BANGKA NI JUNJUN MARCOS PALUBOG NA!

PUNA ni JOEL O. AMONGO UNTI-UNTI nang tinatamaan ng mga kilos-protesta laban sa korupsyon ang tax collection ng bansa. Kinumpirma ni Finance Secretary Ralph Recto na apektado na ng lumilitaw na katiwalian sa flood control projects ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan. Sa isinagawang pagtalakay sa panukalang budget ng DOF, inamin ni Recto na nararamdaman na ng Bureau of Internal Revenue ang slowdown sa pagbabayad ng buwis bagama’t sa ngayon ay manageable pa. Ayon naman kay Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian, marami sa mga tao ang mag-iisip muna nang…

Read More

‘UNTOUCHABLE’ BA SI ROMUALDEZ?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPANSIN n’yo rin ba na tuwing may bumabanggit ng pangalan ni Speaker Martin Romualdez sa mga isyu ng katiwalian, bigla silang nagiging target ng smear campaign, o tuluyang nawawalan ng puwesto? Sa social media, marami na ang nagtatanong kung bakit tila takot ang ilan na banggitin ang pangalan ng Speaker, lalo na pagdating sa flood control mess at iba pang kontrobersiya sa pondo ng gobyerno. Isa sa mga unang nakaranas nito si Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ng Cavite. Matapos niyang manawagan ng imbestigasyon sa flood control…

Read More

KARAPATAN DIN NG ESTADO NA IPAGTANGGOL ANG SARILI

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KARAPATAN din ng estado na ipagtanggol ang sarili sa mga tao o pangkat na nais itong ibagsak. Meron na naman nagtanong: Ano raw ba talaga ang tamang approach o strategy laban sa hindi mapigilang paggawa, pag-importa at pagbebenta ng ilegal na droga? May mga weird o nakapangingilabot na mungkahi tulad na ‘yun daw nakukumpiskang illegal drugs ay ibalik sa kalsada, haluan ng lason, cyanide o ng kamandag ng ahas, para mapatay na ang mga adik. Kung makapaghahasik ng takot sa mga sugapa, matitigil na…

Read More

LIBRENG LIBING, GANAP NANG BATAS!

RAPIDO ni PATRICK TULFO ISA na ngang ganap na batas ang libreng serbisyo at pagpapalibing sa ating mahihirap na mga kababayan. Sa ilalim ng batas na ito ay libreng makakukuha ng serbisyo at libing ang namatay matapos na isumite ng pamilya nito ang mga karampatang requirements katulad ng form na manggagaling sa DSWD, death certificate at kontrata mula sa punerarya. Kukunin sa pondo ng DSWD ang natural pambayad upang wala nang iintindihin ang mga kaanak ng namatay. Ang mga ganitong batas ay dapat na ipaalam sa mga kababayan natin dahil…

Read More

NILOKO SA KONTRATA, NA-STRANDED SA AGENCY AT NGAYON AY OVERWORKED SA SAUDI

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa ating pahayagan ang isang OFW upang humingi ng tulong matapos makaranas ng matinding kalbaryo sa kamay ng kanyang ahensya at employer sa Saudi Arabia. Kinilala ang OFW na si Jessica D. Dabalos, na lumipad patungong Saudi Arabia noong Setyembre 22, 2025 upang magtrabaho bilang domestic helper sa ilalim ng Top Joby International Manpower Agency Co. sa Pilipinas at MADA ALKHALIJ RECRUITMENT OFFICE naman sa Saudi Arabia. Ayon kay Dabalos, apat (4) na araw pa lamang siya sa kanyang unang employer nang…

Read More

GUTUMIN ANG MGA CORRUPT

DPA ni BERNARD TAGUINOD KAILANGANG gutumin ang corrupt officials kasama ang karamihan sa mga congressman para hindi na nila pangarapin pang tumakbo muli dahil kapag wala na silang mapapala at walang aasahang kita sa pagiging mambabatas ay hindi na sila tatakbo ulit. Kaya ko sinabi na karamihan dahil marami sa mga miyembro ng Kamara, noon pa man at hanggang ngayon, ang pamilya ay kontraktor at kung hindi man sila direktang kontraktor ay may inaalagaan silang kontraktor na nakakukuha ng kanilang infrastructure projects. Magugutom ang corrupt officials kapag paigtingin pa ng…

Read More

KAPALARAN NI JUNJUN MATUTULAD KAY MARCOS SR.

PUNA ni JOEL O. AMONGO TILA magkakatotoo na ang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil kay Junjun Marcos na matutulad ang kapalaran nito sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na napilitang bumaba sa pwesto matapos patalsikin sa pamamagitan ng “People Power.” Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang pinakamagulong administrasyon ay ang kay Junjun Marcos na wala pa sa kalahating termino niyang anim (6) na taon ay nabalot na kaagad sa kontrobersiya ang kanyang administrasyon. Sa kanyang administrasyon din may nangyaring pinakamaraming beses na nagpalit ng Presidential Communications Office…

Read More

TAMA NGA SI CHIZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NGAYONG sinimulan na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects, unti-unti nang lumilitaw ang mga pangalan ng malalaking personalidad—mga taong dati’y tila hindi kayang galawin ng batas. Kasabay nito, lumalalim din ang pag-unawa ng publiko sa kung gaano kalawak at kalalim ang ugat ng katiwaliang matagal nang nagkukubli sa likod ng magagarbong titulo at matataas na posisyon. Hindi maikakaila na may bigat ang mga pahayag ni Senador Chiz Escudero. Aniya, ang usaping ito ay hindi tungkol sa kanya,…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA MALING IMPORMASYON SA LINDOL

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI dapat ginagawang biro ang nangyayaring mga lindol sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil maselang usapin ito at mapanganib. Nagbabala ang Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) laban sa kumakalat na social media predictions tungkol sa umano’y paparating na malakas na lindol. Ayon sa ahensya, wala pang teknolohiya na kayang hulaan kung kailan at saan tatama ang lindol. “Walang koneksyon ang mga lindol sa Luzon, Visayas, at Mindanao. May kanya-kanyang fault system ang mga ito,” paliwanag…

Read More