TARGET ni KA REX CAYANONG TAMA ang punto ni 4K Party-list Congw. Iris Montes na ang bawat araw na nade-delay ang pondo para sa PhilHealth ay katumbas ng pagkaantala sa serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino. Ang pondo mula sa PCSO ay hindi lamang basta pera, ito ay buhay at pag-asa ng mga nangangailangan ng agarang gamutan. Ayon sa batas, malinaw na 40% ng Charity Fund ng PCSO ay dapat ilipat sa PhilHealth kada quarter. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin naipadadala ang para sa ikaapat na quarter ng 2024.…
Read MoreCategory: OPINYON
‘DI NA NAHIYA SA TAXPAYERS
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG talagang epektibo ang mga ayuda tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ay wala na sanang nagkalat na mga basura sa Metro Manila na isa sa itinuturong dahilan ng matinding pagbaha kapag umuulan. Sa ilalim ng TUPAD program, pagtatrabahuin ang beneficiaries ng 10 araw at babayaran ng minimum kaya kung P645 ang minimum wage sa Metro Manila, sasahod sila ng P6,450 at walang buwis ‘yan ha. Ang trabaho ng beneficiaries ay maglinis, magwalis, pulutin ang mga basura sa kanilang komunidad sa loob ng…
Read MoreBAGO KA MAG-COMMENT, MAG-ISIP KA MUNA
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN PALAGI kong pinaniniwalaan na ang kalayaan sa pananalita ay isa sa pinakamagandang biyayang mayroon tayo ngayon. Malaya tayong magsalita, mag-post, at magbahagi ng ating iniisip nang hindi natatakot na ikulong dahil lang may nasabi tayo. Nakagagaan ng pakiramdam na kahit sino ay pwedeng magsabi ng saloobin. Pero ngayon, parang nagiging ingay na lang kaysa karunungan ang kalayaang ito. Kapag nag-i-scroll ako sa mga comment section, kita ko kung gaano kabilis itong pumangit. Isang simpleng post, biglang may libo-libong reaksyon. Wala namang masama roon. Maganda…
Read MoreWALANG NAKUKULONG O AYAW IPAKULONG?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGTATAKA si Senador Francis “Kiko” Pangilinan kung bakit walang naparurusahan o nakukulong na malalaking smuggler kahit na halos isang dekada nang naipasa ang batas laban dito. Ayon sa kanya, patuloy na lugmok ang mga magsasaka at mangingisdang Pilipino dahil pataas nang pataas ang gastos at hindi patas na kompetisyon dulot ng palusot na mga produkto, habang malayang nakalulusot sa batas ang mga smuggler. Binanggit niya ang tatlong kaso na isinampa sa ilalim ng Anti-Agricultural Smuggling Act noong Setyembre 2024, ngunit hanggang ngayon ay wala pa…
Read MoreOFW BIKTIMA NG CONTRACT VIOLATIONS, MAKAUUWI NA
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG bagong kaso ng umano’y paglabag sa kontrata ang idinulog sa OFW JUAN kaugnay sa ating kababayan na si Leonecel Hongoy Vallespin, 24-taong gulang, tubong Guihulngan City, Negros Oriental at kasalukuyang nakatalaga sa Tabuk, Saudi Arabia. Ayon sa salaysay ng mga kaanak, si Vallespin ay nakaranas ng malinaw na contract violations kabilang na ang mababang pasahod na 1,000 SAR, pagdadala sa kanya upang magtrabaho sa iba’t ibang bahay, at kawalan ng sapat na pahinga. Sa loob ng ilang buwan ay dumanas siya ng…
Read MorePAG-IBIG FUND ‘DI RAW NALULUGI
RAPIDO ni PATRICK TULFO SINAGOT ng PAGIBIG ang naisulat ko noong nakaraang linggo kung saan naibahagi sa akin ng aking source, na naglaan ng nasa P6 bilyon ang ahensya sa isang naluluging construction firm. Ayon sa pahayag na inilabas ni PAG-IBIG Fund Chief Exec. Officer Marilene Acosta, umaabot nga raw sa mahigit na P4-B ang kita ng ahensya sa kalahati pa lang ng taon at dahil dito ay umabot na nga raw sa P1.14 trillion ang total asset nito. Mabuti kung ganoong kumikita sila, dahil ano pa ginagawa nila riyan…
Read MoreGARAPAL!
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI SOBRANG garapal! Ito ang agad na pumasok sa aking kukute pagkatapos kong panoorin ang video interview ng isang kilalang broadcast journalist sa mag-asawang kontratista sa gobyerno partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Sinadya kong hindi na ilagay ang pangalan ng broadcast journalist at ang mag-asawang kinapanayam. Hindi ko praktika ang ibilad pa sa publiko ang sinomang sentro ng anomalya at eskandalo. Ang interview ay isinagawa noon pang nakaraang taon. Nasa You Tube ang video. “…dating mahirap na naging bilyonaryo” ang…
Read MoreAksyong malasakit ni Konsi J. Domagoso, ipinadama sa Pritil Market vendors
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ANAK ng tokwa naman, nasunugan na nga ang mga vendor ng Pritil Market, aba, sinisingil pa ng renta at ‘pag ‘di agad nakabayad, may penalties! Okay sana, dear readers kung operational na ang Pritil Market, pero dumaan na ang mahigit dalawang taon, ang ipinangakong pagtatayo ng modernong palengkeng ito sa Pritil, hindi nangyari. Nasunog kasi ang palengke noong April, 2023, at may bonggang groundbreaking ceremony pa si ex-Mayor Honey Lacuna-Pangan na nangako, within two years, isang bagong Pritil Market ang uusbong, maitatayo sa lugar.…
Read MoreQUEZON GOV. HELEN TAN, ‘DI TUMATANGGI SA HAMON PARA SA EDUKASYON
TARGET ni KA REX CAYANONG TUNAY na mahalaga ang papel ng guro sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan. Sa ikalawang batch ng Teachers Convention 2025 sa Lucena City, muling pinatunayan ni Governor Doktora Helen Tan na hindi siya tumitigil sa pagsusulong ng mga programang magpapalakas sa sektor ng edukasyon sa Quezon. Kaya sa temang “From Data to Impact: Advancing Literacy and Numeracy through Research,” naging sentro ng usapan ang konkretong hakbang para mapaunlad ang kakayahan ng mga bata sa pagbasa at pagbilang. Hindi na lingid sa atin na malaking suliranin…
Read More