng isang taon mula sa pagkuha nito, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Ito’y matapos na aprubahan ng Manila City Local Health Board ang nasabing patakaran para sa kapakanan ng mga nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho. Nabatid na naging isyu ito sa ilang mga fast food company kung saan ang mga nakukuha nilang empleyado sa kalagitnaan ng taon ay nagkaka-problema sa health certificate. Ito’y dahil ang expiration ng health certificate ay tuwing kada Disyembre 31. Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan…

Read More

2 ‘JUMPER BOYS’ BINITBIT NG MPD

INIHARAP ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang ‘jumper boys’ sa viral video sa social media matapos silang maaresto sa follow-up operation ng MPD Station 1 sa pamumuno ni PLt.Col.Ronald De Leon. (ITOH SON) MAKARAANG mag-viral sa social media ang pagnanakaw ng tinaguriang “Jumper boys” sa isang truck sa Road 10, natunton at nadakip ang dalawa sa mga ito habang nagsusugal ng cara y cruz sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni Manila Police District Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, ang nadakip…

Read More

Sa kabila ng waiver of appearance MISSING SABUNGEROS WHISTLEBLOWER DUMALO SA PAGDINIG

SA kabila ng pagkakaroon ng waiver of appearance, dumalo sa pagdinig sa Manila Regional Trial Court si missing sabungeros whistleblower Julie Patidongan, kasama ang kanyang legal team. Personal na dumalo sa pagdinig ng Manila Regional Trial Court Branch 185 noong Miyerkoles ng hapon si Patidongan kahit may waiver of appearance ito para sa pagdinig sa nakahain na seven counts ng kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban sa kanya at sa limang iba pa. Kaugnay ito sa umano’y pagkawala ng ilang sabungero noong Enero 13, 2022, na sinasabing kinasasangkutan…

Read More

DND AT ICRC NAGHARAP PARA SA HIGH LEVEL DIALOGUE

NAGHARAP sina Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. at Ms. Mirjana Spoljaric, presidente ng International Committee of the Red Cross (ICRC), para sa isang high level dialogue bago ito nakipagkita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang. Layunin ng courtesy call ni Ms. Mirjana Spoljaric sa pagbisita nito sa Pilipinas na mas mapalalim pa ang kanilang high-level humanitarian dialogue sa pagitan ng ICRC at ng Philippine government, at pagtibayin ang kanilang shared commitment sa pagtugon sa namumuong humanitarian challenges sa bansa. Inihayag naman ni Secretary Teodoro ang pagkilala ng Tanggulang…

Read More

85 TAUHAN IKAKALAT NG MMDA SA 14TH WORLDSKILLS ASEAN MANILA 2025

NAGPALABAS ng paalala ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng pagbibigat ng trapiko sa Pasay City kaugnay ng idaraos na 14th WorldSkills ASEAN Manila 2025 mula Agosto 25 hanggang Agosto 30. Gaganapin ang mga pangunahing aktibidad sa mga itinakdang lugar at petsa. Sa Agosto 25 ang pagbubukas sa Mariott Grand Ballroom; sa Agosto 26 hanggang 28 ang main competition sa World Trade Center; Agosto 30 ang closing ceremony sa SMX Convention Center. Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga kalahok, guro, mag aaral, mga opisyal ng pamahalaan at…

Read More

Ramdam sa Metro Manila MAGNITUDE 5.1 EARTHQUAKE YUMANIG SA BATANGAS

ILANG aftershocks na ang naramdaman kasunod ng magnitude 5.1 earthquake na yumanig sa Batangas at naramdaman hanggang Metro Manila nitong Miyerkules ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, inaasahan na posibleng magkaroon ng aftershocks at mga pinsala bunsod ng lindol na tumama sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa ulat ng Phivolcs na ipinarating sa Office of Civil Defense nitong Miyerkoles ng umaga, may 14 aftershocks na ang naitala subalit mahihina lamang umano ang mga ito. Natukoy ang epicenter ng lindol may dalawang kilometro sa hilagang Silangan ng…

Read More

PH WALA PANG NATANGGAP NA EXTRADITION REQUEST PARA KAY QUIBOLOY SA US – DOJ

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Justice (DOJ) na wala pang natatanggap na opisyal na dokumento ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa extradition request mula sa Estados Unidos para kay Pastor Apollo Quiboloy. Sa isang ambush interview sa DoJ, tiniyak ni Undersecretary Nicholas Felix Ty na wala pa silang hawak na extradition request mula sa bansang Amerika. Reaksyon ito ng DOJ sa ulat na may kopya na umanong naipasa sa kagawaran noong Hunyo, 2025. Sinabi naman DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, hindi maaaring ipalabas ng bansa ang isang tao…

Read More

HIGH VALUE DRUG TRAFFICKER PATAY SA BUY-BUST

PATAY ang isang high value drug trafficker sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang hotel sa Entertainment City, New Seaside Drive, Barangay Tambo, Parañaque City noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-10:30 ng gabi inilunsad ng kanyang mga tauhan ang joint buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA Regional Office IV-A Cavite Provincial Office; katuwang ang PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) Southern District Office; at Special Operations Unit ng Philippine National Police…

Read More

24 RIDERS INARESTO SA ILLEGAL DRAG RACING

BULACAN – Dinampot ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang dalawampu’t apat katao kabilang ang 12 na menor de edad, sa ilegal na karera ng motorsiklo noong Lunes ng gabi sa San Rafael, Bulacan. Ayon sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang PNP-HPG hinggil sa ilegal na karerahan ng motorsiklo sa Mabalas-Balas-Gasan Maasim Bypass Road. Dahil sa nasabing sumbong ay kaagad na tinungo ng PNP-HPG ang lugar kasama ang mga opisyal ng barangay at San Rafael Municipal Station, dakong alas-sais ng gabi at doon naabutan ang mga kalalakihan at pinagdadampot…

Read More