KINALAMPAG kahapon ng mga grupong Tindig Pilipinas, NAGKAISA! Labor Coalition, Kalipunan ng Kilusang Masa at ilang indibidwal ang Korte Suprema at kanilang hiniling na baligtarin ang naunang desisyon na nagsabing unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Iginiit nila na tahasang binalewala ng Supreme Court ang Konstitusyon dahil sa pakikialam sa eksklusibong kapangyarihan ng Kamara sa pagtukoy sa legalidad ng impeachment complaint. Nanindigan ang grupo na dapat bawiin o baligtarin ng Supreme Court ang kanilang desisyon para maprotektahan ang demokrasya at maipatupad ang rule of law. Kasabay…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Bago lumipad si PBMM patungong India MALAKING SAWA NAHULI SA PAF HEADQUARTERS
ISANG tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang dinala sa pagamutan nitong Lunes matapos na matuklaw ng isang malaking sawa na gumagala sa Villamor Air Base, sa Pasay City ilang oras bago ang flight ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong India para sa gaganaping state visit. Nakita ang ahas sa madamong bahagi ng air base kaya agad na hinuli ito ng isang sundalo ngunit lumaban ang sawa at nasakmal ito subalit nagawa ring maisilid sa sako ng sumaklolong mga sundalo. Agad namang nilinaw ni Philippine Air Force chief Arthur Cordura…
Read More4 CHINESE TIMBOG SA PAGDUKOT SA KABABAYAN SA PARAÑAQUE
KALABOSO ang apat na Chinese nationals makaraang masakote ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group dahil sa pagdukot sa kapwa nila Chinese. Ayon kay PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, tumawag sa 911 ang kaibigan ng biktima at sa isinagawang operasyon noong Agosto 2 ay naaresto ang mga suspek. Sinabi ni Torre, modus ng mga suspek ang “money changing” at kapag may nagpapalit ng pera na malaking halaga ay dudukutin nila ito. Kilalang nagpapautang at pagpapalit ng pera ang mga suspek at napag-alaman din na dating nagtatrabaho sa POGO. Makaraang…
Read More6 KATAO NASABUGAN NG AIRCON COMPRESSOR
ANIM na indibidwal ang sugatan kabilang ang isang naputulan ng kamay, makaraan ang pagsabog ng isang aircon compressor habang binabaklas ito noong Linggo ng hapon sa panulukan ng Tayuman at Dagupan Streets sa Barangay 234, Tondo, Manila. Ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office ng Manila Police District, kinilala ang mga biktima na sina alyas “Christina” 36; “Mike”, 49; “Roman”, 51; “Ryan”, 43; “Jimboy,” 59, at isang 14-anyos na menor de edad. Batay sa ulat ni Police Major Arnold Echalar ng Sector Bravo Line Beat 3…
Read MorePAGTATAAS NG TERMINAL FEE SA BATANGAS PORT PINAG-AARALAN PA
PINAG-AARALAN ng Philippine Ports Authority (PPA) ang panukalang itaas ang singil sa terminal fee ng mga pasahero sa Batangas Port na may ilang taon nang hindi nagagalaw. Sa pahayag ni PPA General manager Jay Santiago, humihirit sa kanilang tanggapan ang Asian Terminals Inc. (ATI) ng taas singil na mula P30 ay magiging P100. Pinag-aaralan ng opisyal kung makatwiran ba ang kahilingan ng ATI na nagsasabing nakapagbibigay naman sila ng magandang serbisyo sa mahigit 8,000 pasahero sa nasabing terminal. Ayon kay Santiago, kanilang pag-aaralang mabuti ang nasabing pagtaas ng terminal fee. Paliwanag pa ni Santiago, kanilang…
Read MoreFRANCISCO BACKS SUPREME COURT RULING IN DUTERTE IMPEACHMENT CASE SLAMS HOUSE FOR “GRAVE ABUSE OF DISCRETION”
Veteran constitutional litigator Atty. Ernesto B. Francisco, Jr., the petitioner in the landmark Francisco v. House of Representatives case, has come out in strong defense of the Supreme Court’s recent 13–0 decision halting the Senate impeachment trial of Vice President Sara Duterte. Francisco, whose 2003 case remains the leading jurisprudence on the constitutional limits of impeachment proceedings, said the ruling in Duterte v. House of Representatives (G.R. No. 278353) is legally sound and consistent with precedent. “There is nothing inconsistent between the two rulings. The Supreme Court simply responded to…
Read MoreUNIFIED ‘NO PARKING POLICY’ ITINULAK NG DILG
NGAYON pa lamang ay marami na ang sumusuporta sa planong pagpapatupad ng Unified NO Parking Policy sa buong Metro Manila, ayon sa Department of the Interior and local Government, kasunod ng direktibang magbuo ng polisiya hinggil sa planong iskema, ang lahat ng local government executives sa kalakhang Maynila. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hinihikayat niya ang lahat ng Metro Manila mayors na magbuo ng Technical Working Group (TWG) na tutukoy sa major thoroughfares at Mabuhay lanes na ituturing na No Parking zones, at lumikha ng whole-of-city parking map para…
Read MoreLCSP suportado PEATC PAGPAPATUPAD NG MODERN PAYMENT SYSTEM PINABIBILISAN
PINURI ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pahayag kamakailan ni PEA Tollway Corporation (PEATC) Chairman Engr. Anthony Peter Crisologo na nagpapahayag ng suporta para sa pagpapatibay ng mga karagdagang paraan ng pagbabayad ng toll, tulad ng mga e-wallet at debit/credit card. Sinabi ng LCSP, ang hakbang na ito ay umaayon sa patuloy na adbokasiya ng kanilang grupo para sa mga repormang nakasentro sa commuter at sumasalamin sa isang progresibong diskarte tungo sa paggawa ng mga sistema ng toll na mas inklusibo at mahusay. Ang PEATC, isang government-owned…
Read MorePAGHATAK NG CHINA COAST GUARD SA BRP SIERRA MADRE ITINANGGI NG AFP
MARIING nagbabala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nagpapakalat ng fake news at mga sinasadyang disinformation lalo na may kaugnayan sa West Philippine Sea. Tahasang ding kinondena ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang panibagong pagtatangka na iligaw ang publiko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga luma o recycled footage na pinalalabas na mga bagong kaganapan sa karagatang bahagi ng Ayungin Shoal. Wala umanong katotohanan na na-tow o hinatak ng China Coast Guard ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal subalit tumatayong aktibong military…
Read More