BAGONG KASO NG PANG-AABUSO SA OFW, ISINIWALAT SA OFW JUAN

OFW JUAN ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa OFW JUAN sa Saksi Ngayon, ang ating kabayani mula sa Riyadh, Saudi Arabia na nagtatrabaho bilang kasambahay, upang humihingi ng agarang tulong matapos makaranas ng matinding pagmamalupit sa kamay ng kanyang employer. Kinilala ang biktima na si Robelyn Salvador, naninilbihan bilang household worker sa Riyadh. Subalit sa halip na maayos na kalagayan, kalbaryo raw ang dinanas niya. Ayon kay Robelyn, sa tuwing siya ay nagkakamali — o kahit kasalanan ng kanyang mga kasamahan sa bahay — sa kanya pa rin ibinubunton…

Read More

SERBISYONG TAPAT PARA SA BAWAT BISAYA MULA KAY AKO BISAYA REP. SONNY LAGON!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng mabilis na pagbabago sa ating lipunan, mahalaga ang mga lider na hindi lamang nakaupo sa pwesto kundi aktibong kumikilos upang maghatid ng makabuluhang pagbabago. Isa sa mga halimbawa nito ay si Cong. Sonny “SL” Lagon ng Ako Bisaya Partylist, na patuloy na nagsusulong ng mga batas at programang makatutulong sa pag-unlad ng komunidad, ekonomiya, at kapakanan ng bawat Bisaya. Sa kanyang mga tungkulin bilang Vice Chairman ng tatlong mahahalagang komite sa Kongreso—Government Enterprises & Privatization, Games & Amusements, at Legislative Franchises—maingat niyang tinitiyak…

Read More

ONLINE RENEWAL NG DRIVER’S LICENSE, DAMING REKLAMO

RAPIDO ni PATRICK TULFO WALA pang isang buwan matapos na ilunsad ang Online Driver’s License Renewal System (ODLRS) na pinangunahan pa ni Department of Transportation Sec. Vince Dizon, kabi-kabila na ang mga reklamo ukol dito. Ilan sa mga reklamo laban dito ay galing sa ibayong dagat mula sa overseas Filipino workers (OFWs) at expats (expatriates) na Filipino na gusto sanang gamitin ang naturang sistema. Ayon sa reklamo, humihinto ang ODLRS sa punto ng medical exam at minsan naman daw ay sa final stage ng pagbabayad. Samantala, ‘yun namang nandito sa…

Read More

KAILAN AASINTAHIN NG MARCOS ADMIN MGA HOARDER, MANIPULATORS SA PRESYO NG BIGAS?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IPINAG-UTOS ni President Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil ng 60 araw ang pag-angkat ng bigas upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka na umaaray sa mababang presyo ng palay ngayong anihan. Naku, nakita rin ang isa sa mga dahilan kaya nanlalambot ang mga magsasaka matapos ang gapasan. Kaya mababa ang presyo ng palay gawa ng importasyon ng bigas, na wala nang takda sa presyo, mababa pa ang taripa. Sa loob ba ng 60 araw ay tuluyang makakawala ang mga magsasaka sa hinaing na pumapatay sa kanilang…

Read More

MAHIYA NAMAN KAYA ANG MAKAKAPAL ANG MUKHA AT WALANGHIYA?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DRAMA lamang ba ang napanood, napakinggan natin, nabanggit/nabigkas ng ating Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa kanyang SONA 2025, o totohanan na ang sinabi niya, may mga mananagot sa mga politiko at opisyal ng gobyerno na hindi maitatanggi, naibulsa ang malaking pondo para sa flood control projects. Wika ni PBBM, nang mag-inspeksyon siya sa pinsala ng habagat noong huling linggo ng Hulyo ngayong taon – na epekto ng bagyong Crising, Dante, at Emong, nakita niya na marami sa nakumpletong flood control project ay…

Read More

MAG-INGAT SA INAAKALA

HOPE ni GUILLER VALENCIA “HIGIT sa lahat, mag-ingat sa inaakala ninyo dahil makokontrol ng inyong mga iniisip ang inyong buhay.” (Kawikaan 4:23). Binigyan ng Diyos ng kakayahang mag-isip ang mga tao. Binigyan niya tayo ng kakayahang isiping mabuti ang halos lahat ng bagay. Bagama’t maaaring hindi natin lubos na maunawaan ang maraming bagay, iniisip pa rin natin ang mga ito. Iniisip natin ang pisikal na lupain sa ating paligid, ang halaman, ang kaharian ng hayop, at ang sangkatauhan. Maaari rin nating isipin ang tungkol sa Diyos at sa relihiyon. Inihayag…

Read More

LUNOD NA SA UTANG ANG PINOY

DPA ni BERNARD TAGUINOD LUNOD na sa utang ang Pilipinas at kung hindi mareresolba ni Pangulong Bongbong Marcos ang corruption sa gobyerno ay malamang sa malamang ay malalagpasan niya ang inutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kapag lunod ang isang bansa sa utang, mangangahulugan na madaragdagan ang buwis na pinababayaran ng gobyerno sa mga tao sa ayaw at sa gusto nila, para makabayad ng interes para makapangutang ulit. Si Digong ay nakapangutang ng P7.2 trilyon mula 2016 hanggang 2022 kaya nang umalis siya ay umabot sa P12.7 trilyon ang utang…

Read More

Ang Paggalang sa mga Nag-eexam ay Hindi Kabawasan sa Kalayaan

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN BIGLA na namang uminit ang social media dahil sa isyu ng pagtakbo sa UP habang may UPCAT. Ang daming nag-react. May mga nagalit. May mga nagtanggol. Pero ang tanong: bawal ba talagang tumakbo habang may entrance exam? Simple lang ang sagot. Oo, bawal muna. Dahil may mas mahalagang nangyayari. Hindi lang ito simpleng event. UPCAT ito. Libo-libong estudyante ang nakataya ang kinabukasan. May mga galing pa sa malalayong probinsya. May mga unang beses palang makapapasok sa UP. At sa araw na iyon, gusto lang…

Read More

PGH UMAAPAW NA SA MGA PASYENTE

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKIUSAP na ang Philippine General Hospital (PGH) sa publiko na humanap ng ibang ospital dahil ang kanilang emergency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’. Ang ospital ay lumagpas na sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisenyo lamang sa 75. Hindi muna sila tatanggap ng mga pasyente sa ER maliban na lamang ‘yung mga nasa kritikal na kondisyon. Kinumpirma ni PGH spokesperson/coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakaaalarmang sitwasyon. Upang malimitahan ang…

Read More