AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MAGSASAGAWA ng fraud audit sa flood control projects sa Bulacan ang Commission on Audit (COA) para papanagutin ang mga responsable sa pumapalpak na mga proyekto sa nasabing lalawigan. Ipinag-utos ni Commission on Audit (COA) chairperson Gamaliel Cordoba, ang pagsasagawa ng fraud audit sa flood control projects sa Bulacan, bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa flood control program ng pamahalaan, lalo na ngayong panahon ng habagat kung saan patuloy ang pagbaha na nagdudulot…
Read MoreCategory: OPINYON
Media at Information Literacy
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SOBRANG daming impormasyon na ang available para sa atin. Dahil sa Internet, isang pindot lang, mayroon na tayong access sa balita, opinyon, o entertainment. Dahil dito, nagiging pagsubok na minsan ang pagkakaroon ng sapat na kasanayan para magsuri at umunawa sa mga impormasyong nakakalap. Napakahalaga ng tinatawag na media at information literacy na isang disiplina at kakayahang hindi lang magbasa at makinig, kundi magsala, magpaliwanag, at maging responsable sa paggamit ng nakukuhang mga impormasyon. Hindi ito limitado sa teknikal na kakayahan sa pagbasa o paggamit…
Read MoreKWENTONG BARANGAY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO OOPS. Nasa balag ng alanganin ang katuwaan ng mga opisyal ng barangay kahit ipinagpaliban ang barangay at SK elections sa susunod na taon. Pansamantalang naudlot ang bungisngis, kasama na ang mga sikretong halaklak. Kinuwestyon kasi sa Supreme Court ang konstitusyonalidad ng RA 12232, na nagpapaliban sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections. Ayon sa isang petisyon, maraming depekto at labag umano sa karapatang bumoto ang batas. Abangan natin kung idideklarang labag sa konstitusyon ang bagong batas, at kung may ilalabas na TRO. Usapang pambarangay pero hitik…
Read MoreOFW MULA SA UAE BINIGYAN NG ABOGADO NG OFW JUAN
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG panibagong kaso ng umano’y paglabag sa kontrata ang muling naitala ng OFW JUAN-Saksi Ngayon, matapos personal na magsumbong si Aisha Betudio Mendoza, isang overseas Filipino worker mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Ayon sa detalyadong salaysay ni Mendoza, siya ay umalis ng Pilipinas bitbit ang isang kontrata na malinaw na nagsasaad ng kanyang magiging employer. Subalit pagdating sa Abu Dhabi, labis ang kanyang pagkabigla nang iba ang sumundo sa kanya — at hindi ito ang employer na nakasaad sa kanyang kontrata.…
Read MoreANOMALYA SA PAG-IBIG FUND AT KAPALPAKAN PA RIN SA LTO
RAPIDO ni PATRICK TULFO MUKHANG hindi lang ang DPWH ang dapat imbestigahan ng Malacañang sa katiwalian dahil sa ‘di umano’y maanomalyang bilyong pisong flood control projects. Baka hindi pa alam ni PBBM ang isa pang maanomalyang paglalabas ng pera sa Pag-Ibig fund na nagkakahalaga ng anim na bilyong piso (P6 bilyon) na inilagak sa isang naluluging pribadong construction company noong December 19, 2024. Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source, hindi dumaan sa Board of Directors ang naturang investment. Dalawang mataas na opisyal ng Pag-Ibig ang malilintikan kapag nagkataon, ang isa, na…
Read MoreFollowing the Lord
HOPE ni GUILLER VALENCIA SA Psalms 23:4, ito ang awit ni Haring David ng Israel, “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff, they comfort me.” Sa paglalakbay sa buhay natin, mayroon magaganda at masalimuot na karanasan tayong nakahaharap. Life wasn’t always sunshine and roses, ika nga. Hindi lahat umaayon sa kagustuhan natin o maganda ang kinalalabasan. Maganda sana kung laging kaayon at ayos ang takbo ng ating buhay. Obviously, hindi…
Read More‘Wag nating ipakita na duwag tayo sa China!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MAPAPANSIN, madalas na naman ang ginagawang pambu-bully ng China sa atin kaya ang pagkapit natin sa Mutual Defense Treaty ay isang kasiguruhan ng handang pagtulong ng US kasama na ang pinaigting na EDCA sites, sakaling lumala ang threat e nariyan ang US na siguradong tutulong sa ating depensa kung may mangyaring kaguluhan o bantang pananakop. Makikita ngayon kung sino ba talaga ang ating kaibigan at kung sino ang nagkukunwaring kaibigan. Pero, maliwanag naman ang sinabi ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi naman sa…
Read MoreSAMA-SAMANG PAGKILOS, TUNAY NA SOLUSYON SA PAGBAHA
TARGET ni KA REX CAYANONG TUWING dumaranas ng malalakas na pagbuhos ng ulan at matitinding pagbaha, madalas na nagiging eksena ang sisihan sa pagitan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga opisyal. Ngunit sa halip na puro turuan, mas epektibo kung magkakaroon ng sama-samang pagkilos mula sa lahat—gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan. Isang halimbawa nito ang ginawa ng isang tollway company na hindi lamang nakatuon sa kaligtasan ng mga motorista, kundi nakikipag-ugnayan din sa kaukulang mga ahensiya upang makahanap ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha, kabilang na ang pagpapatibay ng mga…
Read MoreTALO TAUMBAYAN SA AWAY NG KAMARA AT SENADO
DPA ni BERNARD TAGUINOD NAALALA ko pa sinabi ng Tatay ko noong bata pa kami na kapag sa isang bahay ay nag-aaway ang mag-asawa, wasak ang tahanan at walang ibang maaapektuhan kundi ang kanilang mga anak at tiyak na sila ay mapababayaan. Bumalik sa aalala ko ang sinabing ito ng aking Tatay dahil sa away ngayon sa pagitan ng Kamara at Senado at nag-aalala ako sa sambayanang Pilipino na tiyak na maaapektuhan sa bangayang ito ng mga senador at congressman. Noon pa man ay maraming hindi napagkakasunduan ang Kamara at…
Read More