Sasama sa atin

HOPE ni GUILLER VALENCIA “THE LORD replied, ” I will personally go with you, Moses. And I will give you rest-everything will be fine for you,” (Exodus 33:14). Si Moses ay binigyan ng mabigat ng trabaho ng Panginoon. Ito ay pangunahan ang Israelita na dalhin sa Promised Land. Hindi sinabi ng Panginoon kung sino ang makakasama o makatutuwang niya upang ituro sa kanya ang daan patungo sa Promised Land. Subalit, sa ating verse ngayon ay tiniyak ng Panginoon na siya mismo ang sasama sa kanya, “I will personally go with…

Read More

SUB-CON IPAGBAWAL DIN

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG talagang nais ng gobyerno na malinis nang todo at hindi talaga makukupitan ang infrastructure projects ng gobyerno ay dapat ipagbawal na rin ang pag-sub-con ng mga nanalong bidder. Naging kalakaran na kasi na kapag nanalo ang isang malakas at pinaborang construction company ay kukuha ng isang talunan o kaya kaibigang contractor para gawin ang proyektong pinanalunan sa pamamagitan ng bidding-bidingan. Dyan pa lamang kasi ay nauubos na ang pondo dahil kailangang kumita ang subcontractor at madalas diyan nagsisimula ang substandard na proyekto dahil kailangan nilang…

Read More

PAGMAMANDO SA BATA: RESPONSIBILIDAD NG MAGULANG

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISANG video ang naging viral sa TikTok tungkol sa mga batang tumatakbo sa loob ng isang establisimyento. Nakipag-usap pa ang kanilang ina sa staff, at tinanong ng staff ang manager kung may problema ba. Sabi ng manager ay wala, kasi walang nasira at walang nasaktan. At oo, likas sa mga bata ang maglaro, magtanong, at minsang maging malikot. Kasalanan ba nila iyon? Hindi. Pero responsibilidad ng magulang na gabayan ang kanilang mga anak, lalo na sa mga pampublikong lugar. Hindi lahat ng lugar ay…

Read More

MABISANG SANDATA VS KORUPSYON, PAGKAKAISA NG MGA PILIPINO

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG gusto natin ng pagbabago ay magkaisa tayo kung ano ang gusto nating mangyari sa ating bansa, ‘wag natin hahaluan ng pulitika. Maging dilawan, pulahan, at pinklawin man tayo ay iwasan muna natin kung sino man ang sinusuportahan nating politiko. Sa panahon ngayon ay dapat magkaisa tayo, labanan natin ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Ang korupsyon ngayon sa pondo ng bayan ay walang pinipili, lahat tayo ninakawan, maging dilawan, pulahan, at pinklawan ka man. Lahat tayo ay nakikita natin na tila walang linaw…

Read More

HUSTISYANG STREET VIEW

SA kaso ni former Tarlac Gov. Susan Yap-Sulit, hindi lang pangalan niya ang nakataya. Mismong dangal ng demokrasya ang nakasabit sa balanse. Sa desisyong inilabas ng Comelec Second Division, sinabi nilang hindi siya “residente” ng Tibag, Tarlac dahil ang bahay niya raw “mukhang bodega,” “warehouse-style,” at “hindi typical na tirahan.” Ang problema… hindi sila pumasok sa loob. Walang ocular inspection. Lahat base lang sa nakita mula sa kalsada. Talagang umabot na po tayo sa ilalim ng bariles. Biro niyo, isang political career, at boto ng libo-libong Pilipino, binawi dahil hindi…

Read More

NASA KAMAY NGA BA NG MGA DAYUHAN ANG NAPAKAYAMANG MINAHAN NG PILIPINAS?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ILANG beses ko nang tinalakay ito, dear readers at uulitin ko — tayo, ang Pilipinas ay ikatlo sa buong mundo na may pinakamalaking deposito ng ginto; napakayaman natin sa tanso, nickel, chromite, marmol at iba pang mineral na makukuha sa ilalim ng lupa at katubigan. At dati pa ay sinabi na rin ng inyong abang lingkod na ‘yung Malampaya na mina ng natural gas sa Palawan ay malapit nang maubos mula nang i-operate ito noong 2002 na sa report, mahigit $12 billion na ang…

Read More

BERNARDO AT GUTEZA: SINO MAS KAPANI-PANIWALA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA gitna ng kaliwa’t kanang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects, maraming lumulutang na pangalan. Dalawa rito sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at dating Marine Orly Regala Guteza — parehong tumestigo sa Senado, pero magkaibang-magkaiba ang tindig at tapang. Si Bernardo, ayon sa mga insider, ay hindi lang daw basta nakinabang sa mga “kickback.” Siya pa umano ang utak sa tinatawag na “key card culture” sa DPWH — isang eksklusibong grupo ng mga opisyal at kontratista na may espesyal na “access” hindi lang…

Read More

LAHAT NG AHENSYA DAPAT MAGBABA NG PRESYO

DPA ni BERNARD TAGUINOD INUTOS na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibaba ang presyo ng mga materyales ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero hindi lang ang ahensyang ito ang dapat atasan kundi lahat ng mga ahensya ng gobyerno. Matagal na itong raket ng mga regular at appointed officials sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno kaya panahon na para ipatupad ang kautusan nang seryoso at hindi lang sana pakitang-tao. Sa materyales pa lang na 100% ang patong ng government officials kumpara sa…

Read More

TAX BREAK NA KAYA ANG MAGPAPALUBOG SA BANGKA NI JUNJUN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG hindi iniinda ng kasalukuyang administrasyon ang kaliwa’t kanang rali ng taumbayan, ang tax break o sabay-sabay na hindi pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino na kaya ang magpapalubog sa bangka ni Junjun Marcos? Marami nang showbiz personalities ang dismayado sa isinasagawang imbestigasyon ng gobyerno at hanggang ngayon ay wala pa ring naparurusahan sa mga utak sa paglustay sa pera ng taumbayan. Paano kung sabayan pa ‘yan ng overseas Filipino workers (OFWs)? Ngayon ay inip na inip na ang publiko, imbes na maging malinaw na…

Read More